WITCHY 26 -PRINCE of FIRE LAND-

22.4K 394 45
                                    

*L.A*

"kamusta..?

Prince of Fire Land."

O_O

T-totoo ba tong nakikita ko? Isang Witch! At tinawag pa akong Prince of Fire Land!.

"ugggh! L.A! Tumakbo ka na!"

napatingin ako kay Joe na sinasakal ng itim na usok. Panaginip ba eto? Hindi to totoo!

"nakakapagtaka naman na ikaw pala ang Prince.. Bakit kaya hindi ka malapitan ni Canberra? Mukhang mahina ka aman"

sinasabi niya yan habang papalapit sa akin. Ako naman ay paatras. Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya. Sinong Canberra? At bakit niya ako tinawag na Prince of Fire Land!

*BOOM*

Sinalag niya ang puting enerhiya na tatama sana sa kanya. Lumingon siya kay Peter Joe na ngayon ay nakawala na sa itim na usok at may Hawak din na Wand!

Ano bang ngyayari? Bakit may Wand si Joe!?

"tss. Sagabal ka talaga!"

sinugod siya ng babaeng Witch naging isang Malaking Palakol ang wand na hawak niya. Sinangga naman eto ni Joe na ngayon ay Ispada na ang kanyang hawak.

"L.A! Tumakbo ka na! Dali!"

sa sigaw na yun ni Joe ay nakakilos din ako. Kahit na hindi ko siya maiwan kailangan kung lumayo kung hindi ay malalagot ako!

"Tingin mo makakatakas siya!? Golems!" - Witch

O_O

shit! Ano yan? May dalawang taong bato ang humarang sa daraanan ko. Pula ang kanilang mata!

+++++++++++++++++++++++++

*3rd Pov*

Hinarang si L.A ng dalawang Golems habang si Peter Joe naman ay nakikipaglaban sa babaeng Witch.

"L.A!" - Joe

sinangga niya ang palakol na tatama sana sa kanya. Nagaalala siya sa kaibigan.

"kailangan mo ding mawala!" sigaw ng mangkukulam. Gumawa siya ng Circle Spell. May itim na enerhiya ang naipon sa kanyang harapan na parang isang bola. Inihagis niya eto kay Joe. Isinalag niya ang kanyang Ispada ngunit tumalsik pa din siya palabas at nasira ang Pader ng Hospital.

Sinugod ulit siya ng Babaeng Witch nagpakawala eto ng mga energy blades na galing sa palakol. Tumalon si Joe ngunit nasipa siya ng Mangkukulam sa kanyang tagiliran dahilan upang tumalsik siya sa gawi ng kwarto ni Jenny.

*Mailey*

"Joe!" - June

tinulungan niyang tumayo si Joe na ngayon ay puro sugat na.

Dark energy balls na tatama sana sa amin. Buti na lang at nakagawa ng Shield si Justine.

"si L.A?" - Justine

"na..nakuha nila.." - Joe

hindi na ako nagdalawang isip at tumalon na ako palabas.

"Cheche!"

*WOOOOSSSH*

Si Cheche ang walis ko. Lumipad kami papunta sa Witch na to.

Nagpakawala ako ng Light Wave sa kanya,umiwas naman siya at iwinasiwas ang palakol na hawak niya. May energy blades na lumabas dito. Gumawa ako ng Shield. Kinuha ko ang wand ko at Ginawang dalawang ispada.

"Makakalaban ko ang isa sa mga Prinsessa! Hihihi"

naningkit ang aking mga mata. Ang ayoko sa lahat ay ang tinatawag akong Prinsessa!

Sinugod ko siya gamit ang mga ispadang hawak ko. Sinangga niya eto ng kanyang palakol. Binigyan ko siya ng Sipa sa sikmura ngunit umikot siya papunta sa aking likran upang sipain ako. Lumipad kami ni Cheche pataas. At ibinaba niya ako sa rooftop ng hospital. Gaya ng aking inaasahan. Bumaba din siya at ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.

"asan si L.A!?" - me

"Prince of Fire Land?"

tinignan ko ang tinitignan niya sa baba. Dalawang golems at hawak ng isa si L.A na walang malay!

Haist.

Gumawa siya ng Circle of Spell. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at may nabubuo ditong itim na enerhiya.

"Dark Spirit..

Give me powers..

Dark Spirit..

Give me this powers!"

sa bawat pagbigkas niya. Lumalaki ang itim na enerhiya na naiipon sa kanyang kamay.

Balak niya akong patayin!.

Ibinalik ko sa wand ang mga ispada ko. Hindi niya ako matatalo!

"Dark Spirit.. Give me This Powerss!"

kasabay ng pagpakawala niya ng Dark Energy,Nagpakawala rin ako ng Light Wave.

"Hindi mo ako matatalo!!" sigaw ko sa kanya.

*BOOOM*

malakas na pagsabog ang namayani dahil sa paglalaban ng Dark Energy at Light Wave ko.

Inihagis niya ang kanyang palakol na tatama sa akin!

*TINNNG*

Tinignan ko kung saan galing ang pana na tumama sa palakol niya na tumalsik sa kung saan.

"Mailey!"

sigaw ni Ceriz na may hawak na pana. Nakasakay siya Kay Cerberu. At katabi nito si Zeon..

Naalala ko na naman ang halik niya..

Agggh! Bat ko ba iniisip yun?

"Ceriz! Si L.A!"

itinuro ko si L.A na ngayon ay buhat buhat pa din ng isang Golem at papasok na sa Dimension!

"pangahas ka!"

nabalik ang atensyon ko sa kalaban ng pinakawalan niya ako ng magkakasunod na suntok na iniiwasan ko lang. Itinaas niya ang kanyang paa na balak akong patamaan sa aking sikmura. Ngunit natigilan siya at namutla ng may humawak sa paa niya bago tumama sa akin.

Si Zeon!

"I warnd you.. Huwag ka ng magpapakita sa akin at baka mapatay kita. But you make a wrong choice. Nagpakita ka pa sa akin at gusto mo pang saktan ang babaeng iniingatn ko. This time i would not think twice to kill you"

Hinawakan niya ng mahigpit ang paa ng Witch at walang anu-ano na inihagis niya lang ng malakas!

+++++++++++++++++++++++++

yoooowwwww natouch ako sa mga comments niyo. Gusto niyo pang humaba ang story nito! Thanks guys. :|

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon