CHAPTER 9

1.7K 77 3
                                    

Bullet's POV

Sabi nga nila, sa kabila ng mga nangyari dapat daw ipagpatuloy ang buhay. And so I did.

Hindi ko na din binanggit sa kay Uno ang tungkol sa ininom niya sa rooftop noon. Sigurado naman akong hindi ito maniniwala.

My life went on the way I used to. Ganoon din siya. He was back to being the ice prince.

Ayon naman sa shaman na gumawa ng gayuma ay hindi permamnente ang epekto nga gayuma. Lilipas din daw iyon. Ngunit maging sigurado din daw ako dahil may pagkakataon na maaaring hindi kaagad eepekto iyon sa uminom.

Hindi ko nakumpirma kung umepekto ba talaga o hindi—ang gayumang iinumin ko sana—kay Uno.

Lumipas ang mga araw hanggang sa naging mga linggo subalit wala siyang ipinakitang senyales na umepekto sa kanya ang gayuma.

The shaman only reminded me that if in case the postion took its effect, I must do exactly something to make it run out fast.

Pero sa palagay ko naman ay hindi ko na kailangan pang gawin ang mga iyon.

Things went back to the way it should be... or at least I thought.

Nasa cafeteria ako noon kasama sina Choi, Rei, Calix at Felix para kumain. Masaya silang nagkukuwentuhan habang ako naman ay nagbabasa ng libro kahit kasama sila. May nakasalpak na earphones sa aking magkabilang tainga para hindi ako maistorbo.

Ngunit nang maglaon ay hindi ko ma napansin na tapos na palang mag-play lahat ng kantang nasa playlist. Kaya kahit may nakasalpak sa aking tainga ay naririnig ko ang masaya nilang kuwentuhan.

Ang kambal ang bangka sa pagkukuwento. Nakakadala silang magkuwento dahil sa pagiging kuwela kaya hindi ko na din maintindihan ang librong binabasa ko.

They disturbed my concentration but in a good way because their story was entertaining. Hindi ko tuloy napigilang mapatawa sa kanila.

Napansin iyon ni Rei. "Nakikinig ka pala, Bullet? Akala namin nag-buburyo ka na naman sa kakabasa. Naaalala ko tuloy sa iyo ang lola ko."

"Bakit" sabad ni Calix. "Mukha bang lalaki ang lola mo? Aray!"

Binatukan ito ni Felix. "Loko ka baka magalit si Rei. Niloloko mo ang lola niya."

Tumangu-tango si Rei at nakipag-apir. "Thanks, dude."

"No worries," ani Felix. "Alam ko namang hindi kamukha ni Bullet ang lola mo... Ang pogi kaya ni Bullet."

"Buwisit ka! Hindi pangit ang lola ko!" Hinabol ni Rei si Felix.

Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga kakatawa sa kanila.

Bigla kong naramdaman na may malamig na dumapo sa aking pisngi kaya nagulat ako.

Si Choi pala ang may kagagawan niyon gamit ang isang malamig na bote. "'Eto uminom ka muna. Mauubusan ka ng hininga kakatawa."

Napangiti ako at malugod na tinanggap ang bote. "Salamat." Pinagmasdan ko ang bote dahil walang label iyon. "Ano ito?"

"Ice Americano. Tinimpla ko."

"Nice!" Nag-thumbs up ako sa kanya. Binuksan ko ang bote. "Salamat!"

Iinumin ko na sana iyon subalit bago pa lumapat sa aking bibig ang labi ng bote ay may pumigil sa akin.

It's none other than Uno.

Seryoso ang mukha nito. He took the bottle without a warning and drank it. There's something in his eyes I couldn't define. Tila may pag-aalala subalit mukhang mas nangingibabaw ang galit.

Without a warning, he held my arm and took me out of the cafeteria. Tinanong ko siya, "ano ba?! Bakit?! Saan mo ako dadalhin?"

Ngunit hindi siya tumugon. Nauuna lamang siyang maglakad habang ako ay walamg magawa kundi magpadala habang hinihila niya.

"Nasasaktan ako, Uno!"

Tila noon lamang siya natauhan. Nawala ang inis o galit sa mga mata niya at biglang nangibabaw ang pagkabigla. Kusang bumitaw ang kanyang kamay sa akin.

Nasa labas na kami ng building sa may tagiliran. Napasandal ako sa pader habang sapo ang aking baraso na hawak niya kanina.

"S-sorry..." aniya na parang bata na noon lamang na-realize na may nagawang mali.

Sinubukan niyang hawakan ang aking braso ngunit mabilis akong umiwas.

"What the hell is your problem?!"

"It's you."

"Huh?!"

Napasuntok siya sa pader na hindi ko inaasahang gagawin niya.

Humigit siya ng malalim na hininga. Trying to collect himself he said, "my problem is you?"

I swallowed.

"Hindi mo ba mahal ang sarili mo? Bakit iinom ka na naman ng kagaya ng iinumin mo dapat noon sa rooftop?! Are you out of your mind?"

"Ano—"

He raised his hand near my face to stop me. "Noong una gusto mong tumalon sa rooftop. Tapos iinom ka ng expired na energy drink. And then you almost fell from the stairs. Pagkatapos ngayon iinom ka na naman? Papaano kung wala ako noon sa rooftop? Papaano kung ikaw ang uminom ng expired na energy drink? You could have died!"

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

"Don't play dumb because you know what I am talking about. Kung hindi ako ang uminom ng iinumin mo dapat noon sa rooftop baka wala ka na. Kung hindi ako uli ang uminom ng iinumin mo kanina, baka wala ka na. Gusto mo ba talagang mamatay?"

"A-ano?" Kusang nag-replay ng makailang ulit sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko napigilang mapangiti ngunit sinisikap kong huwag tumawa. "Anong lason? Didn't you taste what you drank bago mo ako kinaladkad dito?"

"Lason iyon... Lason na lasang... Kape?"

Hindi ko na talaga kinaya ang pagpipigil ko sa pagtawa. Kusa ng lumabas iyon sa bibig ko.

"Lason daw eh kape 'yun—" hindi ko mapigilang magpakawala ng malakas na tawa na para akong nasisiraan ng bait.

"Tatawanan mo lang ako?!" Ma-awtoridad na wika niya sa akin.

His face turned very serious. Muling nabakas sa mga mata niya ang galit. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at isinandal sa pader.

"My point is ayaw kong mapahamak ka!" He bursted. "And don't accept anything from Choi."

I smirked. "Ano ka ba, Uno? You sound like a jealous man."

"Because I am! I am!"

His eyes locked on mine. At bigla akong natigilan sa dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.

I heard the sky roared with thunder and then followed by a rain. Subalit walang sinabi iyon sa malakas na pagkabog sa aking dibdib habang nakatingin si Uno sa akin.

His gaze was a clear evidence that he meant every word he said.

"I am jealous..." sabi niya. But unlike his previous tone, his voice was much calmer now and it brought warmth that caressed my heart.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon