Uno's POV
Kuwentuhan, tawanan at asaran—ilan lamang iyan sa mga hindi nawawala sa aming magkakibigan sa tuwing magkakasama kami. Kagaya na lamang ng mga sandaling iyon.
Magkakakasama na kami sa eskuwelahan subalit hindi pa rin kami nauubusan ng pag-uusapan.
Kasalukuyan kaming nasa restaurant kung saan namin napiling tumambay. Tapos na kasi ang finals at malapit na ang summer vacation kaya napag-usuapan naming mag-celebrate.
We were waiting for the others like Felix who said he would come with his girlfriend, Kisha.
Si Calix naman ay hinihintay ang makaka-date daw niya na inireto ng kanyang bagong sidekick.
No, the twins didn't have any misunderstandings. Simula lamang ng maging opisyal na maging kasintahan ni Felix si Kisha ay mas natuon na ang pansin niya dito. Si Calix naman ay single pa rin... daw. Madalas kasing ang sidekick niya ang kanyang kasama.
Sina Rei at Choi naman ay masaya at matatag ang samahan sa kabila ng mga pagsubok. They faced a tough challenge as a couple but they were able to get through. Now they're happy as ever.
As for me, there was nothing I could ask for more. Araw-araw akong masaya sa piling ni Bullet. Ako ang pinakamasuwerte at masayang tao sa buong mundo dahil sa kanya.
"Ang tagal naman nina Felix," reklamo ni Calix. "Gutom na ako eh."
"Ikaw masyado kang mainipin," sabi naman ni Rei.
Tumangu-tango si Choi habang hawak-hawak ang kamay ng kasintahan pag-upo nila. "Oo nga... Malay mo na-traffic lang ang kakambal mo at saka yung girlfriend niya. By the way, kaya mo bang banggitin ang pangalan niya?"
Tinapunan ni Calix ng masamang tingin si Choi. "Sino?"
"Yung girlfriend ng kakambal mo," nanunudyong sagot ni Rei bago nakipag-apir kay Choi.
"Kayo talagang love-birds kayo... Tsk! Ang lakas ninyong mag-alaska. Hindi katulad nina Bullet at Uno tahimik lang may sariling mundo."
"Nakikinig kaya kami," sagot ko naman. "Hindi ba, Bullet?"
Nag-thumbs up si Bullet. Puno kasi ang bibig niya ng french fries dahil kanina ko pa siya sinusubuan n'on.
"Oh p'ano ba yan? Kaya mo bang sabihin ang pangalan ng ex mo?" pagsakay ko sa panunudyo.
Clix smirked. "That's an old news. Krisha ang pangalan niya. Ex ko siya. Wala na naman akong nararamdaman para sa kanay. At saka isa pa may date din ako ngayon, FYI."
"Ooohhh!" nakakaloko namang kunwari ay npasinghap sina Choi at Rei.
"Baka mamaya yung sidekick mo na naman ang dadating," ani Rei.
"Oo nga," pag-sang ayon ko.
"Guys," tawag pansin ni Bullet. "Hindi yun sidekick. May sidekick bang ka-holding hands. Eh kiss na lang ang kulang sasabihin kong sila na eh."
"Aish! Mga loko kayo ah," namumula ang mukha ni Calix.
"Now you know how it feels kapag inaasar mo kami," nakangising komento ni Choi. "So, ano ang status ninyo ng sidekick mo?"
"Uyyy..." si Felix bagong dating. "Ano'ng meron?"
"Felix!" bati ko sk nakipag-fist bump dito. "Nasaan na ang girlfriend mo?"
"Ah nasa labas sinasagot lang yung tawag sa cellphone niya. Papasok din yun. Ano ang pinag-uusapan ninyo? Kambal, ano ang meron?"
Bumurangot lang si Calix.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
Любовные романыPumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...