SPECIAL CHAPTIE! : AIREY & NIEL

13.3K 284 20
                                    

AIREY'S POV

Dinama ko ang halimuyak ng mga bulaklak sa Garden of Air.. Dito matatagpuan ang magagandang bulaklak na nagmula sa Air Land. Pagkatapos ng pangyayaring iyon nakabalik kami ng matiwasay sa Wonderland.

"Nag-iisa ka yata?"

Si Alliyah na may bitbit na basket at may laman na mga bulaklak,bagay talaga sa kanya ang maging isang Nimpa.

"bakit? Sino ba ang inaasahan mo na aking makakasama?"

ngumiti siya ng nakakaloko at ininguso ang nasa likuran ko. Kaya naman lumingon ako at nakita ko siya na may hawak na kumpol ng mga bulaklak. Ngiting ngiti siya habang papalapit.. Ang gwapo talaga niya.

"hindi naman kaya matunaw ako?"

=__=

mayabang naman!

"ano bang ginagawa mo dito?"

sa halip na makipagtalo ako sa kayabangan niya eh hinyaan ko na lang.Imbes na sagutin ako ay iniabot niya sa akin ang bulaklak.Inabot ko naman eto at pinagmasdan hanggang sa may mapansin akong nagniningning sa pinakagitna ng mga bulaklak aabotin ko na sana eto ng hawakan ni Niel ang aking mga kamay.

"N-Niel.."

Seryosong seryoso siya at sa aking pagkagulat ay bigla siyang lumuhod sa aking harapan.

"Airey.."

"KKKKKKKKKKYYYYYAAAAAAA!!!!"

Sabay kaming napatingin sa mga sumigaw na iyon. Sila Karen,Peter Joe,Jenny,Peter June,PeteR Justine,Millen,sila Ceriz,L.A,Mailey,Zeon,Alliya at Luke. Lahat sila ay nandito.

"anong ibigsabihin nito?"

Nagtataka kung binalingan si Niel.Nakaluhod pa din siya huminga muna siya ng malalim bago ako mataman na tinignan.

"Airey.. Matagal ko ng gusto etong sabihin sayo"

"ano--"

"Please lang! Makinig ka muna"

itinikom ko ang aking bibig at pinagmasdan siya.

"Nakakangawit man lumuhod pero kailangan para sayo. Naalala mo ba noong bata pa tayo? Madalas kitang puntahan dito para lang makipaglaro sayo"

tumango ako ng maalala ko ang panahon na iyon. Pinangako ko din sa aking sarili na siya lang ang lalaking gusto kung makasama habang buhay..

"Ayokong mawala ka sa aking paningin pero hindi ko alam kung bakit.. Bakit ka ba lumayo sa akin?"

napakagat ako sa aking labi. Eto yung panahon na mukang may gusto siya kay Ceriz ng dumating sila (Earth Game sana matandaan niyo xD )

"akala ko kasi.. "

napatingin ako sa gawi nila Ceriz ngumiti siya at nag thumbs up pa.

"nagselos ka ba??"

aba't! Ngumisi pa siya!

"ginawa ko yun dahil gusto kung mapansin mo naman ako. At salamat na lang ganun ang nangyari"

"ANO!!?"

nagulat siya sa pagsigaw ko.

"A-Airey.."

"PINAGSELOS MO PA TALAGA AKO HUH!!"

"oh my.. Mukhang hindi siya sasagotin ni Airey"

"oo nga! Hahahaha"

sinamaan ko ng tingin ang triplets pero hindi kasama si Peter Justine na tahimik lang.

"ALAM MO BANG NAGSELOS AKO NOON!? HMMPZ! KUNG HINDI LANG KITA MAHAL!!!"

napatakip ako sa aking bibig ng marealize ko lahat ng aking sinabi.

"Oh my God!"

Nakangiti siyang tumayo at lumapit.

"mahal mo ako??"

umiling-iling ako. Gosh!

"oh come on! Huwag ka na magsinungaling sakin. Narinig ko sabi mo MAHAL MO AKO"

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hilain.

"N-Niel.. Ano ba!"

"Listen to me first.. Please.."

nasa ganoon kaming kalagayan ang yakp-yakap ako.

"Mahal kita noon.. At ngayon at mamahalin pa kita araw-araw.. Marry me. That's an order"

****************************

Napangiti ako ng maalala ko na naman ang mga pangyayaring iyon.

"Mahal"

pumulupot sa akin ang kanyang kamay.

"Akala ko ba may pupuntahan kayo nila L.A?"

hinigpitan niya ang kanyang pagkakayakap.

"hindi na ako sumama namimiss ko na kasi kayo"

Napangiti ako ng marinig ang boses na iyon.

"umiiyak si Forest" - Niel

"kasi dumating ka" biro ko sa kanya.

Ewan ko ba sa anak namin iyan umiiyak siya sa tuwing dumadating ang daddy niya.

Karga-Karga niya ng lumapit sila sa amin hindi mapagkakaila na mas nakuha niya ang itsura ng kanyang ama.

"ang pogi talaga ng anak ko! Mana sa akin"

natatawa na lang ako sa tuwing sinasabi niya iyan. Siguro kung naririto sila nakarinig na naman ng pang-aasar etong si Niel.

"Mahal.."

"hmmmm?"

"thank you"

Tinignan ko siya nakatingin siya kay Forest at tsaka ako nginitian.

"hindi ako magiging masaya ng ganito kung wala ka. Thank you mahal.. I love you"

"i love you too"

"until the end of time?"

"until the end of time.."

++++++++++++++++++++++++++

Waaaaah! Haha naisipan ko lang para hindi kayo malito sa book two!

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon