CHAPTER 22.5

1.2K 62 1
                                        

[Chapter Epilogue]

Rei's POV

"Malapit na tayo. Huwag ka munang matulog para hindi ako mahirapang alalayan ka."

I just made a sound to respond to what Choi said. Ipinagpatuloy ko ang pagpapanggap ko na sobrang lasing.

Subalit ang totoo ay medyo nahimasmasan na ako at nasa katinuan na ang aking isip. Nakasuka na ako kanina sa daan. Binilihan din ako ni Choi ng kape para inumin.

Ngunit sa pagbalik ng aking huwisyo ay nagbalik din sa akin ang mga nangyari kanina. Gusto ko tuloy na lamunin ako ng lupa dahil sa sobrang hiya.

I indirectly confessed to him!

Nasabi ko sa kanya ang damdaming dati ko pang itinatago dahil natatakot ako. However, I betrayed myself becuse I was drunk.

Damn, alcohol!

Habang inaalalayan niya ako sa paglalakad sa daan ay tuloy lang ako sa pag-acting na lango sa alak. Nakatungo lang ako para kapag sumulyap siya ay hindi niya makikita ang aking mukha. At isa pa hindi ko siya kayang harapin.

How could I when he already knew my secret? Nakakahiya.

May ibang gusto si Choi kaya malabong magkagusto siya sa isang tulad ko.

Ayaw ko ring masira ang pagkakaibigan namin. Ayaw kong layuan niya ako dahil sa nararamdaman ko. Natatakot ako.

Hindi ko rin naman inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa kanya. We're both guys after all.

At may ibang mahal si Choi, pagdidiin ng isang bahagi ng aking utak.

Hindi ko namalayan na diretso na pala ang paglalakad ko dahil sa malalim ko ma pag-iisip. Sinasabayan na lamang niya ako sa paglakad at hindi na inaalalayan.

Napahinto ako. Oh shit!

Nagpanggap uli ako na lasing. Kunwari ay pasuray-suray ako at matutumba sa daan.

Pero matutumba na ako at lahat ay hindi pa rin ako inaalalayan ni Choi. Napasulyap ako sa kanya at marahan lang siyang naka-tingin.

Itinuloy ko ang pag-acting. "Lashing ako. Hik! Lashing..."

All I heard was a joyful laugh from him.

Tumigil ako sa pag-arte at tiningnan siya.

"Alam kong bumalik ka na sa katinuan, Rei."

Natampal ko ang akong noo sa pagkapahiya. "Aish!"

Lupa, pakilamon na ako ngayon please, naisaloob-loob ko. Lamunin mo ako.

Pero deadma lang ang lupa sa dasal ko. Naitakip ko tuloy ang aking kamay sa aking mukha dahil sa sobrang hiya.

Nagbalak akong tumakbo. But before I could do it, Choi was already holding my arms.

"Rei, stand still," sabi niya.

Bumitaw siya sa paghawak sa aking mga braso para hawakan ang magkabila kong balikat.

"Three years ago, in this same spot..." huminga siya ng malalim. "This is where it happened."

Lumingon ako sa paligid saka ko nakuha ang gusto niyang sabihin. Nagbalik sa aking isip ang tagpong tinutukoy niya.

I swallowed when I met his gaze.

"First of all, I'd like to say thank you... Salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan sa akin, Rei. Salamat kasi lagi kang nandiyan. Salamat sa pagtitiyaga at sa mahaba mong pasensya sa akin..."

Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...

I could feel my heart fluttered fast. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil tila nalulunod ako sa titig niya.

"Hey..." I was trying to calm myself and change the mood. "Ano ba'ng sinabi mo..."

Hindi siya nagpatinag. Patuloy lamang siyang nakatitig sa akin. "Rei, you're a wonderful person that I'll always treasure. Thank you for allowing me to be part of your life... And I'm sorry... I'm sorry for not noticing all your efforts for me. Whew!" Kita ang kaba sa kanyang mga mata. "Jeez! I'm not so good with words. This is my first time so please bear with me..."

"Rei, ano ba kasi—"

Ipinilig niya ang kanyang ulo. "Pakinggan mo muna ako, please. I'm new to this. At hindi ko pa nagagawa ito... I've never confessed my feelings before. Espesyal ka sa akin dati pa, hindi ko lang mailagay sa perpektong salita. At sa mga panahong iyon hindi ko pa natatanggap sa sarili ko that I would fall for a man, especially for my friend... Now, I can confidently say that I fucking fucking love you!"

Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...

For the first time in my life, naubusan ako ng sasabihin.

"W-what about your girlfriend?"

"We actually broke up years ago."

"So you're single all this time?" tanong ko.

And I was surprised when he nodded. Awtomatikong sumagi sa isip na ni minsan ay hindi siya nagkuwento tungkol sa nobya niya. Nevertheless, I didn't want to hear it if he had one.

"P-papaano ni si Bullet?" After all these years, I was able to confront my other fear. The fact that he had feelings for that guy. "Special siya sa iyo, di ba? You kissed him before."

Umiling siya. "It wasn't him. Ikaw... You're the one I kissed and the one I fell in love with once more from that very moment."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong itugon dahil halo-halo ang emosyong nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya.

"Well...?" tanong ni Choi. "Wala ka bang sasabihin?"

I swallowed.

He sighed. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa balikat ko. "Naiintindihan ko. Siguro ay napagod ka na dahil ang tagal mo ng naghihintay..."

No, Choi. No. I just don't know what to say.

Tumingin siya sa akin at bakas sa mga mata niya ang lungkot. But he tried to smile.

"Balik na tayo sa dormitory para makapagpahinga ka."

Tatalikod na sana siya ng buong tapang kong hinawakan ang kamay niya. Kinabig ko siya papalapit sa akin.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Hinawakan ko ang collar ng damit niya at kinabig. There were things better to show than to say.

I kissed him.

Our lips locked. At hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.

Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya ngayong malaya na naming mamahalin ang isa't-isa.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon