Oh bakbakan muna tayo! :D namiss ko si Cerberu eh!
++++++++++++++++++++++++++
*ZEON*
"uy pero hindi nga? Kailan mo siya nagustohan?"
dumila na naman siya sa icecream na hawak niya. Tss
akala ko malala na si Peter June. May mas malala pa pala sa kanya.
"oh" inabot ko sa kanya yung tissue. Kinuha naman niya eto at ipinunas sa bibig niya. Para siyang bata.
"thanks! Uy ano nga? Kailan mo nga nagustohan si Ate Mailey?"
sinamaan ko siya ng tingin. Kanina pa siya tanong ng tanong. Hindi ko naman sinasagot.
"ahehehe! Sabi ko nga tatahimik na ako" - Ceriz
tumalikod siya sa akin at mukang may binubulong pa na dinig ko naman. =__=
"nagtatanong lang..ang sungit-sungit. Hmmpzx ahkjhkajahlkgka"
see? Psh.
Tumingin ako sa kalangitan na bahagyang madili. Madilim? Hindi naman mukang uulan. Kumunot ang noo ko ng may magForm na bilog sa itim na ulap at may lumalabas dito!
"Fck!"
Anong ginagawa ng isang nilalang na yan dito!?
"oh my god! O- orcs b yan..? Waaaaaa! Orcs nga!"
nilingon ko si Ceriz na namumutla na at nalaglag pa nito ang Ice cream na hawak niya.
Kulay berde at napakalaking nilalang ang lumabas sa isang dimension!
(Orcs love to eat WITCHS and Elf)
"waaaaaaa! Zeon! Orcs yan! Orcs. Anong ginagawa niyan dito?"
niyugyog niya ako.
"alam ko! Tumigil ka nga diyan." tumigil siya at nanlalaki na naman ang kanyang mata na nakatingin sa panget na Orc. Nakatingin eto sa amin at mukang naamoy si Ceriz!
"waaaaaaaa! Andiyan na siya! Andiyan na siyyyaaaaaaaaaa!"
damn! Ang lakas talaga ng boses niya! Hinila ko siya at tumakbo kami. Dahil hinahabol na kami ng panget na Orc!
"pagkaen! pagkaen! Witch! Witch!"
"waaaaaaaaa! Pagkaen daw!"
arrgh! Ibigay ko na lang kaya siya sa Panget na Orc? Tutal pareho silang malakas magsalita.
"pagkaaeeeeennnnnnn!"
sige pa din sa paghabol sa amin ang panget na orc. Bakit ngayon ko lang napansin na wala ni isang tao dito? Hindi kaya..
"AAAAAAAAAAAAHHHHHH"
"Cerberu!"
*WOSSSSHH*
Lumipad kami pataas. Nanlalaki na naman ang mata niya na ngayon ay nakatingin kay Cerberu
"AAAAAAAHHHHHHHHH.. Zeon! I-ibon ba siya?"
pffft. Crazy!
"mukha ba talaga akong ibon?" - Cerberu
"nagsasalita siya!" - Ceriz
"ou dahil narinig mo sinabi niya hindi siya ibon."
nginusuan niya ako.
"nakakaamoy ako ng isang Orcs.. At mangkukulam"
nanlaki ang mata ni Ceriz sa sinabi ni Cerberu.
"tss. Sa baba ma Panget na Orcs. Ilapit mo ako sa kanya"
"ha!? Lalabanan mo yun? Baka mapatay ka nun o kaenin ka!?"
iniisip ba niya na mahina ako? Tss.
Lumipad naman si Cerberu papunta sa Panget na Orcs. Inihanda ko naman ang sarili ko at inipon ang napakalakas na pwersa sa kamy ko.
+++++++++++++++++++++++
*CERIZ*
Nanlalaki ang mga mata ko. Totoo ba to? May matutulis na kuko si Zeon at lumabas din ang kanyang Pangil!!
Lumipad kami pababa. Kaya humawak ako sa balahibo no Cerberu.
"Pagkaeeennnnnn!"
sabi ng Panget na orc.
Tumalon si Zeon at binigyan niya ng malakas na suntok ang Orc sa ulo. Malakas ang impact neto ng natumba ang Orc.
"waaaaaaaa! Ang galing mo! Wooooooooo" pumalakpak pa ako at nagtatatalon kay Cerberu.
Pero bumabangon na naman ang Panget na Orc!
"Zeoooon! Sa Likod mo!!"
pinagsaklob ng Orc yung mga kamay niya at inihampas kay Zeon na ikinaiwas niya agad. Tumalon si Zeon at sinipa niya sa muka Yong Orc na ikinabagsak na naman niya. Pero mukhang malakas ang Orc na to. Hindi kakayanin ni Zeon!
"aaaaaaaaahhhhh! Zeon!"
nanlalaki ang mga mata ko ng bigla na lang siyang hablotin ng Orc. Kakaenin na siya! Waaaaa. Hindi pwedi to! Hindi pa nga niya nasasabi kay Ate Mailey na May gusto siya kay Ate Mailey!
"hmmmm. Pagkaeeeennnnn" sabi ng Orc
"aaagggh!" - Zeon
nagpapapasag siya sa kamay ng Orc.
"ayaw ko sayo! Hindi ka masarap! Hindi ka Wich!"
ibinato niya si Zeon na parang laruan lang. Tapos humarap na naman siya sa akin. Oh my god! Hindi ko pinangarap maging pagkaen ng isang Panget na Orc!
"Pagkaeeeeeennnnnnnn"
"waaaaaaaaaaaaaaaaa"
Lumipad si Cerberu pero hinablot siya ng Orc at inihagis din kaya nalaglag ako.
"Aaaah! Pakawalan mo ako!"
++++++++++++++++++++++
*ZEON*
damn!
Malakas ang Panget na Orc na yun. "aaaaaaaaah! Pakawalan mo ako!"
Fck!
Hawak niya si Ceriz. Malalagot ako nito!
Kahit masakit pa din ang katawan ko dahil sa pagkakahagis sa akin ng Panget na yun. Tumalon pa din ako at sinipa ang kamay ng Orc para mabitawan si Ceriz.
"aaaaaah! Magbabayad ka! Laglag mo pagkaen ko!"
pfft. Bagay nga sila magsama ni Ceriz!
"ZEEEOOOOONNN!" - Ceriz
inihampas ng Orc sa akin ang napakalaki niyang Kamay!
"Fruntanestea! Streum!"
Isang napakalakas na pwersa ang humihigop sa Panget na Orc pabalik sa madilim na kalangitan. Lumabas na naman ang Dimension duon.
"PAGKAAAAAAAEEEEENNNNNN"
sabi pa ng Panget na Orc bago tuluyang mahigop at mawala ang Dimension.
"Mailey!"
Tumakbo sa kanya si Ceriz. She's really beautiful. Agggh!
Nasapo ko ang tagiliran ko. Napuruhan ako ng panget na yun.
"WAAAAAAAAAAAA Mailey! Si Zeon!"
narinig ko pang sigaw ni Ceriz bago ako mawalan ng malay.
+++++++++++++++++++++++++
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
AdventureMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...