Eto na! Eto na! So eto na talaga XD haha hindi ko na papatagalin ang bakbakan nila kaya eto na! Enjoy.. Mihihihi
+++++++++++++++++++++++++
Tumalon silang lahat ng tumama sa kanila ang napakalakas na enerhiya na nanggaling sa bolang crystal ni Azul.
"haist bakbakan agad!?"
Cool na sabi ni Luke habang nakapamulsa katabi nito si Zeon na nakasandal sa puno habang nakatingin kay Azul. Sila Airey,Niel at Karen naman ay nakasakay na sa magical Dragons habang sila Ceriz at Miley nakasakay sa kanilang walis. Kasama naman ni Peter Joe si L.A na nakasakay sa Flying Carpet.
"iyon lang ba ang kaya mo?"
Maangas na tanong ni Luke. Ngumisi si Azul at kasabay nito ang pagilaw ng kanyang hawak na Bolang Crystal.
"actually wala pa. Do you think magiging ganito ang itsura ng SpirituaL City kung iyon lang ang kaya kung gawin?" - Azul
Nagtagis ang mga baga nila dahil sa sinabi ng kalaban.. Lalo na at nasira ang pinakasagradong lugar sa Wonderland.
"Sisiguraduhin kung hindi ka na sisikatan ng araw!"
Itinaas ni Mailey ang kanyang mga kamay. Pinaikot-ikot niya ito at namumuo ang light energy inihagis niya eto kay Azul ngunit umilaw na naman ang hawak niyang Crystal nagsilabasan dito ang Throlls na sinalag ang Light Energy ng Dalaga.
"ako ng bahala sa babaeng yan!"
Sinugod ni Mailey si Azul. Habang kalaban naman ng iba ang mga Throlls.
"ang kapal mo talagang babae ka!"
Sabi ni Azul na tumalon at may inilabas na Ispada sa kanyang Crystal Ball. Sinangga ni Mailey ang Pagsugod ni Azul. Binigyan niya eto ng sunod-sunod na pagsugod ng ispada habang sinasalag niya.Itinaas ni Azul ang kanyang Bolang Crystal at nagliwanag eto. Nasilaw si Mailey na sinamantala ni Azul. Sinipa niya eto sa sikmura dahilan upang malaglag ang dalaga at bumagsak.
"Mailey!"
halos sigaw nilang lahat. Agad naman na binigyan ni Zeon ng malakas na sipa ang Throll na kalaban niya. Tsaka lalapitan sana si Mailey pero nakabangon na eto at nababalutan ng puting Aura tsaka muling sumakay sa walis at sinugod si Azul.
+++++++++++++++++++++++++
*Mailey*
Tsk humihina na ba ako? No. Para saan pa at ako ang susunod na mamamahala sa buong Witchy City kung mahina ako?. Hindi ako makakapayag. Magbabayad ang lapastangan na eto sa pagsira ng napakasagrado naming lugar!
Ramdam ko ang pwersang dumadaloy sa akin. This is the royal blood witch.. Eto ang kapangyarihan ko.
Hindi niya inaasahan ang pagsugod ko sa kanya. I reach her neck.. Diniinan ko ang paghawak dito. Mahina pala siya.
"sinabi ko diba? Hindi ka na sisikatan ng araw.?"
Sinusubukan niyang alisin ang kamay ko sa kanyang leeg. Nasisiyahan akong makita siyang nahihirapan. Kulang pa to sa ginawa niya.
"aagh!" itinaas niya ang kanyang bolang Crystal.
Umiilaw na naman.
"Ceriz!"
Nabaling sa akin ang tingin ni Ceriz ng tawagin ko siya matapos niyang mapabagsak ang kalaban niyang Throll. Sinipa ko ang Crystal na hawak ng babaeng eto.
"Fuck!"
I smiled. Tingin niya hindi ko napapansin? Galing sa Crystal ang kapangyarihan niya. Pag-wala ang Crystal.. Mas mahina pa siya sa mortal.
"basagin mo!"
Nakuha agad ni Ceriz ang sinabi ko. Sinalo niya eto at Inihampas sa Bato.
"Huwaaaaaaaaag!!" - Azul
Nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong kapaligiran.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaah! M-magbabayad kayo.."
Lumapit sila sa akin at pinanuod si Azul na unti-unting kumukulubot ang kanyang mukha.
Mula sa kanyang magandang mukha ay nagiging matanda siya.
"H..hindi.. Ang kagandahan ko.."
"ewww! Kagandahan ka diyan!"- Karen
"hindi! Hindi!"
NAGIGIng abo din ang kanyang kamay. Ibigsabihin lang nito ibininta na niya ang kanyang kaluluwa sa itim na kapangyarihan. Sa oras na matalo siya lalamonin siya ng kadiliman. Dark Curse.
"Magbabayad kayo! Mamatay kayo!"
Lumakas ang Hangin at itinangay ang abo ni Azul. Kinabahan na naman ako ng marinig ko ang salitang Mamamatay. Naalala ko na naman ang hula sa akin. No!
Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanila. At walang mamamatay.
++++++++++++++++++++++++++
*EIVE Town*
*Peter Joe*
"sa tingin mo ba nandito yung magnanakaw na yun?"
Tanong sa akin ni Jenny My Labs. Nandito kami ngayon sa Eive Town. Kung saan nakatira ang mga ibat-ibang nilalang. Like Elves,Pixies,merun ding mga Half Immortals. Katulad nalang ng Half Wizard half mortal. Dito sila nakatira dahil Hindi sila katulad namin na Pure. But it doesnt matter kung half immortal sila. Malaya pa din silang nakakapasok sa Wonderland City.
"ou nga nakahood lang naman siya" sabi ko kay my labs habang ginagala ko ang paningin ko sa paligid.
"engot ka talag!" nagpout ako dahil sa sinabi niya. Napatampal pa siya sa kanyang noo.
"Tignan mo nga! Ang dami nakahood!"
ou nga. Ang daming nakhood nasa pamilihan kasi kami. At pati kami nakahood din. Pero madali lang naman yun eh kasi siya lang may hawak ng Libro--
"ayon siya!"
Turo ko sa Nakahood na may Hawak ng Libro. Yakap-yakap niya eto. Lumingon na naman sa amin pero hindi pa rin kita ang mukha niya. Agad siyang tumakbo at nakipagsiksikan.
Hinabol namin siya kaagad.
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AdventureMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...