Bullet's POV
Para-araan lang ba o talagang hindi marunong sumayaw itong si Uno? Mahigit isang linggo ko na kasi siyang tinuturuan para sa presentation niya sa isang subject pero wala yatang pag-asa. Para siyang bulate ng inaasinan kapag sumasayaw.
Kumbaga sa karne, kulang pa sa laga para lumambot.
Kagaya na lamang ng tinuturo kong basic step. Natatawa na lamang ako kapag ginagaya niya ang steps na tinuturo ko. Basic na iyon. Pero wala talagang pag-asa.
Sa kuwarto niya kami sa kanyang dorm nagpa-practice. Nahihiya daw kasi siya.
I understood his sentiment though. Kaya rin pala gumawa siya ng paraan para mapilit ako na turuan siya. Bahagi rin kasi iyon ng magiging grado niya para sa mid-terms.
"Eto tama ba ito?" tanong ni Uno habang ginagawa ang itinuro kong step.
Umiling-iling ako at sumaltik. "Wala. Wala talagang pag-asa."
"Grabe ka naman. Wala kang ka-support-support sa akin. Kahit hindi totoo sabihin mo na... 'Uno, ang galing mo. Wow!' Yung ganun ba."
Nanlaki ang mga mata ko habang umiiling. "Ayaw kong magsinungalin."
He scratched his head.
Pinaupo ko muna siya. "Panoodin mo ako ha?"
Nang mag-play ang tugtog ay sumayaw ako. It was a pop dance.
Bata pa lamang ako ay mahilig na akong sumayaw. I wasn't saying I danced well, but I could follow the beat.
Napahinto ako nang makita ko sa salamin ang repleksyon ni Uno. He was sitting on the side of the bed. Pawis-pawisan siya kaya hinubad niya ang suot niyang damit. He used it to wipe off his sweat. He reached out for the bottle of water on the side table and drank.
Napalunok ako habang nakatingin sa ginagawa niya. Some drop of the water spilled from his mouth and it ran down on his skin. Mula sa labi niya, pababa leeg hanggang dumaloy sa matipuno niyang dibdib.
Nalunok ko na yata pati dila ko kakalunok ko ng aking laway. I felt the room seemed like turning hot. Para ding sumikip bigla ang kuwarto.
Ang kaninang pagpapawis na hindi ko alintana ay lalong tumindi.
Mabilis akong tumingin sa ibang direksyon mula sa pagtingin ko sa repleksyon niya sa salamin nang tumingin siya sa akin.
What the hell, Bullet? Bakit parang apektado ka habang tinitingnan ang pag-inom niya? kastigo ng isang bahagi ng aking utak.
Hindi, ah. I was just seeing how good his body is, depensa ko naman.
Bigla kong tinampal ang aking ulo. Shit! That came out wrong.
That's not what I mean, depensa ko uli sa aking sarili. Ano kasi- Ano eh... Tinitingnan ko lang sino ang mas may magandang katawan sa amin. Tama ganoon nga.
Napahawak ako sa may balikat at braso ko. I have good shoulders and biceps.
Dumako ang kamay ko sa may tiyan ko. Meron din akong abs. Not six but eight-pack.
And then I tapped my chest lightly. Pati dibdib ko well-defined.
Nakapa ko ang may parte ng aking puso.
Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...
I felt my heart beat fast than the usual. At lalong tumindi iyon ng magdikit ang balat namin ni Uno nang hawakan niya ang balikat ko.
Paglingon ko ay bumungad sa akin ang mukha niya. His face was few inches away from mine.
Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...
He gazed at me warmly. Tila naging tahimik ang buong paligid. Pakiramdam ko ay huminto ang pagtigil ng oras. All I could think of was how close we were to one another.
"Problem?"
Ang tanong niya ang nagpabalik sa aking katinuan. Pero may hang-over pa ako dahil nadama ko ang mainit niyang hininga.
Kaya naman umatras ako para dumistansya. Baka kasi lalo akong malunod sa kakaibang nararamdaman ko.
"Huh?" I was trying my very best to collect myself. "W-wala... M-may naaalaala lamang ako."
He continued staring at me.
I cleared my thought.
Hindi naman niya inaalis ang tingin niya sa akin. Before I knew it, he occupied the distance between us.
Napako naman ako sa aking kinatatayuan. All I could do was to stare back at him. Pinagmasdan ko ang mukha niya.
Eyes... Nose... Lips...
"Can I kiss you?" nagsusumamo ang tinig niya.
No. That was the word I should say. Subalit nawala ata iyon sa aking bokabularyo ng mga sandaling iyon.
The only word I knew at the very moment was the word "yes."
"Can I kiss you?" muli niyang pag-uulit sa tanong habang dahan-dahang papalapit ang mukha niya sa akin. "Let me kiss you... pambayad sa nagawa ko. Nabasa ko kasi ang pampalit mong damit."
I was supposed to close my eyes already. But the last words he said pulled me back from being drowned to this unexplainable emotion.
Iniumpog ko ang noo ko sa noo ni Uno. Kaagad na lumipat ang paningin ko sa kama at nakita kong nabasa nga ang dala kong bag na may lamang damit na pampalit ko sana.
"What the hell? Bakit mo binasa ang damit ko, Uno?" Tinulak ko siya.
"Aray!" he blurted out. "Kaya nga hahalikan kita eh para hindi ka na magalit. Sorry, hindi ko sinasadya."
"Paano 'yan? Babalik pa uli ako sa kuwarto ko para kumuha ng bagong bihisan. Aish... Susuotin ko 'to pagpunta namin sa mall eh."
May usapan kasi kami nina Rei, Calix, Felix at Choi na magtutungo sa mall para bumili ng ilang mga gamit. Wala kasi kaming klase pare-parehas ng hapon.
Gusto ngang sumama ni Uno pero may klase ang mokong. Sabi niya aabsent na lang daw siya pero hindi ako pumayag. Ang kapalit turuan ko daw siya sa pagpapractice ng sasayawin niya.
Wala tuloy akong nagawa. Kaya naroroon ako sa kuwarto niya. Dumeretso ako doon pagkatapos ng klase ko kanina. Nagdala na ako ng bihisan para hindi na takaw sa oras kung babalik pa ako sa kuwarto ko sa dormitory dahil nasa kabilang building pa iyon.
Masama ang tingin na ipinukol ko kay Uno na halatang nagpipigil lamang ng tawa.
"Nyemas! Sinadya mo ano, Uno?"
Pinagdikit niya ang mga palad at kiniskis iyon. "Sorry..."
"Argh!" Binato ko siya nang mahagilap ng aking kamay ang unan.
"Aray!" sigaw niya nang masapul siya sa mukha.
Natawa tuloy ako.
Tok-tok-tok...
Kapwa kami napahinto.
"Bullet...?" si Rei iyon. "Ready ka na? Nagtext kami sa'yo pero hindi ka nasagot."
"Ah, Rei... Oo saglit lang."
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Uno. Naaasar pero pabulong na sinabi ko sa kanya, "Andyan na sila. Kasalanan mo 'to wala akong susuotin."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
