Bullet's POV
Bukod sa pagpapalipas ng gabi ay pinag-stay pa ako ng doktor sa infirmary ng buong maghapon bago ako binigyan ng clearance bago makabalik sa aking silid sa dormitory. Ibinilin niya na ipahinga ko muna daw ang na-sprain kong paa at huwag itong ilalakad hangga't maaari para maiwasan ang pagtaggal ng pamamaga niyon. Ganoon din daw sa braso ko na huwag ko munang ikilos kung hindi naman kailangan.
Ayaw ko mang aminin ngunit hinanap ko si Uno na ni anino ay hindi ko na nakita mula ng bigyan siya ng clearance ng doktor. Hindi ko kagaya ay idinis-charge agad ito pagkatapos ng pangyayari. Eksakto namang nakaidlip ako niyon dahil sa epekto ng gamot.
Pag-gising ko ay wala na siya. Ni anino niya ay wala na.
Nabaling lamang ang atensyon ko nang dumating ang ang ilan sa mga bahagi ng homeroom class na kinabibilangan ko. Natuwa naman ako kahit papaano dahil sa pagmamalasakit nila sa akin.
Sina Choi, Rei, Calix at Felix ang mga dumalaw sa akin. Ayon sa kanila ay sila din daw ang nakakita sa amin ni Uno sa rooftop.
Daig pa nina Calix at Felix ang pagiging reporter sa pagtanong sa akin kung ano ba ang nangyari.
"Bakit kayo nasa rooftop ni Uno?"
"Ano ang ginagawa ninyo doon?"
"Doon mo ba siya binugbog kaya wala siyang malay nang makita namin kayo doon?"
Ilan lamang iyan sa mga tanong na salitang ibinato sa akin ng kambal.
Panay naman ang tanggi ko sa mga pangungulit nila. Itinanggi ko din na ginulpi ko si Uno. Marami pang itinanong ang kambal na sabihin na nating panay kalokohan.
Ngunit ang malokong tanong ni Rei ang hindi ko makalimutan at naglagay sa akin sa alanganing sitwasyon.
"Is there something going on between you and Uno?"
Maaari namang balewalain ko tanong niyang iyon at huwag lagyan ng malisya.
I could have said a simple "no" as an answer.
But there was something going on. Iyon ang hindi ko maitatanggi. Pero hindi madaling ipaliwanag iyon. Hindi ganoon kasimple na sabihin kong ang namamagitan sa amin ay ang makulit na attitude ni Uno na bumubulabog sa buhay ko.
Hindi kami mga tanga para maglokohan. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang gustong iparating nang tanong niyang iyon. Kita iyon sa mga mata ni Rei.
And I was stunned with his question. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Maging si Choi pati sina Calix at Felix ay natigilan at nabaling sa direksyon ko ang atensyon. Pare-parehas naghihintay ng sagot ko.
Napalunok naman ako.
Wala. Iyan ang gusto kong isagot. Iyan ang madaling sagot. Subalit tila ba ang hirap bigkasin.
Laking pasalamat ko nang binasag ni Choi ang katahimikan. Binatukan niya si Rei at sinabing kung anu-anong kalokohan daw ang pumapasok sa utak nito.
"Malay mo may something sa kanila," pahabol pa ni Rei. "Maybe they are more than friends—"
Tinakpan niya ang kanyang mukha nang inambahan siya ni Choi ng kamao.
"Puro ka kalokohan," ani Choi. "Isa pa imposible ang sinasabi ninyo..."
Sumang-ayon ako sa loob-loob ko. However, the additional information he added caught me off guard.
"...kasi may girlfriend si Uno."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomansaPumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...