NAALALA KO PA
NUNG NILILIGAWAN PA LAMANG KITA
DADALAW TUWING GABIIIIII..
"TangNa naman! Sige! Ipilit niyo pa yang boses niyong pinagkaitan ng talent!"
Pabalag na isinalpak ni Zeon ang headphone niya na ibinigay sa kanya ni Peter Joe kanina tsaka ulit siya humiga sa flying Carpet. Ngumuso naman sila Ceriz at Karen na kanina pa kumakanta ng 'BUKO' na pauso ni Karen. Natutulog kasi si Zeon habang naglalakbay kami.. Ang sabi niya napagod daw siyang labanan ang kalaban na dahilan kung bakit kami nasa panaginip KAGABI. Naaawa nga ako sa kanya kasi hindi man lang siya makapagpahinga. Paano kanina pa kumakanta yung dalawa. Malapit na kami sa Pier ngayon at dahil Golems lang naman ang dadaanan namin nakasakay na kami sa Air Dragon ni Karen at Airey habang magkasama naman si Peter Joe at Zeon sa Flying Carpet.
"Sandali!"
Huminto kaming lahat ng tumigil si Airey at ang Dragon niya.
"bakit? May problema ba?" - Niel
Itinapat ni Airey ang kanang kamay niya sa kanyang tenga na animo may pinapakinggang.
"May naririnig ako.."
Wala ni isa ang nagsalita sa amin at nakiramdam din kung ano ang naririnig ni Airey. Hanggang sa may marinig kaming mga yabag na papalapit ng papalapit mga yabag na tumatakbo.
"Fuck! Ang ingay!"
Salubong ang kilay ni Zeon na tinanggal ang headphone niya tsaka kami hinarap. Halos sabay kaming lahat na umiling.. Nakakatakot naman kasi siya kung makatingin!
O____O
nanlalaki ang mga mata namin ng makita ang mga Golems na papalapit.
"Guys!!"
Sigaw ni L.A habang nakaturo sa kabilang deriksyon. At duon namin nakita ang mga Throlls na papalapit din sa amin. O mas tamang sabihin na papalapit sa mga Golems. Dahil mukhang may magaganap na paglalaban sa pagitan ng dalawa at ang masaklap nito nasa gitna kami!.
"Sugod!!"
"ROOOOAAAAAAAAAAAAA"
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHH!"
Lumipad kami paitaas ng mgasagupaan sila sa gitna.
"Muntik na tayo dun!" - Karen
Mabilis na iniwasan namin ang mga bato at kung ano ano pang sandata na nagsisitalsikan paitaas.
"Lumayo na tayo dito! Mahirap na" - Ceriz
Bago pa kami madamay sa Gera nila lumayo na kami sa Lugar na iyon. Nakahiga pa din si Zeon habang nakaheadphone. Minsan talaga ang Bipolar niya.. Pasalamat siya at M--
Agh! Hindi tsaka na.
Napapailing na lang ako ng magumpisa na naman sila Karen at Ceriz na kumanta naman ng 'MAGKABILANG MUNDO' daw
+++++++++++++++++++++++++
*DARKNESS PALACE*
*Millen*
"AGH!"
Napapikit ako sa tuwing lalatay ang latigo sa likod ni Peter Justine.
"Ano Canberra? Hindi ka pa din ba magsasalita ha?"
iminulat ko ang aking mga mata.. At dun ko nakita si Azlia na wala ni ano man emosyon ang makikita sa kanyang mga mata. Tinignan ko si Peter Justine na nakatingin sa akin na nanghihina na habang hawak ng dalawang alagad ni Azlia sa magkabila niyang braso.
"do..nt.. D-ont.. Please.."
Namuo na naman ang luha sa aking mga mata ng pinilit niyang magsalita.
"AGH!"
Sunod-sunod na pinaghahampas ni Devona si Peter Justine.
"Tama na! Tama na yan please!" - me. Itinaas ni Azlia ang kanyang kanang kamay.. Huminto naman si Devona at nginisihan ako.
"nakapagdesisyon ka na ba?"
sinalubong ko ang mga mata ni Azlia at muli kung sinulyapan si Peter Justine na ngayon ay umubo ng dugo. Hindi.. Papatayin niya kami. Nakita ko pa ang pagiling ni Peter Justine sa akin. Kailangan kung gawin eto. Para sa kaligtasan niya.. Kailangan.. Babalikan ko siya. Itatakas ko din siya. Ayoko siyang nahihirapan.
"o-ou.."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at hinarap si Azlia.
"Huwag! Millen! Huwag kang pumayag! Please!" - Peter Justine
Hindi ko siya pinansin. Disidido na ako kailangan kung gawin eto.
"ou.. Pumapayag na ako.. Pumapayag na akong bumalik sayo"
Humalakhak si Azlia at nilapitan ako. Siya na rin mismo ang nagtanggang sa kadena na nakalagay sa magkabilang kamay ko.
"Millen! Huwag kang bumalik sa kanya! Please.."
Hindi ko siya matignan.. Sana. Sana maintindihan niya ako.. Kailangan kung gawin to para makatakas siya!
"Mabuti naman at natuto ka na. Akala ko ay traidor ka na talaga. Maligayang pagbabalik mahal kung ANAK.."
Bakas sa mukha ni Peter Justine at Devona ang pagkagulat ng sinabi iyon ni Azlia at ng yakapin niya ako. Ang tagal ko ng hindi nayakap.. Ang mayakap ng aking Ina.
"Millen.."
Tinignan ni Azlia si Peter Justine.
"Ikulong na iyan! Tara na"
Hindi ko magawang titigan siya.. Alam ko. Alam kong iba na ang tingin niya sa akin ngayon na alam na niya kung sino ako sa buhay ni Azlia.
Malapit na kami sa pinto ng marinig ko ang mga katagang nagpadurog sa aking puso.
"Akala ko.. Akala ko kilalang kilala na kita.. Pero nagkamali pala ako. Ang mahalin ang isang katulad mo ang pinakamaling nagawa ko. Sana masaya ka na sinaktan mo ako Evil Witch"
++++++++++++++++++++++++++
Ayan Guys! :) haha namiss ko sila Eh Next Chapter.
WITCHY 55- UNEXPECTED -
BINABASA MO ANG
Spell Sister's
ПриключенияMeet the Spell Sisters! Ang Magkapatid na pasaway at puro kalokohan ang alam!. Dahil sa kanilang kalokohan ay ipinatapon sila sa mundo ng mga Mortal!. At sa pagpunta nila sa mundo ng mga mortal may bago silang makikilala. Matuto kaya sila at magbago...