WITCHY 3

41.8K 991 34
                                    

Sa hindi kalayuang lugar malapit sa WONDERLAND CITY. May isang palasyo na nababalutan ng kadiliman. Mga nilalang na nakakatakot ang itsura at kasamaan ang namamayani sa kanilang puso.

"KAMAHALAN.."

Lumingon ang isang babae na tinawag na Kamahalan. Siya ay nakasuot ng itim na bestida na umaabot hanggang sahig ang laylayan nito.Na nababagay sa kanyang maputing kutis. Hindi rin maitatanggi ang kanyang kagandahang taglay.Ngunit,nasa pulang mga mata nito ang puot at galit.

"magsalita ka" mahinahong sabi nito sa kanya.

"natagpuan na po ni Canberra ang Prince.." ngumiti ang babae at pinagisang palad ang mga kamay nito. Na para bang nangangarap dahil sa kanyang narinig.

"sa wakas! Asan na ang Prince? Nasasabik na akong paslangin siya sa harap ng buong WONDERLAND CITY!" humalakhak eto ng malademonyo.

"H-hindi..pa po.. Niya eto malapitan" nagaalangang sambit niya at tinignan ang babae kung itutuloy na niya ang kanyang sasabihin.

"ituloy mo" ang kaninang masaya at nasasabik na reaksyon nito ay napalitan ng pagkaseryuso.

Lumunok siya bago muling nagsalita.

"da..-hil.. May bantay ang--Aggh!"

daing niya ng sa isang iglap lamang ay nasa harapan na nito ang babae at mahigpit na hawak nito ang kanyang leeg!.

"hi..ndi..po..a-ko..maka..hi..nga.."

nahihirapan niyang sabi. Pabagsak siyang binitawan.

"sino!? Hindi maari! Sa lalong madaling panahon ay kailangan ko ng mapatay ang Prince!!" inis at nagsisisigaw eto.

"pasensya na po. Mahigpit ang kanyang mga taga bantay. At sa pagkakaalam ko din po ay may ipinadala ang WITCHY CITY na siyang magahahnap sa prince."

tinignan siyang muli ng babae.

"kung gayun ay kumikilos na din pala sila.. Sabihin mo sa kanya gawin niya ang nararapan na gawin! At dalhin sa akin ang prince!!". Muli siyang nagbigay galang at naglaho sa kadiliman.

***********************

*CERIZ*

Kanina pa kami palakad-lakad sa paaralang eto ng mga Mortal. Ibang-iba sa paaralan namin. Walang mga lumilipad na sakay sa walis,mga air benders na sakay sa pegasus,mga pixies na nagsisiliparan kasama ang mg wizards na tumatagos sa pader. In short walang mga kakaibang nilalang.

"Mailey.kanina pa tayo palakadlakad" umupo ako sa damuhan at tinignan siya na nakatayo sa aking harapan na tila nagiisip.May nakita akong grupo ng mga babaeng mortal na masayang nagkukwentuhan.pinulot ko ang libro na nasa tabi ko.

"kailangan nating makihalintulad sa kanila"

binuklat ko eto at puro magagandang kasuotan ang larawan nito(ahehe Magazine ang nakita niya)

"Ceriz,nakikinig ka ba sa akin? Ano iyang hawak mo?"

nakakunot-noong baling niya sa akin at sa hawak ko.

"libro?" itinaas ko pa eto para makita niya."..ano nga ulit uing sinasabi mo? Hihihi" bumuntong hininga siya.

"kailangan nating maging katulad ng isang mortal habang tayo ay nandito sa kanilang mundo"

nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.inilabas ko agad ang wand ko.

"akong bahala!" muli kung tinignan ang libro at si Mailey.

"ibahin ang aming kasuotan at gayahin ang nasa libro!"

*BOOM*

"Ceriz! Ano na naman ang ginawa mo!?"

tinignan ko si Mailey. Hala!

Nakasuot na lamang siya ng panloob. TT_TT palpak!

"ahihihi sorry. Isa pa!"

*BOOM*

"CERIZ!!"

ngayon naman ay nakapanloob pa din siya ngunit may manipis na tela na nakapatong sa kanya.

"waaaaaaa! Isa na lang! TT_TT"

*BOOM*

"yeahey! Yeahey! Nagawa ko!."

nakasuot na siya ng itim na bestida hanggang tuhod. Ako naman ay puting bestida hanggang tuhod din.

"palpak ka talaga kahit kailan" nginusuan ko siya nagawa ko naman ah. Hmmpx.

"kailangan na lang natin problemahin kung paano tayo makakapasok sa paaralan na yan"

ano daw!? Magaaral na naman kami!?.

"ate naman. Please sige na"

nabaling ang atensyon naming dalawa sa paparating.

"Mike! Pwedi ba? You and Mika will Have a date on friday! And thats Final. Ang arte mo!."

inis na sabi ng mortal sa lalaking mortal na sumusunod sa kanya.

"ate Tiera! Wag mong gawin to please.." parang maiiyak na sabi nong lalaking mortal.. Nagtuloy-tuloy lamang sila hanggang makalagpas sa amin.

"sandali"

tumingin kami sa aming likuran.Nakatayo pala sila duon at nakatingin sa amin

"kayo ba ang exchange student sa Seffin Academy?" sabi ng babae at mataman kaming tiniganan.Tumango si Mailey,

"Hay! Buti nakita ko kayo.heres your schedule,sige na go to you room malalate na kayo" pagtataboy niya sa amin at muling naglakad.

"ikaw may gawa nito?" taning ko sa kanya. Umiling iling siya.

*WONDERLAND CITY*

"nagawan mo ba ng paraan?"

yumuko ang kausap niya

"opo" tipid nitong sagot.

"subaybayan mo sila at gabayan sa mundo ng mortal at kung magawa nilang hanapin ang prinsepi. Alam kung kumikilos na siya"

"masusunod po" magalang na sabi nito at inilabas ang kanyang walis tsaka nagpaalm at lumipad palabas ng palasyo.

************************

A/N

waaaa! Salamat sa mga naglike! At comment. :) maraming salamat talaga. Comment po kayo any suggestion po sa story ko. Thanks talaga.

Ceriz ---->

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon