Bullet's POV
Mula sa bayan namin ay lumuwas ako ng siyudad. Noong una ay ayaw kong lisanin ang bayang kinagisnan ko dahil maayos ang buhay ko doon. Masaya kami ng pamilya ko. Walang problema.
Subalit kagaya nga ng sabi nila lahat nang tao ay dumaranas at nagkakaroon ng problema sa buhay. Isang pagsubok sa buhay ang nagtulak sa akin para lumayo at iwan lahat ng mayroon ako.
Sa siyudad ako napadpad dala ang pag-asa na sana makapagsimula akong muli. Na sana maibaon ko na sa limot ang nakaraan.
Sinabi ko sa sarili ko na magsisimula ako bilang ako. Hindi itinatago o ikinahihiya ang sarili ko.
Gamit ang iniwang pamana sa akin ng yumao kong lola ay nakagsimula ako ng punti-unti sa bago kong buhay. Nag-enroll ako sa Nam College para makapagtapos ng pag-aaral.
Hindi ganoon kadali ang pagsisimula ko subalit nakakayanan ko naman. Kaya naman makalipas ang tatlong taon ay masasabi kong nakaya ko ang magsimula at nae-enjoy ko na ang pagiging independent.
Maayos naman ang pag-aaral ko sa kolehiyo subalit hanggang maaari ay hindi ako nakikihalubilo masyado sa ibang estudyante. Sabihin na nating loner ako pero hindi ko naman tinitingnan iyon sa negatibong perspektibo.
Wala naman akong problema sa mga schoolmates at classmates ko sa mga kinukuha kong subjects. Minsan sumasama naman ako sa kanila kapag niyaya nila ako na tumambay. Minsan lang. Apat lamang sila na sinasamahan at kinakausap ko.
Kaiba sa partikular na mga kolehiyo, Nam College na ekslusibo para sa mga kalalakihan. Isa itong boarding school kaya dito ako naninirahan.
Wala akong problema sa pag-aaral at pagtira ko sa unibersidad hanggang sumapit kami sa kalagitnaan ng first semester. Isang transferee kasi ang dumating at napabilang sa homeroom class namin.
Siya si Uno. Ayon sa impormasyong nakalap ng mga usyusero sa grupo namin ay mula sa isang mayamang pamilya ang binata. Pinoy ang mga magulang ngunit sa ibang bansa naninirahan. Kita naman din sa tindig at dating nito. I must admit that our school uniform had never been damn good when he wore it.
Lumipas ang mga linggo at binansagang "Ice Prince" si Uno dahil sa lamig ng pakikitungo niya sa amin.
Kung hindi pa mga professors namin ang magtatanong ay hindi ito sasagot. Akala nga namin ay wala itong dila. Kung sinabi ko kanina na loner ako ay mali pala ang description ko sa sarili ko dahil siya ang literal na kahulugan ng salitang iyon.
He was always alone like he didn't care at all. He was hard to approach no matter how devoted my schoolmates' effort were. Seryoso din palagi ang mukha niya, poker face. Ni hindi namin mahulaan kung ano ang tumatakbo sa utak.
On the other hand, I just observed. Mismong ako nga ay hindi ko pa siya nakakausap. Wala din naman akong balak kausapin siya.
Habang ang mga kasama ko sa homeroom class at iba pang usyuserong estudyante ay abala sa paghanga at pagsunod kay Uno, ako ay patuloy pa din ang buhay ko. Kapag walang klase, sa halip na sa dormitory ako magtungo ay sa library o kaya sa rooftop ng building ako tumatambay. Maliban na lang kung yayain ako ng mga kaibigan ko na sina Rei, Calix, Felix at Choi na minsan ko rin lang samahan.
Kagaya na lamang nang araw na iyon. Tatambay sana ako sa library subalit nakita ko ang pagkukumpulan ng maraming mga estudyante kay Uno sa di kalayuan habang ang pobre ay nasa isang sulok at binubuklat ang libro sa harap nito.
Narinig ko ang iba na humahanga dahil masipag daw itong mag-aral. Ang iba naman ay nagpaparinig ng "notice me."
Napailing na lamang ako. Alam ko namang hindi nag-aaral si Uno dahil panay buklat lamang sa mga pahina ng libro ang ginagawa nito. At isa pa may nakasalpak na earphone sa mga tainga niya.
Alam kong wala akong mapapala sa library at hindi din ako makakapag-aral sa ingay doon. Sinenyasan ko na lamang ang mga kaibigan ko na aalis ako nang makita nila ako.
Nagpasya na lamang ako na magtungo sa isang tambayan ko—sa rooftop ng building. Mayroon akong nasisilungan doon. Kaya kahit tirik ang araw ay nakakatambay ako doon.
Ngunit ng mga sandaling iyon ay tila gusto kong damhin ang paglapat ng sinag ng araw sa aking balat. May kalamigan din ang simoy ng hangin.
Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Hindi nakarehistro ang numero ng tumatawag sa akin subalit hindi ko na kailangan pang manghula kung sino iyon. Ilang beses na din akong nagpalit ng sim card ngunit nalalaman din ng tumatawag ang numero ko.
Hindi ko sinagot ang tawag at pinatay na lamang ang cellphone ko.
Laking pasalamat ko na lamang at hindi pa niya ako natutunton. Ni minsan ay hindi ko binuksan ang GPS ng cellphone ko para hindi nila ako matunton.
I shook my head to take off that past starting to flash back in my head.
Nagtungo ako sa gilid na bahagi ng rooftop at naupo sa labi ng semento at inilaylay ang mga paa ko. Alam kong delikado ang upo ko pero batid ko namang hindi ako mahuhulog.
Itinaas ko ang mga kamay ko sa ere habang nakatingala ako. I closed my eyes to feel more the ray of sunlight on my skin.
I've never felt this free before. Magaan ang pakiramdam ko.
Malaya.
Masaya.
Hindi pa ako nasiyahan kaya tumayo ako sa ibabaw ng semento na nagsisilbing harang sa rooftop.
I felt the warm ray of sun touching my skin.
Subalit hindi ko natantiya ng biglang lumakas ang hangin at na-out of balance ako. My body was leaning towards out that would cause for me to fall down. Bindi ko makontrol ang katawan ko.
Napapikit na lamng ako sa takot. Hindi ko na ma-control ang sarili ko at batid kong mahuhulog na ako.
Ganoon ang sitwasyon ko nang maramdaman ko na may mabilis na puwersang humila sa akin. Tuluyan na akong nahulog at natumba. Mariin akong nakapikit at hindi ko magawang sumigaw. Hinihintay ko lamang ang pagbagsak ko sa lupa na magiging sanhi ng aking kamatayan.
Subalit wala akong naramdaman na malakas na impact.
I wasn't still getting my full control with my body. Kaya naman nadala lamang ako sa direksyon kung saan mabigat ang puwersa ng katawan ko.
Ang bilis ko namang nahulog. Ganoon ba iyon? Mabilis? Hindi mo mararamdaman na nahuhulog? Yung tipong patay agad? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Namamalikmata ba ako? Makailang beses akong kumurap. Tumingin ako sa paligid. Tumingala ako. It didn't take long for me to realize that I didn't fall.
Sa halip na mahulog ako pababa sa lupa mula sa rooftop ay sa katawan ni Uno ako nakapaibabaw.
I could feel his heavy breath through his chest. Tama ba ang nararamdaman ko? May malakas na pagtibok akong nararamdaman mula sa kanyang dibdib.
Was that his heartbeat... or mine? Para kasi akong aatakihin sa bilis ng pagtibok sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
Roman d'amourPumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
