Uno's POV
Simula nang mangyari ang insidente sa rooftop, isa lamang ang gusto ko. Gusto ko ding ngitian niya ako ng kagaya ng pagngiti niya kay Choi.
I started playing pranks on Bullet. Umaasa na makukuha ko ang atensyon niya. Kapag may klase ay lalapitan ko siya at bubusisiin.
Kakausapin ko siya kahit ayaw niyang makipag-usap.
"Pahiram ng ballpen," sabi ko sa kanya kahit mayroon akong isang kahot ng ballpen sa bag ko.
"Pahingi ng papel," kahit meron ako.
"Pakopya sa assignment," kahit may assignment na ako.
Kapag sinasabi niya na, "ayaw ko. Bakit kita pakokopyahin? Bakit hindi mo ginawa?"
"Busy ako," ang sagot ko. "Busy ako sa pag-iisip."
Sisimangutan lamang niya ako.
Masaya ako sa pangungulit sa kanya. Minsan ay bigla ko na lamang siyang pipitikin sa tainga, kukuhitin sa likod o kaya ay hihipan ang tainga.
Kapag nasa cafeteria naman ay uupo ako kung saan siya nakaupo. Sa halip na kumain ay papanoodin ko lamang siya habang kumakain nang naiilang.
I enjoyed teasing him.
At isa pa mayroon akong gustong kumpirmahin. I had a hunch that Bullet liked Choi.
Hindi ko alam kung bakit pero interesado akong makumpirma iyon. Kaya naman kapag makikipag-usap si Choi sa kanya ay sasabat ako. O kaya naman ay gagawa ng dahilan para putulin ang usapan nila.
Nakakatuwang pagmasdan kapag naaasar si Bullet. Natutuwa akong pagmasdan siya.
Ngunit mukhang nahahalata iyon ng mokong. Kaya naman lagi na niya akong iniiwasan.
Mautak din siya.
Kung dati ay maaga siyang papasok sa klase ngayon ay sumasabay nasiya sa professors namin para mawalan ako ng oras sa pangungulit ko.
And it's kinda frustrating that I couldn't switch my seat when the class started and he's sitting far from me. Pagkatapos ay mabilis pa sa alas kuwatro kapag umaalis siya pagkatapos ng klase.
Hindi ko na din siya makita sa mga lugar na tinatambayan niya.
Pero dumating ang araw na hindi na siya nakaiwas. Pare-parehas kaming nasa silid aralan noon at hinihintay ang professor namin na mahuhuli daw ng dating.
Nakaupo si Bullet sa may unahan habang ako ay nasa may likuran. Naisipan ko uli siyang kulitin kaya naglamukos ang ng mga papel at binilog iyon ng maliliit at sinimulan siyang batuhin. I was giggling while doing it.
He gave me a warning glare but I just shrugged.
Nagpatuloy ako sa pagbato sa kanya.
Ngunit hindi na marahil siya nakatiis kaya hinampas niya ang desk at nagmartsa patingo sa direksyon ko. Ako man ay nagulat sa mga sumunod na pangyayari nang inambahan niya ako ng suntok.
Eksakto naman dumating ang professor namin kasama si Choi.
To make the story short, I was sent to the dean's office. Pagkatapos niyon ay ipinakausap din ako sa unibersity counselor at inutusan akong humingi ng tawad kay Bullet.
And I was about to do it when I saw him on the side of the building talking with Choi.
Nang matapos ang pag-uusap nila ay nakita ko ang pagbasak ng mga balikat niya. Tila ba nasaktan siya sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
Storie d'amorePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
