WITCHY 51-NIGHTMARES PART 2-

15.4K 232 10
                                    

Kaya po NIGHTMARES kasi Bangungot nila. Haha tapos yung mga panaginip nila yun yong MGA KINAKATAKOTAN nila na mangyari.

****************************

Agad na nilapitan ni Zeon si Ceriz at niyugyog eto dahil sobrang lakas ang ginagawang pagsigaw ng dalaga.

"HUWAG! AAAAAAAAAH! TULONG! TULONG!!" - Ceriz

Hindi malaman ni Zeon kung anong gagawon dahil lahat ng kasama niya ay nagpapapasag na din.

"A-Airey.. Stop..it.."

Napatingin si Zeon kay Niel.Hanggang sa may maisip etong Paraan.

"Magbabayad ka! Hangal!!"

Tumalon si Zeon habang hawak niya si Ceriz ng bigla na naman sumugod ang kalaban niya. Inihiga niya si Ceriz sa tabi ni Mailey at muling hinarap ang kalaban.

"ako napupuno na ako sayo! Humanda ka na!"

naglabasan ang matatalim na kuko ni Zeon at ang Pangil nito. Walang ano-ano na tinamaan nito ang ulo ng kalaban na siyang pagkaputol ng ulo nito.

"tss. Sinabi ko na sayo hinding hindi ka na magigising pa"

bumagsak sa harapan niya ang katawan ng kalaban na wala ng ulo. At muling hinarap ang mga kasama..

"haist! Kailangan kung pumasok sa panginip nila para magising na sila!"

Umupo siya sa isang tabi at pinilit na matulog. Hanggang sa makapasok siya sa Panaginip ni Niel.

***************************

*KAREN*

Agh! Nakakainis lang! Kanina pa ako paikot-ikot dito sa isla na eto. Ano bang ginagawa ko dito? Tsk!

Sigh. Pagod na ako.. Napaupo na lang ako sa tabi ng dagat.. Nasaan na ba kasi ang mga kasama ko? Iniwan na ba nila ako?.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at itinago ang mukha ko. Hindi.. Hindi ako iiyak. Matapang ako..

Bwisit na Luha! NapakaTraydor!.

"AAAAAAAAAAAAAAH! NASAAN NA BA AKO!? AYOKONG MAGISA! ALALAY! NASAAN KA BA!?"

teka! Naisigaw ko ba yun? Tinawag ko si Alalay?

"S-Sandali.."

Napatayo ako agad ng makita ko si Peter Joe na dinaanan ako at nagderitsyo sa Dagat.

"Hoy!"

Gusto ko siyang sundan pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ano ba! Ang tanga mo talaga! Malalim na diyan!"

Wala pa din siyang ginawa.. Hindi niya ako pinansin at deritsyo pa din.

"Tanga! Ang tanga mo! Malulunod ka na! Please.. Ayoko magisa.."

Sunod-sunod ang pagtulo g Luha ko ng mawala na siya sa harapan ko at tuluyan ng nilamon ng dagat. Wala na.. Wala na siya..

"HINDIIIIIII!!!!!"

****************************

*PETER JOE*

"AAAAAH! tulong..tulong.!"

Isang malaking Water Snake ang pumupulupot sa akin! Dam!

Kampon ba ni Bruha to at pinadala dito para patayin ako? Eto ba talaga ang gusto niya? Ang patayin ako?

"Agh!"

Mas lalo akong nililingkisan ng Water Snake.. Shit. Hindi ako makahinga.. Nahihirapan akong makahinga..

"Tulong..tulong.."

Agh! Karen..

****************************

*LUKE*

"AGH!"

Hinawakan ko ang Balikat ko. Umaagos dito ang sagana kong Dugo. Tumingin ulit ako sa harapan ko.

Kalaban ko ang Sarili ko.

"shit!"

Sumugod na naman ang Sarili ko naging wolf siya. Kaya nagtransform ako bilang wolf.

Tinalunan niya ako at kinagat sa balikat.

Agh!

Kinagat ko din siya but Damn! Sa tuwing sinasaktan ko siya. Ako ang nakakaramdam ng sakit!

Naging tao ako ulit.. Wolf pa din siya. Nanghihina na ako.!

Wala na akong nagawa ng talunan ako at Kinagat sa dibdib ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!"

****************************

*MAILEY*

Hindi.. Hindi..

"ama! Ama! Hindi.. Ina..."

Naliligo sila sa sarili nilang dugo.. Patay na sila..

"AAAAAAAAAAAAH! AMA! INA!!"

Pagmulat ko. Nasa ibang lugar na naman ako. Wala na akong ginawa kundi ang maglakad at sa mga nadadaanan ko ay may mga nakahandusay na bangkay.. Eto na ba ang hula sa akin? Ang may mamamatay?.

Pakiramdam ko papanawan ako ng ulirat. Pakiramdam ko tumigil ang oras! Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.. Si Ceriz..

"Ceriz!!"

Tumakbo ako Papunta sa kanya. Naliligo siya sa sarili niyang dugo!

"Ceriz! Gumising ka! Ceriz! AAAAAAAAAAAAAAAAAHH!"

Bakit? Bakit nangyayari eto? Ginagawa ko naman lahat.. Tumingin ako sa paligid ko. Sila Niel,Airey,L.A,Karen,Peter Joe,Luke,Peter June,Peter Justine,Jenny,Millen.. At si Zeon!

Tumakbo ako papunta kay Zeon. May nakatusok na ispada sa kanya.. Hindi.. Hindi!

"Zeon!ZEON!!! AAAAAHHHH! hindi! Hindi! Hindi!!!!!!!"

Kinilabotan ako ng makita ko sa harapan ko ang sarili ko na nakangisi at may hawak na Ispada. Puro dugo ang katawan at mukha. Ako? Ako ba ang may gawa?

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH"

Hawak ko ang Ispada at naliligo ako sa dugo.. Dugo ng Mga pinatay ko.

"AAAAAAAAAAAH!!"

***************************

cut! Next WITCHY 52-ITS ONLY A NIGHTMARE-

Eto na yung pumasok si Zeon sa mga panaginip nila. Up Next yun! Salamat Guys! :)

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon