WITCHY 70 - END -

10.9K 247 12
                                    

ETO NA! ETO NA! ETO NA TALAGA!

****************************

*3rd PERSON*

PINAGPAPATULOY nila ang Ritwal habang si Azlia ay pinipilit sirain ang Harang na ginawa ni Millen.

"Hindi kayo magtatagumpay!"

Sunod sunod na dark energy balls ang pinakawalan ni Azlia.

"Dalian niyo! Hindi ko na makakaya to!" sigaw ni Millen.

Tuloy-tuloy sila sa pagbigkas ng ritwal.

"Hindi kailan man magtatagumpay ang liwanag sa kadiliman!"

nanlaki ang mata ni Millen ng isang malaking itim na energy ball ang hawak ni Azlia

"G-Guys.."

Hindi siya pinansin dahil lhat sila ay seryoso lang sa ritwal.

"GUYS!"

tuloy-tuloy lang sila. At nangingibabaw din ang malademonyong tawa ni Azlia.

"OH MY GOD!"

Sigaw ni Millen ng inihagis ni Azlia ang Itim na Enerhiya sa kanilang kinatatayuan.

Minulat ni Millen ang kanyang mga mata. Nasa harapan na niya ang mga kaibigan. Napansin din niya na hawak ni Zeon ang napakalaking ispada.

"Lets end this."

Sigaw ni Zeon at sinugod si Azlia. Isinangga ni Azlia ang kanyang Itim na wand. Tumaya lang tumawa si Azlia na parang baliw.

"hindi niyo pa din ba naiintindihan??" Lumipad siya at lumabas ang kanyang pakapak. Nagiba ang kanyang itsura. Naging isang malaking Panget na paniki si Azlia.

"Ako! Ako! Ako ang maghahari sa buong Wonderland!!"

MABILIS ang mga naging pangyayari. Madaming itim na matutulis na usok ang isa-isang sumaksak sa kanila. Nagimbal si Mailey sa kanyang nakita. Sila Airey at Niel na bumagsak at duguan.

Sila L.A at Ceriz na magkayakap na nasaksak ng itim na bagay

Si Karen na pinipilit hawakan ang kamay ni Peter Joe na nagtamo ng madaming saksak.

Sila Jenny at Peter June na pinipilit tumayo.

Si Millen at Justine na magkayakap na nakahiga.

At si Alliyah na nakahawak sa kanyang duguang tagiliran. Si Luke na pinipilit tumayo at si Zeon..

Nakatayo ang binata gamit ang ispada.

Naalala niya ang hula sa kanya ng Matanda.

Naagaw ng atensyon niya ng humalakhak ang panget na Paniki.

"Sinabi ko naman! Hindi kayo magtatagumpay!" - Azlia.

"Zeon! Gawin na natin!"

Napatingin si Mailey ng sumigaw si Luke. Pumasan si Zeon sa balikat ni Luke at Tumalon para maabot si Azlia. Lumiwanag ang ispada kasabay nun ang pagtaas niya dito para matamaan si Azlia.

NGUNIT.. Hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari.

"HINDI!!! ZEON!!!"

sigaw niya ng isang itim na ispada din ang sumaksak kay Zeon.

Bumilis ang tibok ng puso ni Mailey. Hindi niya inidiya ang sakit na nararamdaman niya dahil sa saksak niya. Dahil gusto niyang lapitan ang Duguang binata.

Pabilis ng pabilis ang kanyang tibok ng puso.

"Hindi to nangyayari..!"

Paulit-ulit na bulong niya sa kanyang sarili hindi niya napapansin na umiilay ang "Destiny Stone" na kanyang kwentas.

"Hindi.."

Bumaba si Azlia at itinaas niya ang itim na ispada. Tanda na sasaksakin si Zeon.

Naistatwa si Mailey sa kanyang kinatatayuan.

"HINDI!!!"

kasabay ng kanyang pag-sigaw ay nabalot ng liwanag ang buong paligid

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon