Bullet's POV
Napatigil kami sa pagkukuwentuhan nina Rei, Calix at Felix nang makahanap ng pagkakataon si Choi para makapag-paalam.
"Guys, mauna na muna ako. I have a class right after lunch break."
Kasalukuyan naming inuubos ang aming lunch break sa hallway malapit sa aming homeroom. Tapos na kasi kaming mag-lunch at vacant kami sa susunod na dalawang oras maliban kay Choi na may klase pa.
Tumango kami nina Calix at Felix habang nagtataka namang napatingin si Rei sa kanyang wristwatch.
"Thirty mintues pa nman bago mag-start ang klase ah."
"Miss mo na agad ako?" kinindatan ni Choi si Rei. He teasingly smiled at him. "Ano ba 'yan? Hindi pa nga ako umaalis miss mo na ako agad."
"Aish... Hindi pa nga ako tapos kumain ng lunch ko may dessert na agad sa harap ko na tinamaan ng ka-sweet-an," nanunudyong wika ni Felix.
Binatukan ito ni Rei na hindi mapigilan ang pamumula ng mukha lalo na ng yakapin siya mula sa likod ni Choi mula sa kanyang pagkakaupo.
They exchanged smiles with one another.
"Aish... Baka pati kami langgamin," ani Felix.
Tatawa-tawa naman ako sa panunudyo ng kambal kina Choi at Rei.
As I looked at them once more, I saw their eyes filled with love for each other. Masaya ako para sa kanila. Lalo na para kay Rei na nagbunga ang matyaga niyang paghihintay ng pagkakataon na mapagtuunan siya ni Choi ng atensyon.
"Aalis na ako," pagkakuwan ay sabi ni Choi.
Tumango naman si Rei. "Hmmm."
Mula sa mga speaker na nagkalat sa campus ay nagmuka ang isang tunog. Iyon ang tunog kapag may mahalagang anunsyo. And then a voice took over as an instrumental song played in the background.
"Hello, everyone!" bati tinig na iyon. A hindi maikakailang isang DJ. "This is you Neul, your Nam College radio DJ... How's your day everyone? I hope it's good dahil para sa isang schoolmate natin ay palagi raw maganda ang araw niya. As a matter of fact, we're having this special podcast today as he wants to dedicate a song to his special someone... Gentlemen of Nam College, let's enjoy our lunch break with the following songs personally requested by one our Student Council representative who is also a homeroom class president... Mr. Rei Sebastian, I hope you're listening because this song is for you from Mr. Choi Hendrix..."
"Whoa!!!" magkakasabay na reaksyon namin nina Calix at Felix habang tumutugtog ang isang love song.
"Choi-Rei is real!" ani Felix.
"Love is in the air!" Nakipag-apir si Calix sa kakambal.
They were both teasing the couple.
Choi then kissed Rei on the forehead before he went on his way. "The songs will play until lunch break is over are all for you. Para hindi mo ako ma-miss."
Abot sa magkabilang tainga ang ngiti ni Rei.
Walang babalang parang may pumitik sa aking dibdib sa eksenang aking nakita. Pamilyar kasi iyon.
That was what Uno used to do to me. He used to kiss my forehead.
And I missed it. Isang linggo na din magmula ng huli kaming magkita.
Para siyang bulang bigla na lamang naglaho pagkatapos ng gabing iyon.
Nagising ako nang umaga pagkatapos ng mahabang gabing iyon, wala na siya. There was no trace of him.
Ang akala ko ay nagbalik lamang siya sa sarili niyang kuwarto. Subalit lumipas ang buong maghapon na wala akong narinig na balita mula sa kanya. Lumipas ang mga araw ay wala parin siyang paramdam.
Hindi rin siya pumapasok sa kanyang mga klase.
There was totally no sign of him.
I thought of going to the administration office to ask about his whereabouts. Ayon sa kanila ay nag-file ng leave of absence si Uno.
For whatever reasons, I didn't know. Sinubukan ko siyang tawagan subalit hindi ko siya ma-contact. Maging ang mga messages ko sa kanya ay hindi niya binabasa.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng tawagin ni Rei ang aking atensyon.
"Bullet, ayos ka lang ba?"
Tumango ako. I did my best to smile to cover up what was bothering me.
"No, you're not," sabad naman ni Calix. "Ganyan na ganyan ka din noong nagpasama ako sa iyo para bisitahin si kuya Lex."
"Binisita ninyo si kuya Lex?" tanong ni Felix na tinanguan naman ng kakambal.
"I didn't know that. But anyway, what's bothering you, Bullet?" tanong pa uli niya. Bigla siyang napasinghap. "Don't tell me nagseselos ka kasi na-realize mong gusto mo pala si Choi ngayong mahal na niya si Rei— Aray!"
Binatukan ito ni Rei. "This is not the time to joke around, Felix."
"Aish! Biro lang naman. Masyado kang protective sa hubby mo." Minasahe nito ang nasaktang batok. "Ang sakit n'on ha. Si Kira nga hindi ako binabatukan—"
Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Calix sa kakambal.
"Oops! Sorry, bro... I didn't mean to."
"Just don't speak."
"Are still not okay that I'm dating your ex—"
"Felix! Shut your mouth. I am dealing with it okay?! So right now huwag mo munag isupalpal sa mukha ko na ikaw ang pinili niya..." He sighed to calm himself. "S-sorry, Felix..."—mas kalmado na ang kanyang tinig—"... it's just to soon. Understand? Anyway, the issue right now is not me. Si Bullet."
Bumaling ang atensyon nilang lahat sa akin.
"Ano'ng problema?" tanong muli ni Rei. "S-si Uno ba? Nagka-usap na ba kayo?"
Lupaypay ang mga balikat ko pagkahigit ko ng hininga. I shook my head.
"Isang linggo na, ah," sabi ni Calix. "Hindi pa ba siya babalik? Malapit ng mag-finals. Hindi ko alam kung papaano niya napapayag ang admin na makapag-file ng leave of absence eh sa ganitong panahon."
"Mmmm...mmmm. mmmmm. mmm..." si Felix.
Napabutong hininga uli ako. "Hindi ko din alam. Wala naman kaming problema."
"Mmmmm. Mmmm. Mmmmm. Mmm," sabi uli ni Felix.
Bumaling ang atensyon namin sa kanya. Hindi namin naiintindihan ang kanyang sinasabi dahi nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang bibig.
"Ano ba'ng sinasabi mo?" kunot-noong tanong ni Calix. "Bakit ba kasi tinatakpan mo yang bibig mo kaya hindi ka makapagsalita ng maayos."
Felix took off his hands covering his mouth. "Sabi mo kasi kanina huwag akong maingay kaya tinakpan ko ang bibig ko..."
Natampal namin nina Rei ang sarili naming mga noo. Hindi ko malaman kung talaga bang hinahaluan ni Felix ng biro lahat ng bagay o talagang may pagka-slow lang siya minsan.
"Speak, Felix." Utos ni Rei.
"Ang gusto kong sabihin ay kung may problema ba kayo ni Uno. Meron ba, Bullet?"
Wala akong matandaan.
"It seems like there is pero mukhang hindi ka aware."
"At papaano mo nasabi, kambal?"
"I actually saw Uno kinabukasan pagkatapos nating mag-inuman..." napapakamot sa ulo si Felix na umamin. "Dala niya ang kanyang mga gamit."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
