WITCHY 56- TEARS -

15.1K 279 41
                                    

*ZEON*

Hindi pa din ako makapaniwala.. Nasa tabi ko si Alliyah ngayon,andito na din sila Peter June at Jenny. Naexplain na din nila ang nangyari. Si Alliyah ang nagnakaw ng libro at isa din siyang Nimpa. Iyon ba ang dahilan kung bakit siya nawala na lang nuon?.

"mabuti na lang at nakita ulit kita" - Alliyah

Tipid ko lamang siyang nginitian.. Napabaling ang tingin ko kay Mailey na nasa harapan namin ngayon habang katabi niy si LUKE. DAMN! dapat ako ang katabi niya. Nagiwas siya ng tingin sa amin.. Nasasaktan ba siya? Nakita niya kaya ang ginawa ni Alliyah kanina?.

"EHEM"

Napatingin kaming lahat kay Peter Justine ng tumikhim siya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.. Alam niyo kasi kaya kami nandito ngayon at imbis na dumiretsyo sa palasyo.. Kasi.."

Nagpouse siya at tumingin sa amin ni Alliyah at inilipat ang tingin kay Mailey. Hindi ko alam pero kinabahan ako..

"Mailey.. She need your Help"

****************************

*Mailey*

"Mailey.. She need your help"

Napatingin ako kay Peter Justine. Hindi ako tanga kaya alam ko kung sinong tinutukoy niya.

"Bakit?"

Alam ko gulat sila sa tono ng pananalita ko. Malameg

"A-ano k-kas--"

"Isinumpa ako.."

Pagpuputol ni Alliyah sa sinabi ni Peter June kaya naman napabaling ang tingin ko sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili kung kagatin ang ibabang labi ko. Hindi pa din kasi nawawala ang kirot sa dibdib ko lalo na makita ko ngayon na magkatabi silang dalawa.

"Anong isinumpa?" - Ceriz

Hinintay namin siyang sumagot. Pero hinubad niya ang Robe na suot niya tanging puting bestida lamang ang suot niya ngayon kaya naman tumambad sa amin ang gusto niyang ipakita.

"FUCK!"

Gusto kung mainis.. Lalo nat nahimigan ko ang pagaalala sa kanya.. Pero gusto ko ding magulat at maawa sa babaeng eto. Paano siya naisumpa ng Dark Magic?

"Si Azlia ang may gawa nito. Siya din ang may kagagawan ng pagkasira sa Spiritual City at sa Grim Temple na tinutuloyan ko"

Nababasa ba nang babaeng eto ang naiisip ko?

"Damn! Bakit hindi ka tumakas? Dapat nung una pa lang tumakas ka na!" - Zeon

"sorry.. H-hindi ko kasi alam eh.."

Napatalikod ako agad. Hindi ko sila pinansin. Alam kung nakuha ko ang atensyon nila. Ang sakit talaga.. Nagaalala siya sa kanya.

" Mailey.."

Tinignan ko ang humawak sa kamay ko.

"Im okay Luke.."

Pinilit kung ngitian siya. Ayos lang ako! Ou ayos lang talaga ako..

"Wait. Bakit si Ate ang naisip mung pweding tumulong sa kanya?" baling ni Ceriz kay Peter June

"Pasensya na.. Siya lang kasi ang unang pumasok sa isip ko. Diba sabi mo dati? Halos malapit na niyang matapos basahin ang Book of Spell? Baka lang kasi matulungan niya si Alliyah"

Tama.. Halos malapit ko na ngang matapos basahin ang libro. At alam ko din kung paano siya matutulngan. Tutulungan ko ba siya? Hindi ko alam..

"Paano ka nakakasiguro na tutulungan ko siya?"

Pagharap ko sa kanila inaasahan ko na ang pagkagulat sa kanilang mukha. Pero hindi ko inaasahan ang makita kung reaksyon ni Zeon.. Lungkot at Panghihinayang? Stupid.

Binalingan ko si Alliyah na mukhang gulat din na napalitan ng pagkalungkot.

"See? Wala kayong kasiguraduhan na tutulungan ko ang babaeng yan"

Tumayo na ako at tinalikuran ko na silang lahat.. Alam kung napakasama ko naman yata pero hindi ko pa kasi kaya--

"Please.. Nagmamakaawa ako.. Mailey.. Please tulungan mo ako.."

Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Lumuhod siya sa harapan ko. She's crying and begging for my help.. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"ALLIYAH!"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa.. Lalo na kay Zeon na tinakbo pa talaga si Alliyah para alalayan sa pagkakaluhod niya.

"No Zeon! Please.. Mailey.. Kailangan ko ang tulong mo.. Nagmamakaawa ako sayo"

Hinawakan niya ang kamay ko at mas lalo pa siyang humagulgol.

"Mailey.."

bakit ganun? Nakadaya ng tadhana.. Bakit hindi niya hinintay ang dapat sanang masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko? Bakit kung kelan handa na ako at alam ko na sigurado na ako sa kanya tsaka pa nagawang maglaro ng tadhana? Bakit sa pagbigkas niya ng pangalan ko ngayon sinasabi niya na tulungan ko ang babaeng eto.. Bakit Zeon? Bakit?

Kinalma ko ang sarili ko at binalingan silang dalawa.

"tumayo ka na diyan. Hindi ako ganun kasama. Bukas na bukas din ihanda mo ang sarili mo"

Binitawan ni Alliyah ang mga kamay ko.

"Salamat! Salamat talaga!"

Hindi ako nakapagprotesta agad ng Yakapin niya ako.

Tipid ko siyang nginitian at nilagpasan siya. Bakit ko ba to ginagawa? Bakit ko siya tutulongan?

Dahil mahal siya ni Zeon.. At mahal ko si Zeon.. Gusto ko siyang maging masaya..

"Mailey.."

gusto kung maiyak sa simpleng paghawak ni Zeon sa kamay ko. Alam ba niyang nasasaktan na niya ako? Hindi ko siya nilingon at ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Huwag mo akong hahawakan"

Walang lingon-lingon akong iniwan siya duon habang sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.

++++++++++++++++++++++++

WAAAAAAAAAA! AKO DIN nung tinatype ko to. Malapit na ako maluha! Huhuhuhu

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon