Bullet's POV
Pilit kong kinakalma ang aking sarili habang ginagamot ang mga sugat at pasang natamo ni Uno sa kanyang mukha at kamao. I was trying to maintain my serious face.
Ngunit nahihirapan akong kalmahin ang aking sarili. Ni walang ibang reaksyon siya kundi ang pag-ngiti habang nakatitig sa akin.
Hindi ako makapag-concentrate.
Idagdag pa doon ang mabilis na pagtibok sa aking dibdib.
Damn, I missed this man, naisaloob-loob ko.
Isang linggo ko rin siyang hindi nakita. At napatunayan ko sa mga panahong iyon kung ano ang nadarama ko para sa kanya.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Kung saan siya nagpunta. Kung bakit siya umalis. At kung ano ang problema niya. Namin. Subalit hindi ko magawang maisatinig iyon.
I was getting drown with the way he looked at me.
Gusto kong magalit sa kanya dahil bigla na lang siyang nawala. At kung bakit nakipag-basag-ulo siya kay Choi. Subalit habang tinititigan niya ako ay natutunaw ang inis na nadarama ko.
Halos hindi ako huminga ng kinailangan kong lumapit sa kanya kaysa normal. Inilapit ko ang aking mukha para mailagay ko ng maayos ang band-aid sa sugat niya sa nose-bridge.
Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...
Walang salitang lumalabas sa aming mga bibig kaya halos umalingawngaw ang pagtibok sa aking dibdib. Pabilis ng pabilis.
Nang mailagay ko na ang band-aid ay nagtama ang aming mga mata. Our eyes were locked. And I couldn't manage to pull off. Nanigas ako habang parang nahihipnotismo sa titig niya sa akin.
Nililinlang lamang ba ako ng aking paningin o totoong papalapit unti-unti ang mukha ni Uno sa akin?
Kaya naman bago pa ako takasan ng katinuan ko ay humigit ako ng hininga. Kinurap ko ang aking mga mata paramuling makontrol ang aking sarili.
Mabilis akong umiwas at tumayo bago pa siya tuluyang lumapit.
Ngunit mabilis din siya. He stood up ang held my arms.
Nanigas tuloy ako sa pagkakatayo. At kagaya ng una niyang ginawa ay paunti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Hindi ko na yata maiiwasan ito, naisaloob-loob ko.
Kaya naman hinayaan ko nang magsara ang talukap ng aking mga mata at hintayin na lamang ang susunod na mangyayari. Handa na ako sa halik niya para sa akin.
Subalit lumipas anh sandali ay hindi ko naramdaman ang paglapat ng kanyang mga labi sa akin. Bigla akong napamulat at nakita siyang nakatayo ng diretso. May ilang hakbang na distansya na sa pagitan namin. May hawak siya sa kanyang kamay.
"May maiit na himulmol ng bulak sa buhok mo," sabi niya habang pinapaspasan ang kamay. "Tinanggal ko lang."
"A-ah... O-okay..."
Hindi ko naiwasang magngitngit ang pakiramdam ko lalo na ng makita ko ang pagpipigil niya ng tawa. He was teasing me!
Tumingin siya sa akin na parang nagtataka, painosente. "Bakit?"
Kunot ang aking noo na umiling ako.
He faked a gasp. "You thought I was going to kiss you, didn't you?"
Lintik ka, Uno! Damn it! "H-hindi ah!"
A naughty smile curved on his lips. "Talaga?"
Umiling ako.
He took on step forward to me. "Hindi mo ako na-miss?"
I glared at him but he didn't care.
Humakbang uli siya papalapit sa akin. "Kasi ikaw na-miss ko. Sobra. Akala ko hindi na kita makikita."
"Bakit nabulag ka ba?" sarkastiko kong tanong. Humakbang ako paatras.
He nodded habang humakbang uli siya papalapit. "Oo, nabulag ako. Nabulag ako ng selos."
"Ano ba ang pinagsasabi mo?"
"Naniwala ako sa sarili kong kuro-kuro. Sa maling akala. Akala ko kasi ako lang ang may nararamdaman sa ating dalawa. Akala ko hindi tayo parehas ng nararamdaman. Binalot ako ng selos at maling paniniwala..." He was slowly walking forward to me.
"Hoy, Uno... A-ano ba ang pinagsasabi mo ha?" Patuloy naman ako sa pag-atras.
"Nakita ko kayo ni Choi sa balkonahe noong gabing iyon. I knew you would talk to him. Sumunod ako. But what I saw shattered my heart. Hahalikan ka ni Choi. Ang sakit kasi parang pinipiga ang dibdib ko ng mga sandaling iyon. Kaya umalis kaagad ako dahil hindi ko kaya ang nakita ko. However, I had no choice but to go back nang pumunta si Rei. Narinig kong sinabi mo na gusto mo si Choi. And then the following day, I saw the two of you sa restaurant. Hawak mo yung mga rosas na galing kay Choi..." Uno paused from taking a step.
I swallowed and froze.
"Nasaktan ako, Bullet. Sobra-sobra, " madamdamin niyang pahayag. "Hindi ko kaya na harapin ka para tanungin kasi natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang maririnig ko. Na si Choi ang gusto mo at hindi ako. Kaya naman lumayo ako para makalimot. Gusto kong makalimutan ang sakit na nararamdaman ko."
"Uno..." mahina kong saad.
Ngayon ay nauunawaan ko na ang tunay na dahilan ng pag-alis niya. Ngayon ay nabigyan ng linaw ang gumugulo sa aking isipan. However, I didn't know if I should feel relieved with the fact I learned.
Mali kasi ang pagkakaintindi niya sa mga pangyayari. Hindi naman ganoon ang nangyari. At hindi si Choi ang gusto ko.
Subalit walang salitang gustong lumabas sa aking mga bibig. Hindi ko masabi sa kanya ang tunay na nangyari.
He started walking towards me, slowly.
"But then I was told that maybe I was reading things in a wrong way. Baka mali ako ng pagkakaintindi. Na-realize ko na dapat maging matapang ako. Matapang na harapin ang katotohanan. At sa iyo ko lamang maririnig ang totoo sa halip na maniwala ako sa sarili kong kuro-kuro. At kung sakali mang totoo ang akala ko ay gumawa ako ng paraan para ipaglaban ang nararamdaman ko...
"Kapag kasama kita masaya ako. Kapag hawak ko ang kamay mo, wala akong pag-aalaala na nararamdaman. Kapag nakikita kitang masaya, tumatalon ang puso ko sa tuwa. Alam kong hindi lahat maiintindihan ang nararamdaman ko. There those who will criticize my feelings. But what's wrong on loving someone? It's not wrong. I know I am feeling the right thing. At nararamdaman ko lahat ito kasi mahal kita, Bullet. Mahal na mahal!"
Sa pahayag na iyon ni Uno ay lalong bumilis ang pagbundol ng aking puso sa aking dibdib. Para akong sasabog sa nag-uumaoaw na emosyong nararamdaman ko.
Sa pag-atras ko ay napasandal ako sa pader. Naubusan na ako ng aatrasan. Nakalapit na naman sa akin si Uno at inokupa ang distansya sa pagitan namin. Ihinarang niya ang kanyang mga braso sa pagtukod niyon sa pader.
"Bullet..." he whispered as his face was getting closer to mine. "Isang tanong isang sagot. Mahal mo ba ako?"
"Oo..." Bago pa ako makapag-isip ay kusa nang lumabas sa mga labi ko ang salitang iyon. Walang pag-aalinlangan. And I didn't regret saying it even if it was an abrupt response. Kasi totoo iyon. "Oo, mahal kita!"
Without a warning, his lips locked on mine.
Bigla ang ginawa niyang iyon at hindi ako handa. Tila huminto ang ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. It felt like we were the only people on earth at that very moment.
Kusang nagsara ang mga mata ko para damhin ang halik na iyon. At wala akong makapang emosyon maliban sa kasiyahan ng mga sandaling iyon.
All I could think of was... I love this guy!
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
