Bullet's POV
I felt like I was on the edge these days. Hindi ko mawari kung bakit. Ang alam ko lamang ay tila bumabalik na naman ako sa dati. Pakiramdam ko ay muli ko na namang nararamdaman ang hindi ko dapat maramdaman.
Ayaw kong maulit ang nangyari sa akin na nangyari noon kaya mas pinili kong iwanan ang dati kong buhay. Natatakot ako na maging dahilan na naman ako ng pagkasira ng isang tao.
Everytime I tried to think, a familiar face flashed. Whenever I tried to recall a memory, someone else appeared.
At hindi ko gusto ang nangyayari.
Kaya naman buo na ang desisyon ko. Gusto kong maging pinal ang nararamdaman. Hinugot ko sa aking bulsa ang maliit na botelya.
Kasalukuyan akong nasa rooftop ng eskuwelahan para walang distraction. Wala nga ba? Bakit damang dama ko pa din ang presensya niya?
"Would you like to like me?"
Paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala ang boses ni Uno at nang tanong niyang iyon ilang araw na ang nakakaraan. And it's the prime reason why I felt like I was on the edge. Idagdag pa doon ang ngiti niya habang tinatanong niya sa akin iyon.
I suddenly felt uncomfortable. Pilit ko siyang iniiwasan. Nagtatago ako para hindi niya ako kulitin dahil nai-imagine ko sa isip ko ang maaaring mangyari kapag tinanong uli niya ako at may ibang makarinig.
Naging kalkulado ang mga kilos ko. At pinilit kong magkubli hangga't maaari para hindi magsalubong ang mga landas namin.
Alam na niya ang pilit kong itinatago. Hindi ko man sinagot ang tanong niya at tinakbuhan siya noon ay batid kong nakumpirma na niya ang aking lihim.
Napabuntong hininga akong malalim.
Pinagmasdan ko ang botelya bago ko binuksan ang takip niyon. It's not an ordinary drink. Iyon ang magiging sagot sa problema ko.
It's a potion.
Oo, iinom ako ng gayuma. Gayuma para maayos ko ang aking sarili. Para maiwaksi ko ang nararamdaman kong hindi naman dapat.
It's a potion to fix my emotion. Sa oras na inumin ko iyon ay ganap ko nang magugustuhan ang taong gusto kong itangi. At kalimutan itong kakaibang nararamdaman ko.
Silly as it might sound, but I wanted to love someone. The "right one" instead of "the one". Ayaw ko nang maulit ang nakaraan.
Ayon sa bilin sa akin ng shaman na gumawa ng gayuma ay dapat maayos kong masunod ang hakbang para maging epektibo ang bisa niyon. But just like any other potion, there's always an antidote for this. Hindi ko na lamang itinanong sa shaman dahil sigurado naman akong wala ng bawian ang gagawin ko.
Humigit ako ng malalim na hininga para ihanda ang aking sarili sa pag-inom.
Ayon sa bilin sa akin ng shaman, kailangan kong inumin ang potion nang nakapikit at siguraduhing sa pagmulat ko ay ang tao o kahit larawan ng taong gusto ko ang una kong makikita para umepekto ang gayuma.
Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at binuksan ang library to see the picture of that person who I should love.
Paulit-ulit kong sinabihan ang aking sarili na kaya ko ang gagawin ko.
Handa na akong inumin iyon nang hindi ko namalayan ang pag-upo ni Uno sa tabi ko. He was intently glaring on the screen of my phone. Subalit hindi ko inaasahan na sa pagtingin niya sa akin ay magiging abot tainga ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
