CHAPTER 19

1.3K 54 3
                                        

Bullet's POV

Hindi ko alam kung gaano na katagal akong ganoon. Nagbalik na lamang ang aking isip sa kasalukuyan ng ihininto ni Calix ang sasakyan.

"Hey, Bullet..." aniya.

"Ha?"

"Ayos ka lang ba? Tinatanong kita kung ano ang gusto mo," itinuro niya ang convenience store kung saan kami nakaparada sa harap niyon. "Bibili ako. Baka may gusto ka, ibibili na rin kita."

Tumango lang ako.

Napailing siya. "May problema ka ba? I can listen."

I shook my head.

"May problema ka nga." Pinatay niya ang makina ng sasakyan. "Bibili lang ako. Just think first if you want to share whatever is bothering you. Maloko ako pero magaling naman akong makinig at magpayo basta huwag lang tungkol sa utang." He laughed at his own joke. "Okay? I'll be right back shortly."

Tumango lang uli ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob.

At kagaya ng ng sabi niya ay mabilis lamang siya. May dala siyang isang may kalakihang plastic bag na puno ng pagkain at junk foods.

Ngunit hindi pa siya bumalik sa sasakyan. Pumunta pa siya sa kalapit na flower shop ng convenience store para bumili ng isang boquet ng white and red roses.

Hindi naman ako nagtanong. Si Calix mismo ang sumagot sa tanong sa aking isipan habang binabagtas na uli namin ang daan.

"All right, Bullet... Hindi kita pipilitin kung ayaw mo pang magkuwento. But would you like to listen to my own story?"

Marahan akong tumango.

"Actually, pupuntahan natin ngayon ang kapatid namin ni Felix. Sa kanya ako pumupunta kapag may bumabagabag sa akin. Si Kuya Lex."

Nakita ko na may kalakip na lungkot ang pagngiti. Narinig ko na dati na may kapatid na isa ang kambal pero hindi sila nagkukuwento. Hindi naman ako nagtatanong sa kanila dahil mukhang iniiwasan nila kapag usapang pampamilya.

"Gusto ko siyang dalawin para gumaan ang pakiramdam ko kahit kaunti." Iniliko ni Calix ang sasakyan at pumasok sa isang malaking gate.

Akala ko ay parke ang pinasukan namin. But to my surprise, it was a graveyard.

Tumingin ako sa kanya. He just smiled weakly.

Lumipas pa ang ilang sandali ay ipinarada niya sa tabi ang sasakyan. "Nandito na tayo. Let's walk."

Hindi kalayuan ang nilakad namin. Nabatid kong nakarating na kami sa pupuntahan namin ng maupo sa damuhan si Calix. Pinaspasan niya ang lapida.

"Kuya Lex, nandito uli ako. Kamusta ka na? Patambay uli ako dito ha? May problema kasi ako na gusto kong ikuwento sa iyo pero sa palagay ko ay alam mo na. I know you're watching me from above. Is it okay kung ikukuwento kita sa kaibigan ko?" Lumingon sa akin si Calix. Sinenyasan niya ako na umupo. "Bullet, siya ang kuya ko. Kuya Lex, si Bullet pala."

Pinagmasdan ko ang nakasulat sa lapida habang nagdadasal si Calix. Mahigit anim na taon na pala mula ng mawala sa mundo ang kuya niya.

"Si kuya Lex ang bestfriend namin ni Felix bukod sa pagiging panganay na kapatid sa amin. Siya ang dahilan kaya mahilig kaming manood ng korean drama. Kung kengkoy kami ng kakambal ko, mas kengkoy si kuya. Lahat kasundo niya.

"Akala namin kilalang-kilala na namin siya kasi lahat kinukuwento niya sa amin. Pero mali kami ng akala... Kuya Lex was gay. But we only found out about it after he died. He took his own life due to depression. Sinubukan pala kasi niya na magtapat sa amin. Una niyang sinabi sa papa namin.

"However, our father didn't accept the fact kuya Lex was attracted to men. Pinilit siya ni papa na magbago. Sinabihan na huwag na huwag sasabihin sa iba ang tungkol sa katauhan niya. Sa halip sabi ni papa ay nalilito lamang daw si kuya kaya ipina-therapy niya si kuya.

"Bata pa kami kaya akala namin nagkasakit si kuya. Kahit ang mama namin walang alam. Walang ibang pinagsabihan si kuya. At wala kaming kaide-ideya dahil hindi siya nagbago kapag kasama kami maliban na lamang kapag kasama namin si papa.

"Dahil doon ay nadepress si kuya. At lalo na noong natuklasan ng isang kaibigan niya ang tinatago niya. He fell in love with that person. Subalit pinandirihan siya ng kaibigan niya. Ang matindi ay isinumbong ng kaibigan niya ang tungkol doon sa aming papa. They fought. And things got worse hanggang sa nag-suicide si kuya Lex."

Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko na malungkot ang kengkoy na si Calix. His eyes became teary.

"Kung nalaman lamang namin ni Felix at mama hindi sana humantong ang lahat sa ganoon. Tanggap namin si kuya at tatanggapin namin siya kung nagsabi lamang sana siya sa amin. Ipinagtanggol sana namin siya kay papa... Nang malaman namin ang katotohanan, iyon ang naging dahilan kaya naghiwalay ang mga magulang namin..." Pagkakuwan ay sinikap ni Calix na ngumiti. "Si kuya Lex ang dahilan kaya we love and cheer up for those who break boundaries to be who they want to be. And to be with the one they love. By doing that, we feel na malapit pa rin kami kay kuya kahit wala na siya. Iniisip namin na our support even just a little would help those who feel unloved and having identity crisis. Sa pagsuporta namin sa kanila, lalakas ang loob nila."

Now I was able to fully understand him and his twin brother. Sa kabila ng mga ngiti nila ay may malungkot na alaala silang tinatago.

Pabalik na kami noon sa dormitory at bumalik na din sa pagiging kengkoy si Calix. Ngayon ay mas nakilala ko siya at ang kanyang kakambal.

At dahil doon ay saglit kong nakalimutan ang tungkol kay Uno. Ngunit ngayong pabalik na kami sa dormitory ay nagbalik sa aking isipan ang eksena sa mall na pilit kong kinakalimutan.

"Bullet," pagkakuwan ay sabi ni Calix. "The reason why I told you about my brother is for you to see that running away from a problem is not an answer. Sa palagay ko kasi ay iyon ang bumabagabag sa iyon. Tama ba? Gusto mong tumakbo kanina noong nakita mo si Uno at yung babae."

"Paano mo nalaman?"

Napakamot siya sa ulo. "I'm sorry for being nosy. I'm guilty as charged. Ang totoo kasi niyan ay nasa mall din ako noon. Babatiin ko sana kayo ni Uno. Pero naisip ko huwag na kasi ang sweet nyo nga eh. Hep-hep..."

"Hooray?"

"Hindi yun, baliw!" Nagtawanan kami. "Huwag mo nang itanggi. Kita naman na may something sa inyo eh. And fan nyo ako."

Napayuko ako. "There's nothing between Uno and I."

"Kagaya nga nang kuwento ko kanina. Hindi magandang takbuhan ang problema. Ako rin mismo natuto sa sarili kong kuwento kasi tumakbo din ako sa problema ko ngayong araw na ito."

"Ano ba ang nangyari?"

He opened his mouth to speak. Ngunit bago pa may lumabas na salita sa bibig niya ay muli niya itong itinikom.

"Hey..." protesta ko. "Sabi mo nga huwag takbuhan ang problema."

Tumango siya. "Nasa mall din kasi ako kanina kasi may sasabihin daw si Felix. Nagtataka nga ako kung bakit doon pa. And then... Na-sorpresa ako na kasama ni Felix si Kisha..."

"Siya ba yung naka-date mo n'ong nagpanggap ka bilang si Felix?"

"Yes." Tumango si Calix. "They are together now..."

"Oh, sorry to hear about that," sabi ko.

He shook his head. "Kasalanan ko rin naman eh. Niloko ko si Kisha and I only realized that she's special after we broke up. I guess, I have to face reality now that she's my twin brother's girlfriend."

"Welcome to the club," was all I could say. "Broken hearts' club."

Umiling siya. "Hindi ka kasama d'on."

"Ha?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"You should talk to Uno."

Noon ko lamang namalayan na sa parking area ng building 4 dormitory kami papunta.

"Hey, Calix! Bakit dito tayo pumunta?!"

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon