CHAPTER 2

3.8K 124 15
                                        

Uno's POV

Kalagitnaan ng semestre ng mag-transfer ako sa Nam College. It was a force move as my family banished me. Yes, that how I want to describe what happened.

Ang laking gulo na daw kasi ng kinsangkutan kong eskandalo. Dinungisan ko pa daw ang image mg pamilya namin.

On the last part, I must say na guilty ako.

I was once a good boy. But this good boy gone bad after my heart shattered into pieces when I was fooled with the one I loved.

The good boy became a playboy.

At naging sakit nang ulo ako ng pamilya ko dahil sa mga naghahabol sa akin na mga kababaihan. Wala kasi akong sineryosong relasyon.

My father was tolerating it until I got involved in a scandal. Hindi ko kasi alam na ang naka-fling ko ay ikakasal na pala. Kaya naman hina-haunting ako ng mapapangasawa sana ng naka-fling ko. And to make things worse I was kicked out from my college abroad.

Doon na sumabog ang pasensya ng tatay ko at pinadala ako dito sa Pilipinas para mag-aral sa boarding school at nang makapagtapos din daw ako ng pag-aaral.

I must say that the first time I got here I was very bored. Eksklusibo lamang kasi sa mga kalalakihan ang kolehiyo. There were no girls to flirt with.

Subalit nagbago ang lahat nang iyon nang maging interesado ako sa pag-ooserba kay Bullet. I wasn't interested in any other student beside him.

When did I start to become interested with him? Hindi ko din alam. Basta sa pag-oobserba ko sa kinabibilangan kong homeroom class tila may kanya-kanya silang mundo. May maiingay, makukulit at malolokong grupo. Subalit sa mga grupong iyon ay walang kinabibilangan si Bullet—o maaring hindi lang ako aware na may sinasamahan siya.

Just like me he was better off alone. Tanging libro lamang ang pinagtutuunan niya ng pansin kapag wala kaming klase. Madalas din ay nawawala ito kapag wala itong klase. Isang beses ay sinudan ko siya at napag-alaman kong ang library ang isa sa tatlong mga lugar na tinatambayan niya bukod sa classroom.

Saan pa yung isang lugar? Hindi ko kagad nahanap ang lugar na iyon. Isa iyon marahil sa mga dahilan kaya mas naging interesado ko sa kanya.

Looking at him, it made me remind of myself. Someone who rather kept his mouth shut than to chat. And even though he's replying when someone tried to communicate and smiled back when he had to, there's this sadness in his eyes.

Ngumingiti naman siya pero blangko ang ngiti na iyon.

Isang beses ko pa lang siyang nakita na ngumiti na walang lungkot sa mga mata—when Choi talked to him.

May kung ano sa loob-loob ko na humahanap ng katarungan para mabigyan din ako ni Bullet ng ganoong ngiti. Tila ba gusto kong ngitian din niya ako.

Hindi ko namalayan na palihim na pala akong sumusunod sa kanya. Humahanap ng pagkakataon para makilala siya.

May mga pagkakataon na sinubukan ko siyang kausapin pero mali ang timing ko.

O mas tamang sabihin na hindi ko alam kung papaano siya ia-approach.

"Ah...H-hi–"

"Ako nga pala si Uno, bagong transfer–"

"Ikaw si Bullet, di ba? Ako naman si Uno..."

Ilan lamang iyan sa mga pinagpilian kong introduction para makausap siya. Pero hindi ko din naman nagamit. Hindi ako makahanap ng tyempo. Bad timing palagi.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon