CHAPTER 29

995 52 1
                                    

Uno's POV

Bitbit ang bouquet ng rosas habang hinihila ko ang aking maleta ay punung-puno ako ng pag-asa at determinasyon.

Sumakay ako ng escalator patungo sa ikalawang palapag ng mall kung nasaan ang restaurant na binanggit ni Bullet sa text. Mula sa escalator ay tanaw ko na ang restaurant at nakita ko siya sa loob.

He was smiling brightly.

Umusbong din ang ngiti sa aking mga labi dahil sa kanya. It was like he was glowing. At pakiramdam ko ay naglalakad ako patungo sa katuparan ng aking pangarap.

Tila nag-blur lahat ng nasa paligid dahil siya lamang ang aking nakikita habang papalapit ako.

It was like I was walking on the clouds as I was getting closer.

Ngunit napako ang mga paa ko sa sumunod kong nakita. Dumating kasi si Choi na may dala-dalang tatlong long stemmed red roses. Lumapit ito kay Bullet.

They were smiling at each other.

Kita sa mga mukha nila ang kasiyahan habang nag-uusap. Ibiabot ni Choi ang mga rosas na tinanggap naman ni Bullet.

They were talking and laughing like they were the only people on earth.

Suddenly the dream I was walking through became a nightmare. Pakiramdam ko ay sa bubog ko na nakatapak habang gumuguho ang aking mundo.

Nramdaman kong nag-init ang ang aking mga mata. May likidong gumuhit sa aking mga pisngi.

Hindi ko kinaya pang tingnan ang susunod na mangyayari sa pagitan nina Choi at Bullet. Kaya bago pa ako maubos ang natitira kong lakas ay pumihit na ako patalikod at sumakay ng escalator pababa. Nang makakita ako ng basurahan ay walang pagdadalwang isip na itinapon ko ang dala kong boquet.

Diretso akong naglakad papalabas ng mall. Walang ibang nasa isip ko kundi ang makaalis sa lugar na iyon. Gusto kong makatakas para kalimutan lahat.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata.

Malapit sa entrance at exit ng mall ay may puwersang humawak sa aking braso kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Uno..." si Felix iyon. "Ayos ka lang ba? Saan ka pupunta? At saka bakit may dala kang maleta?"

"I'm leaving," matipid kong tugon.

"Aalis ka? Bakit? Naghihintay ang tropa sa restaurant. May ibabalita daw si Choi."

Mariin akong napapikit. Naisip ko kung ano ang sasabihin ni Choi. He would annouce that he confessed to Bullet.

Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko sa pag-iisip pa lamang niyon. Papaano pa kaya kapag narinig ko mismo mula sa bibig nila? Hindi ko kaya iyon.

"Uno, are you okay?" tanong muli ni Felix na hindi pa pala umaalis.

Sinikap kong tumango. "Magiging okay din ako. Kakayanin ko ito. But right now I need some time to collect myself as my heart was shattered in pieces."

"Ano? Anon'ng sinasabi mo? Nag-away ba kayo ni Bullet?"

"No," uniling ako. "I want him to be happy that's why I am setting him free... Ayaw kong malungkot siya."

Sinisikap kong huwag umiyak. Ayaw kong ipakita na mahina ako. I should at least be strong even though I am breaking inside.

"Napapaiyak ka ba?"

Humigit ako ng hininga. "Let me tell what, Felix... How about I give you my sports car? What do you say?"

"Y-yung magandang sports car na pinapahiram mo kay Calix?" Nangningninga ang mga mata niya nang tumango ako. "Whoa! Ibibigay mo sa akin? Sure! Gusto ko!"

"But you have to promise me something."

"Kahit ano. Ano ba yun?"

"Huwag mong sabihin sa kanila na nakita mo ako ha? Ibibigay ko sa iyo ying sports car pagbalik ko at tinupad mo ang usapan natin. Deal?"

"Deal! I promise, bro!" Nasayang sabi niya. Itinaas niya ang hinliliit na daliri. "Pinky swear to seal the deal."

"No need—"

"Aish! Baka hindi ka tumupad eh." Kinuha niya ang kamay ko saka ako pinag-pink swear. "Yan. Ibig sabihin may usapan tayo. My lips are sealed. Hindi ko sasabihin sa kanila."

Tumango ako. "Okay, aalis na ako."

Nang makaalis ako sa mall at sakay na ng taxi patungo sa airport ay muling nagbalik sa aking dibdib ang kirot na aking nadarama.

It was way more painful than my first heart break. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. At hindi ko alam kung kakayanin ko iyon.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Kusang gumalaw ang aking katawan kung saan pupunta, at kung ano ang gagawin.

The next thing I new I was on board going to the States. Tila ba ang bilis ng pagkilos ng nasa paligid ko samantalang ang bagal-bagal ng takbo ng oras ng buhay ko.

The plane landed and my father's personal bodyguard fetch me at the airport. Before I knew it I was already in our home.

Mainit akong sinalubong ng aking mga magulang pati ni Fei. Sinikap kong kumilos ng normal. But my emotion was rebelling against me.

Dumaan ang mga araw ay hindi ako lumalabas ng kuwarto ko. Wala akong ganang makipag-usap. Wala akong ganang lumabas. Hindi ko rin binuksan ang aking SNS accounts. Ini-off ko din ang aking cellphone.

I was just looking into nothing.

Sinisikap kong huwag mag-isip dahil naaalaala ko si Bullet.

Lumalabas lamang ako sa aking kuwarto kapag ipinapatawag ako ng aking mga magulang.

I was like a walking zombie.

My parents tried to talk to me as they were wondering what happened. Fei too. But I didn't talk about it.

Naglalakad ako pabalik na sana sa kuwarto ko ng mapadaan ako sa bar counter. Dumako ang mata ko sa mga hard liquor na nakahilera sa estante.

Hindi na ako namili pa. Kinuha ko lamang ang unang nahawakan ng aking kamay.

Sa lanai ng bahay ako tumambay sa unang pagkakataon magmula ng dumating ako roon. Dahil mataas ang kinatatayuan ng bahay namin ay parang malaking balkonahe na din ang veranda kung saan tanaw ko sa malayo ang kalangitan.

There were stars shining brightly up in the sky.

Sumagi muli si Bullet sa aking isipan. Kasabay niyon ay ang mga alaala na kasama ko siya. Mga pagkakataon na masaya kami. Mga oras na malaya kong naiipadama sa kanya na mahala ko siya.

Uminom ako ng alak.

Masaya na kaya siya ngayon? naisaloob-loob ko. I wish he is. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya siya. Siguro bumalik na siya sa pagtambay sa rooftop—sumasayaw at kumakanta doon.

Natawa ako sa naisip ko habang. Aglalato sa aking isipan noong pinapanood ko siya dati sa rooftop.

"A penny for your thought, son."

Kung hindi pa nagsalita ang papa ko ay hindi ko mamalayan ang presensya niya. May bitbit din siyang bote ng alak. Naupo siya sa tabi ko. Itinaas niya ang hawak niyang bote at iniumpog ng bahagya sa hawak kong bote bago siya uminom.

"Care to share what's bothering you, anak? Handa akong makinig," sabi niya sa akin.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon