(DarkNess Palace)
*Devona*
Binuksan ko ang napakalaking pintuan kung saan sa likod nito ay nandoon si Reyna Azlia.
"Kamahalan.."
Katulad ng lagi kung ginagawa nagbigay galang ako sa kanya.
"ano ng balita Devona?"
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ang tagal ko ng ninais na maging kanang kamay ni Reyna Azlia.. At ngayon nga ay nangyari na dahil sa kataksilan ni Canberra!
"nakadating na po sila Wonderland City.. Ano na po bang plano natin? Lulusubin na po ba natin sila?"
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at tumingin sa labas ng palasyo. Napakadilim.. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa buong Darkness City.. Kung saan sa Pinakadulo ng Wonderland City mo matatagpuan.
"Hindi na natin kailangan pang magpakahirap pa.."
Nilingon niya ako na may ngiti sa kanyang labi.. Ngiti na kahit sino ay matatakot at kikilabotan sa likod ng mga ngiting iyon..
"... Dahil sila na mismo ang lalapit sa atin."
Humalakhak siya na parang isang demonyo. Napaismid ako.. May alas kami na ikakapahamak nilang lahat. Mapapasaamin na din ang buong WONDERLAND CITY. At nalalapit na yon.
+++++++++++++++++++++++
*MILLEN/CANBERRA*
Sigh. Tinignan ko ang kaharap na selda.. Nakaupo siya katulad ng dati. Ilang araw na ba kaming nandito? Tatlo? Dalawa? Hindi ko alam..
Wala naman kasing umaga sa Darkness City.. Puro kadiliman.
Dito ako namulat at natuto sa maling paraan na itinuro sa akin. Napatingin ako ng bumukas ang selda at pumasok duon ang isang tao na kilalang kilala ko.
"kamusta Canberra..?"
Sinamaan ko siya ng tingin ng inilapag niya ang pagkaen sa harapan ko.
"Devona.."
She smirk. Gusto ko siyang patayin! All this time gusto niya padin maging kanang kamay ni Azlia na dating ako ang kanang kamay niya. Ngayon na nakamit na niya ang gusto niya. Impossible na wala siyang binabalak.
"your so poor.. Kung hindi ka ba naman nagtraidor kay Reyna Azlia. Eh di sana wala ka dito. You know? Ikaw pa din sana ang kanang kamay niya"
Tss. Wala na akong pakialam ngayon.. Siguro nauntog na ako at nagising sa katotohanan na mali ang ginagawa namin.
"ano pa bang gusto mo Devona?"
Nginitian niya ako at tumingin sa katapan na selda. Kung saan siya nakakulong at nakakadina siya na kagaya ko.. Kasalanan ko to. Hindi dapat siya nandito.. Ako lang dapat ang naghihirap ngayon.
"nakakatouch naman! Look at him. Mas ginusto pa niyang maghirap kasama ka kaysa makasama sila na ngayon ay mukhang nagsasaya sa Witchy City. Oh well.. Hindi na din naman magtatagal ang kasiyahan nila"
Tinignan ko si Devona ng palabas na siya ng selda.
"anong ibig mong sabihin!?"
Ngumisi ulit siya sa akin at tinignan si Peter Justine na nasa kabila at wala pa ding malay..
"Pupunta sila dito para iligtas kayo.. Touching isnt it? Hahaha nakakatawa naman ang pagkakaibigan niyo. Nagawa mo na silang traidorin ililigtas ka pa?. Di bali. Pabor sa amin iyon.. Mas mapapadali ang plano nI Reyna Azlia."
'Damn!'
hindi to pwedi! Kailangan kung gumawa ng paraan. Kailangan ko silang masabihan! Hindi sila pweding pumunta dito. Dahil...
"M-Millen.."
Tinignan ko siya agad. Nanghihina pa siya.. Parang dinudurog ang puso ko ngayong nakita ko siyang nasa ganyang kalagayan.. Nahihirapan siya.
"J-Justine.."
He smiled at me weakly.. Namuo ang mga luha sa mata ko.
"everythings gonna be alright.."
Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko sa aking pisnge. Seeing him in pain is killing me. Its my fault.. Ng dahil sa akin napahamak ang lalaking alam kung special at importante sa akin.
+++++++++++++++++++++++++
Oha! Oha! Namiss ko sila Millen at Justine eh! Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AdventureMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...