CHAPTER 8

1.9K 74 3
                                    

Uno's POV

"Paging Uno...earth life is calling you. Hey, Uno!" Pinitik ni Fei ang kanyang mga daliri para makuha ang aking atensyon. "Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala d'yan."

"Ha? Ah eh..." tumikhim ako. "Ano uli ang sinasabi mo?"

Ngumiti siya sa akin at magiliw na nagkuwento. Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop nang yayain ako ng kapatid kong ito. Tutal weekend naman ay may permit kami mula sa paaralan na makalabas.

Matagal na din nang huli kaming magkausap ni Fei. I should not be distracted with other things.

My sister traveled one place to another. Isa kasi itong travel blogger and photographer kasama ang nobyo nito.

Dahil sa trabaho kaya raw hindi niya agad ako nadaluhan at natulungan ng ipadala ako ng ama namin dito sa Pilipinas. Marahil kung kasama ko nga siya ng mga sandaling iyon ay hindi siguro ako ipapadala sa boarding school.

Ngunit hindi rin ako napigilan na asarin ni Fei dahil kasalanan ko rin daw naman talaga kaya nangyari sa akin ito. Kung bakit daw kasi naging pasaway ako at laging kinokontra ang tatay namin.

Nagkibit balikat na lamang ako.

Kaagad daw siyang nagtungo dito sa Pilipinas para bisitahin ako nang matapos ang project niya.

"Do you want me to talk to papa?" pagkakuwan ay tanong niya sa akin. "I'll convince him to let you go back—"

Maagap akong umiling para pigilan siya. I told her that there's no need because I know even with her help it won't work. Nagtatampo rin kasi ang ama namin kay Fei dahil sa pinili niyang trabaho sa halip na magkolehiyo.

Sinabi ko na lamang sa kanya na maayos ako at nagsisimulang maka-adapt sa buhay ko sa boarding school.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa blueberry cheesecake sa aking harapan. Tinusok-tusok ko iyon ng tinidor.

Kumain na kaya siya? Nahirapan kaya siya sa pagbaba ng hagdan sa dormitory? Dapat nag-iwan na lang uli ako ng pagkain sa labas ng kuwarto niya.

"Hmmm... Mukha ngang nakaka-adapt ka na sa bago mong buhay," ani Fei subalit kita sa mukha niya na kabaligtaran ang nais niyang ipahiwatig.

Tumango na lamang ako.

"Huwag mo nga akong niloloko, bro." She said it's not how she saw things, especially as she had been watching me feeling unsettled when we met few days ago and also now.

Tinanong niya kung bakit. Mabilis akong umiling. It's not like I could tell her what was bothering me.

"It's complicated," iyon na lamang ang sinabi ko sa kanya.

"If it is complicated bakit ayaw mong tulungan kita."

Napabuntong hininga na lamang ako.

Batid ko sa mga mata niya na nais pa niyang mag-usisa ngunit iniba ko na lamang ang topic namin.

Nagtanong ako ng nagtanong tungkol sa trabaho niya. Magiliw naman siyang nagkuwento.

After a while, I asked her if she wanted to go. Pero tumanggi siya. Mas gusto daw niyang makipagkuwentuhan.

Ayon sa kanya ay nae-enjoy niya ang kanyang trabaho. Maraming lugar na napupuntahan kasabay ang pamamasyal. Idinagdag pa niya na dahil nasa Pilipinas na rin daw siya ay magba-blog na rin daw siya ng magagandang lugar sa bansa.

And I supported her and the career she chose. Hindi man siya nagtapos sa kolehiyo ay masaya ako na ang layo na nang narating niya.

"Uno."

Muli niyang nakuha ang aking atensyon. Hindi ko namalayan na pinaglalaruan ko pala uli ang pagkain sa aking harapan gamit ang tinidor.

And Fei gave up. Hindi na daw siya magkukuwento. Pero hindi din daw kami aalis hangga't hindi ako nagsasabi ng gumugulo sa akin.

Just like before I stayed quiet.

Pagkakuwan ay iniabot niy sa akin ang paper bag na kanina ay nsa tabi niya. Nagtataka naman kong tinanggap iyon.

"Pasalubong mo ba ito sa akin?" biro kong tanong.

She nodded bubbly.

Binuksan ko naman ang paper bag na may kalakihan at tiningnan ang laman niyon. Shit! Nagkamali ako ng tanong sa kanya at gusto kong bawiin iyon nang makita ko ang laman ng paper bag.

Tumawa siya nang malakas nang makita niy ng reaksyon ko na pagngiwi nang isa-isa kong tinitingnan ang nasa paper bag.

Mga libro, manga at DVD ang mga iyon. It's not what gave me goosebumps. Hindi lamang ako makapaniwala sa sa genre nga mga iyon.

Boys love ang tema ng mga iyon.

And knowing my sister, it's her latest addiction to date.

Ipinaliwanag niya na ilang buwan na nang matuklasan niya ang ganoong tema ng mga babasahin at panoorin. Nae-enjoy daw niya iyon.

I looked at her surprisingly.

She was just nodding with a smile to confirm all my other unspoken questions.

Nang tanungin ko siya kung bakit niya ibinibigay sa akin iyon ay itago ko daw muna. Hindi daw niya iyon iniwan sa bahay ng pamilya namin dahil baka maghalukay ng mga gamit ang tatay namin at makita iyon.

"Not everyone has an open mind and would appreciate this type of genre," dagdag pa niya.

"Pero bakit sa akin mo ipinapatago?"

"Because we're partners, remember? Partners-in-crime."

Napailing na lamang ako. Idinagdag pa niya ang suhestiyon na subukan ko daw basahin iyon at baka magustuhan ko.

Habang siya ay natatawa, ako naman ay iiling-iling akong binuklat ang ilang pahina ng manga. Kahit kailan talaga malakas ding mang-alaska ang kapatid ko.

Napalunok ako sa mga illustration ng manga.

"Malay mo..." ani Fei. "...a man's love would be able to mend your broken heart."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. I was trying to collect myself. Alam kong biro lamang ang sinabi niya pero may kung anong bagay ang hindi ko maipaliwanag na nagdulot para muling magbalik sa balintataw ko ang isang pamilyar na mukha.

All of a sudden I was seeing that person's face on the comic book.

Mabilis kong isinara iyon at ibinalik sa loob ng paper bag. Makailang beses akong lumunok.

Fei was giggling. "Biro lang, Uno. Masyado mo namang sineseyoso."

Joke lang daw, Uno. Joke lang!

Pero bakit bumibilis na naman ang pagbayo ng puso ko. At bakit si Bullet ang pumapasok sa isip ko?

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon