Bullet's POV
"Hey, Calix! Bakit dito tayo pumunta?!" nag-pa-panic kong tanong.
"Bakit?" Pagma-maang-maangan ni Calix. "Ipaparada ko itong kotse. Kasi isosoli ko sa may-ari."
Nagsalubong ang kilay ko.
"Seryoso... This is Uno's car. Hindi mo ba alam?" umiling ako kaya sumaltik siya habang nakangisi. "Nakow! Bakit hindi mo alam na may kotse ang lovey-dabs mo? Kaya pala nagko-commute lang kaya pagnag-de-date kayo."
Nagkibit balikat ako. Hindi ko talaga alam na may sasakyan si Uno.
"Sasakyan niya ito. Ipinapahiram lang niya sa akin after our deal."
"Anong deal?"
Nahihiyang nagkamot ito sa ulo. "Yung video mala-koreanovela ninyong dramahan sa ulan."
"Shit! Ikaw ang nag-video n'on? 'Yun yung pinagtataka ko kung sino ang nag-video kaya pag naaalala ko sinasabi ko na madapa sana ang taong iyon."
"Buwisit! Kaya pala lagi akong nadadapa," humahalakhak na pahayag niya. "Ikaw pala ang may kagagawan n'on. For the record, hindi ko naman sinsadya na i-video kayo. Napadaan lang ako n'on eh ipam-ba-blackmail ko sana kay Uno yon. Pero tuwang-tuwa pa nga siya sa video kaya lagi ko daw puwedeng hiramin itong kotse."
Nawala ang ngiti ko sa aking labi nang mapalingon ako sa labas ng kotse. Nakatayo sa harapan ng dormitory si Uno.
Tila ba inaasahan na niya ang aking pagdating.
Lumapit kaagad siya at binuksan ang passenger seat. He was smiling.
Pilit ko naman mine-maintain ang seryoso kong mukha.
Isinalo ni Calix ang susi ng kotse kay Uno. "Thanks for letting me borrow your car. Exit muna ako para makapag-usap kayong lovebirds. Bye!"
Wala na akong nagawa at hindi nakahabol kay Calix.
Tinangal ni Uno ang seatbelt at iginiya ako palabas ng sasakyan. "I need you to meet someone."
Napalunok ako. "Gabi na. Bukas na lang—"
"No. You need to meet her," pinal niyang sabi.
Bigla naman akong sinaniban ng matinding kaba. Pakiramdam ko ay end of the world na ng mga sandaling iyon.
Pilit akong kumakawala at halos hilahin niya ako patungo sa loob ng dormitory.
Ngunit kahit kumapit ako sa poste ay wala akong nagawa dahil determinado ang loko na madala ako sa loob.
Nakarating kami sa lobby at nakita ko roon na nakaupo ang babaeng tumawag kay Uno kanina sa mall. Masaya siyang nakikipag-usap sa ilang estudyante na nakatira doon sa dormitory na iyon.
Kinawayan ni Uno ang babae. He's wearing that damn bright smile again.
Gumanti naman ng kaway ang babae. "Hey, Uno, nakakatuwa ang mga ka-dorm mo."
"Fei," malakas ang puwersa ni Uno kaya hindi ako nakawala ng inakbayan niya ako at ang isang kamay ay nakahawak sa isa kong braso. "I'd like you to meet this cool guy, Bullet. Bullet, this is Fei, my sister."
I froze. Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin kay Uno. Pagkakuwan ay lumipat naman sa babeng si Fei.
"Hello, Fei... Uno's sister..." bati ko sa kanya.
Nang muli kong tingnan si Uno ay nakangisi siya at nag-ta-taas-baba ang kilay.
Tama nga ang kasabihan na you should face your problem.
***
Naglalakad ako pabalik sa building 1 ng dormitory kung nasaan ang aking kuwarto.
Parang nabunutan ng isang malaking tinik sa aking dibdib matapos kong makilala si Fei.
Para akong tanga dahil ang pinagseselosan ko ay kapatid pala ni Uno.
Pagkatapos niya akong ipakilala sa kapatid niya ay kumain kami sa labas. Wala akong pagsidlan ng tuwa nang ipakilala niya ako habang naghahapunan kami kanina.
"So, Bullet, what's going on between you and my brother?" tanong ni Fei.
"Aish..." saway ni Uno. "Fei, huwag mong ini-interrogate si Bullet."
"I'm just asking," painosenteng wika ni Fei.
"I don't want to pressure him, sis. But right now and until there's tomorrow, he's the most special person I want to cherish."
Napapadyak ako sa lupa ng maalala ko yun.
"Hey, Mr. Seloso."
Uno never failed to make my heart skip. At ganun ang epekto na hatid niya ng bigla na lamang siyang sumulpot sa tabi ko at inakbayan ako.
"Akala ko ihahatid mo ang kapatid mo?" tanong ko sa kanya.
He held my hand.
"Yup, hinatid ko siya hanggang sa makasakay siya ng taxi. At nandito ako ngayon para ihatid yung selosong tao na kilala ko."
"Seloso? Sino ba yun?" pagmamaang-maangan ko.
He shrugged. "Ewan ko nga eh. Pero kapag nakita mo siya pakisabi na next time magtanong muna siya bago mag-jump into conclusion."
"Ah... Okay..." sabi ko naman.
"And last but not the least, pakisabi na siya lang ang nag-iisang gusto ko."
Napahinto ako sa paglalakad. I was moved with what he said.
He faced me. "Sana yung gusto ko gusto din ako kasi may gusto sa kanya yung isa nyang kaibigan na Choi nga ang pangalan."
Tumalikod na siya at naglakad uli.
"Isa lang ang lalaking gusto ko."
He stopped from walking forward. Umatras siya hanggang sa magkatapat kami. Abot sa magkabilang tainga ang ngiti niya.
"I like you too."
Hindi ko alam kung papaano ko ba ie-explain pero parang tuma-tumbling at nagba-back flip ang aking puso. Gusto ko ngang tumakbo para magtago pero nahawakan kaagad ni Uno ang kamay ko.
He locked me in his arms.
Magkaharap kami. Inches away from each other's faces. At unit-unting lumalapit ang kanyang mukha habang papasara ang kanyang mga mata.
Tumingin ako sa paligid. Walang mga tao. Kami lamang ang nasa daan.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang susunod niyang gagawin.
His lips landed on my forehead.
It was sweet... but I thought his lips would lock somewhere else.
Like lips, suggestion ng isang. Ahagi ng akin utak.
Pero hindi. Hindi dapat ako magmadali. We got all the time.
Tila nahiya din siya sa kanyang ginawa. It was cheesy after all. Parehas kaming natahimik.
Naghiwalay kami pero magkatabing naglalakad.
Pumapaibabaw ang katahimikan sa pagitan namin.
He cleared his throat. "Uhm... Bumagsak pala ako sa subject ko sa Physics kanina, law of gravitation kasi."
"Bakit ka bumagsak?"
"Because I fall for you."
Mahina kong sinuntok ang braso niya. Shit! Parang kinikiliti ang pakiramdam ko.
"Pero okay lang na bumagsak ako. May chemistry naman tayo eh."
"@#%$/@/!!!" napamura ako in a good way. Hinampas ko siya.
"Aray ko! Tinamaan ako, Bullet!" pahayag niya. "Tinamaan ako sa'yo."
Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...
Papatulog na ako nang muli kong maalaala ang pick-up lines ng mokong kaya nagpagulong-gulong ako bigla sa aking kama para mailabas ang kakatwuwang emosyong aking nadarama.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
