WITCHY 35-EARTH GAME 2-

19.8K 312 32
                                    

Mahigpit ang labanan ng magkabilang grupo. Halos 1 at Kalahating oras na sila sa Dome.. Lahat ng manunuod ay naghihintay kung sino na naman ang muling makakapuntos sa laban.

"Earth Fist!"

Gumawa si Niel ng Earth Fist para maharangan si Ceriz na ngayon ay hawak ang bola habang sakay kay ChaCha.

"Zeon! Salo!"

Ibinato niya kay Zeon ang Bola. Nasalo niya eto pero nabitawan dahil tinulak siya ni Luke. Kaya naman lumipad na naman ang Bola. Sinamaan ni Zeon si Luke ng Tingin.. Ngumisi naman si Luke na lalong ikinainis niya. Hindi na niya eto pinansin kahit na gustong-gusto niya na etong patulan.

"gotcha!"

sigaw ni Peter June ng mahawakan niya ang bola.

"Electric Wave!"

Nanlaki ang mga mata niya ng matamaan ang kamay niya ng electric wave na ginawa ni Jenny kaya naman nabitawan niya ulit eto.

"My Labs naman! Ouch yon!"

inirapan lang siya ni Jenny at muling binalingan si Zeon na hawak na naman ang Bola.

"oOps! Nah ah my labs! Baka mapatay kami ni Pareng Zeon pag nanalo kayo"

Ikinulong niya si Jenny sa Bubble, inis na inis naman si Jenny na pinaghahampas ang Bubble.

"water Wave!!"

Ikinumpas ni Karen ang mga kamay niya. Nalula naman si Zeon sa laki ang alon na hahampas sa kanya.

"Barrier Shield!"

Itinapat ni Peter Joe ang Wand niya kay Zeon kaya naman napalibutan siya Ng Barrier at tumagos lamang siya sa Water Wave ni Karen. Hawak niya ang bola ngayon at papunta na siya sa Cave.

"tss! Hindi kayo mananalo!" - Karen

"tingin mo mananalo naman kayo? Hindi. Magiging alipin pa kita" sagot naman sa kanya ni Peter Joe.

"ah ganun ha! Water Blades!"

Pinatamaan niya si Peter Joe ng Water Blades na sinangga lang niya ng Sword.

"Air Dragon!"

Halos lahat sila ay natigilan at napahanga ng lumabas ang napakalaki at napakagandang Air Dragon ni Airey.. Bihira lamang kasi itong palabasin ng Prinsessa dahil eto ay sagrado.

Lumipad-lipad eto sa itaas at susugod paibaba kay Zeon!.

"L.A!"

Napapitlag si L.A ng sigawan siya ni Zeon.

Hindi niya alam ang gagawin dahil hindi naman niya alam kung paano mapalabas ang kapangyarihan niya.

"anong gagawin ko!?"

Natataranta na siya dahil hinahabol na si Zeon ng Air Dragon ni Airey.

'tawagin mo ako'

Nanlalaki ang mga mata niya dahil may kumakausap sa kanya sa pamamagitan ng kanyang isipan.

"S-sino ka!"

'Tawagin mo ako.. Gusto mo ng kapangyarihan hindi ba?'

Napaisip siya kung magtitiwala ba siya o hindi. Pero may nagsasabi sa kanya na paniwalaan ang boses na naririnig niya.

'tawagin mo ako..'

"anong pangalan mo?"

'Firegon..'

"L.A!!"

bumalik siya sa realidad ng Tawagin siya ni Zeon na kunting kunti na lang ang pagitan ng Air Dragon ni Airey at siya. Hindi na siya nagdalawang isip na tawagin ang nakausap niya.

"FIREGON!!"

Nagulat ang lahat at natulala maski siya ay nagulat din at natigilan ng lumabas ang isang FireDragon na sinugod ang Air Dragon ni Airey. Inikotan ng FireDragon ang AirDragon at nagpaikot-ikot ang mga eto sa itaas. Walang nagsasalita at nakitingin lamang sila sa mga Mythical Dragons na naglalaban sa itaas. Nagpakawala ng Sunod-sunod na Air Balls ang AirDragon na Inilagan lamang ng FireDragon. Lumipad eto sa itaas at Nagpakawala ng napakalaking FireBall na Siyang lumalon sa airDragon at nawala sa itaas. Naghiyawan ang mga manunuod.

"Zeon!"

Sigaw nila Ceriz,June,Joe at L.A

Dahil hinahabol na naman siya ni Luke.

"not so Fast Wolf."

Mas binilisan niya ang pagtakbo papunta sa Cave.

"WOOOOOOOOOOOOOOO!!"

Nabalot ng Sigawan ang Buong Dome ng maipasok ni Zeon ang Bola sa Cave.

Maski si Mailey na nanunuod ay napatayo na din sa kanyang kinauupuan. 3 points kila Luke at 3 points na din kila Zeon. May 1 at kalahating oras pa silang nalalabi.

Natigilan si Mailey ng may mapansin siyang Babae na nakaHood na lumabas sa Dome. Hindi na siya nagdalawang isip na sundan ito hanggang sa labas. Nagpalinga-linga siya ng hindi na niya eto makita sa labas. Pabalik na sana siya sa loob ng pigilan siya ng isang matandang manghuhula.

"kailangan ko na hong bumalik sa loob pasens--"

"Mapanganib"

natigilan siya ng sinabi iyon ng matanda at ipinakita sa kanya ang Card na may larawan ng biyak na daan.

"Mga Pusong Magiisa"

Napangiti siya ng makita niya ang sunod na Card na May magkasintahang Magkahawak ang kamay.

Nagitla ang Matandang manghuhula ng makita ang Pangatlong Card. Nagdadalawang isip eto kung ipapakita ba sa Prinsessa ang Card.

"M-May.. M-Mamatay."

Kinilabotan si Mailey sa Larawan ng Card. Bungo at Kadiliman. Taong nakahandusay at naliligo sa dugo. Hindi na niya hinintay pang magsalita ang Matanda at deridiritsyo ng naglakad pabalik ng Dome. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ng Matanda.

MAPANGANIB..

PUSONG MAGIISA..

at may MAMAMATAY..

Samantala. Nagugulohan naman ang matanda sa Panghuling Card na nabunot niya. Pinagmasdan niya si Mailey na papasok ng Dome. At muli nitong tinignan ang Card na may larawan ng.. Isang Babae na Mahimbing na natutulog..

++++++++++++++++++++++++++

Oha! Oha! May Hula pa XD enjoy guys! Bibigyan ko kayo ng kunting Puzzle! XD

Spell Sister'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon