Bullet's POV
For the nth time ay inilapit ni Uno ang mukha niya sa akin habang nakanguso subalit mabilis ko siyang pinigilan. Itinulak ko ang kanyang noo palayo.
"Aish!" parang batang turan niya. "Bakit ba ayaw mong magpahalik? Eh noong hinalikan naman kita sa infirmary eh wala kang tutol. Ang wild mo pa nga n'on eh—Aray!"
Binatukan ko siya. "Hoy, Uno, huwag kang gumagawa ng kuwento ha!"
"Wild ka naman talaga, ah!"
"I wasn't wild... I-I was just...carried away."
Mabilis akong nang-iwas ng tingin sa kanya dahil hindi ko mapigilan ng maramdaman kong nag-init ang aking pisngi. I wasn't able to my anger.
Dahil sa sinabi niya kusang bumalik sa aking isipan ang eksenang iyon. When we kissed. And by just recalling it, my heart was fluttering.
Napabuga tuloy ako sa hangin. Hindi ako makapikit dahil nagmamaneho ako. Pilit ko na lamang itinutok sa daan ang aking atensyon.
Malakas namang tumawa si Uno.
"I love it when your face turns red. You're cute," sabi niya.
"Uno, nagmamaneho ako. Huwag mo akong ginugulo."
"Bakit?" nakangising tanong niya. "Dahil ba kahit kasama mo na ako, you can't still get me out of my mind?"
"Aish!" Makailang beses akong bumusina para maibsan ang aking hiya. It was because I felt guilty. He was telling the truth.
"Whoa! Kalma lang," tinapik niya ang balikat ko. "Binibiro ka lang eh. At saka ang ibig sabihin kong wild ka eh dahil sinapak mo ako pagkatapos kitang halikan. A sane person wouldn't do that! Pero wala ka na naman yata talaga sa katinuan, di ba, Bullet? Because you are crazy about me."
Tumawa uli ng malakas si Uno.
Damn him and his words. He was telling... the truth.
Subalit sa halip na makaramdam ako ng inis ay hindi ko napigilang mapangiti na rin sa mga sinabi niya.
Totoo rin kasi ang sinabi niya na sinapak ko siya noong halikan niya ako sa labi. It wasn't because I didn't like it. Damn I liked it!
Ngunit bigla na naman kasing umusbong ang takot sa akin ng mga sandaling iyon. What the shaman told me crosed my mind. And I couldn't help but wonder if it really sealed the effect of the potion.
Papaano kung minamahal lamang ako ng mokong na si Uno dahil sa epekto ng gayumang iyon? What if what he was feeling wasn't genuine at all?
Palihim kong sinulyapan si Uno na hindi mabura ang ngiti sa mga labi niya. Itinutok kong muli ang aking atensyon sa daan.
Ayaw kong maging negative at pagdudahan ang nararamdaman niya. Subalit hindi ko din masisisi ang sarili ko. Hindi naman kasi talaga ako madaling maniwala sa mga ganoong bagay kagaya ng gayuma. Kaya lamang ay ipinapakita ni Uno ang mga sign na epektibo ito.
Hindi ko napigilang bumuntong hininga.
"Hey..." pagkakuwan ay tawag ni Uno sa akin. "What's bothering you? Is it about the kiss? Iniisip mo pa rin ba ang tungkol sa gayuma?"
There was no point of lying. Tumango ako. "Natatakot lamamg ako. Paano kung...?"
Ginulo-gulo niya ang buhok ko saka ngumiti. "Huwag kung anu-ano ang iniisip mo. Don't be afraid, Bullet. Papanagutan naman kita eh."
"Buwisit ka, Uno! Puro ka kalokohan. Ano ako, nabuntis kaya papanagutan mo? Hindi ako babae... Seryoso ako rito eh."
"Bakit?" inosenteng tanong niya. "Seryoso din naman ako, Bullet, ah. Hindi ako naniniwala sa gayuma stuff na iyan. But whether it's real or not, I know deep inside my heart, my feelings won't change. Mahal kita... Iyon ang totoo at iyon ang pinaniniwalaan ko."
Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...
Uno always made this to me. He always made my heart crazy even if he didn't knkw he was doing it. And there's no doubt I loved him.
Pinisil niya ang pisngi ko saka muling nagsalita. "Kaya huwag ka ng mag-isip ng hindi maganda at magduda, okay? I love you, Bullet"
"I love you too," kusang lumabas ang mga slitang iyon sa aking bibig. At hindi ko nagdududang iyon ang nilalaman ng aking puso.
Parang inaasinang bulate si Uno habang nakangiti abot sa magkabilang tainga. Kinikilig ang mokong.
Hindi ko napigilang mapangiti dahil doon.
It was the other side of him, I loved most. Hindi siya nahihiyang ipakita ang nararamdaman niya.
I was still on the adjusting period when it was about holding hands in public. But for him, it was all natural. Mas expressive kasi siya kay sa sa akin. Hindi sa ayaw kongmagkahawak kamay kami, hindi lang ako sanay. Ngunit kagaya nga ng sabi niya bago rin lang aw sa kanya iyon kaya lamang bakit daw siya magpapatumpik-tumpik pa.
"Hindi ko ikinahihiya na my boyfriend akong kasing guwapo ko," iyon ng palagi niyang sinasabi. "So don't let go of my hand because I won't let go of yours."
Kagaya na lamang nang mga sandaling iyon. Pagkatapos kong mai-park ang kotse at makalabas kami ay hindi na niya pinakawalan ang kamay ko habang naglalakad kami. Patungo kami kay Madam Cola.
Once and for all, I wanted to settle things straight about that damn potion. I would be asking for other antidote to it. Dahil hinalikan na nga ako nitong mokong na si Uno ay hihingi ako ng ibang option para hindi tuluyng maging permanente ang epekto ng gayuma.
Ayaw kong buhayin sa kasinungalingan si Uno kung sakali mang dahil talaga sa gayuma kaya matindi ang nararamdaman niya para sa akin. I loved him so watch so I had to set him free if he realized what his true feelings would be.
Napahinto ako sa paghakbang papasok sa loob ng establisyimento kung nasaan ang puwesto ni Madam Cola. Matinding kaba bigla kong naramdaman.
Pinisil ni Uno ang kamay ko. "Hey, I'm here. Huwag kang matakot."
Tumango ako.
I sighed heavily to collect my thoughts. "Tara na sa loob."
Bahala na... Kung sakali mang mawalang ng bisa ang gayuma, I will do everything to make Uno fall for me again. But this time, it will be a natural feeling and not enchanted.
Tumunog ang bell pagbukas namin ng pintuan. Pumasok kami sa loob.
"Bullet!" Masayang bati ni Madam Cola. "Long time no see, hijo."
"Hello, madam Cola," ganting bati ko. "Kamusta po?"
"I am good. I am good." Iginiya niya kami sa upuan. "Sit... Maupo kayo. Nakaka-excite naman na bumisita kayo."
Her last word reminded me that I hadn't introduced yet who was with me. "Ah, madam Cola, siya po pala si—"
"Uno," sabi ng shaman. "It's great to finally meet you, hijo."
Nasorpresang tumango si Uno. Bumaling siya sa akin. Nagtatanong ang mga mata.
I shrugged.
"Huwag ka ng magtaka, Uno. Kilala kita kahit ngayon lang tayo nagkita ng personal. Hindi dahil sa ikinuwento ka ni Bullet. I was just able to see you inside his mind."
"She's legit?," namamanghang bulong ni Uno sa akin.
Napatawa naman ako ng bahagya. I remembered when I first met the shaman, I had the same thought.
"Oo naman, Uno. Sa maniwala ka at hindi. Kaya kahit bumulong ka lang dyan kay Bullet ay alam ko ang sinabi mo," ani Madam Cola. "Yeah, I know what you're thinking. Creepy pero huwag kang mag-alaala mabait naman ako."
She laughed harmoniously. Sinubukan naman naming makitawa din.
"Okay, anyway... Akala ko ay hindi na kita makikita, Bullet, knowing that the potion's effect was used."
"Ano po?"
Hindi ko napigilang malaglag ang aking panga sa pagkabigla dahil sa ibinalita ni Madam Cola. Bigla akong kinabahan sa aking narinig. Sinulyapan ko si Uno na matamang nakatingin sa akin.
Sumagi sa aking isipan nang hinalikan ako ni Uno.
Iyon kaya ang dahilan? tanong ko sa aking sarili. Ibig sabihin ba n'on tuluyan ng magiging permanente ang epekto sa kanya ng gayuma? Na mahal lamang niya ako dahil sa epekto niyon?
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...