CHAPTER 14.5

1.5K 61 1
                                        

[Chapter Epilogue]

Calix's POV

Hindi ako mapalagay. Kanina pa ako pabaling-baling ng higa. Bangon-higa ang ginawa ko. Sinapo ko ang sumasakit kong tuhod.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nadapa ako kanina paglabas ko ng banyo pagkatapos kong umihi.

Hindi tuloy ako makatulog.

Naasar na bumango ako sa aking higaan. Binuksan ko ang mini-refrigerator ko subalit walang laman iyon.

Tinampal ko ang aking noo. Nakalimutan ko nga palang bumili ng mga bottled drinks kaninang umaga. Wala tuloy akong magagamit na pang-compress sa sa masakit kong tuhod.

Nagbakasakali ako sa pantry ng dormitory sa ground floor. Baka doon meron. Kaya naman lumabas ako ng kuwarto.

Malapit na ako sa ground floor ng mapapitlag ako. Akala ko kasi kung sinong nakasalubong ko. Akala ko multo. Si Uno lang pala.

Subalit hindi niya ako pinansin dahil diretso lamang siya paglalakad.

Napailing na lamang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating ako sa pantry ay binuksan ko ang refrigirator at kinuha ang isang bottled drink na nasa freezer. Inilapat ko kaagad iyon sa nasaktan kong tuhod.

Kumalam bigla ang aking sikmura. Ang dami kasing laman ng refrigerator eh. May cake, pansit, spaghetti at kung anu-ano pa. Kulang na lang lobo para tuloy birthday party na.

Tumingin ako sa paligid ng pantry. Sa kaliwa. Sa kanan. Sa likod ko. At sa kisame dahil baka may CCTV. Ngumisi ako dahil walang ibang tao at walang makakakita sa gagawin ko.

Pasayaw-sayaw pa ako habang nilalantakan ang mga pagkain. Kahit hindi ko birthday ay kumanta ako ng birthday song para masaya.

Heaven ang feeling ko dahil busog ako. Tinapik-tapik ko pa ang aking tiyan. Buti na lang kahit marami ang nakain ko may six-pack abs pa ako.

Out of the blue, I remembered Uno.

"Saan kaya 'yun pupunta? Nasa building 4 ng dormitory and kuwarto niya ah," tanong ko sa aking sarili. Napasinghap ako tapos ay umusbong ang ngisi sa aking labi. "Pupuntahan n'on ang lovey-dabs niya na si Bullet."

Masaya ako para sa kanila. Kita naman na in-lababo ang dalawa sa isa't-isa. Naalala ko tuloy noong kinuhanan ko sila ng video.

Papauwi na ako noon sa dormitory. Ang lakas pa naman mg ulan noon. Buti na lamang at may dala akong malaking payong.

Pero hindi pa rin okay kasi nababasa pa din ako. Mas okay kung may wheels.

Gusto ko katulad ng sasakyan ni Uno. Kaso yung sasakyan niya halos tumira na sa parking area kasi hindi ginagamit. Gusto ko ngang hiramin kaso hindi naman kami close. Kung sana close sina Bullet at Uno mahihiram ko yung sasakyan kasi ka-tropa na naman namin nina Rei, Felix at Choi si Bullet.

Malayo-layo pa ako sa dormitory. Buti na lang water-reistant yung cellphone ko kaya kahit basa na ako ay kaya pa.

Nasa eco-park na ako ng makita ko si Uno. Basang-basa sa ulan. Nakatayo lang at hindi nagpapatinag sa buhos ng ulan.

Ano kayang trip n'on? tanong ko sa aking sarili.

Maya-maya pa ay nakita ko si Bullet na tumatakbo papalapit kay Uno mula sa kabilang direksyon.

"Uy, parang eksena sa K-drama 'to ah." Nagkubli ako sa may puno.

May naisip akong ideya kaya inilabas ko ang aking cellphone. Ni-record ko ang eksena.

"Bakit ka nagpapakabasa sa ulan? Paano kung hindi ako dumating? Hindi ka ba nag-iisip?" sunod-sunod na tanong ni Bullet. "You're crazy, Uno."

"I know," madamdaming saad naman ni Uno. "Gusto lamang kitang maka-usap. I just wanted to say that even though it's impossible that you'll like me back, I understand..."

Dinaig pa ng dalawa ang eksena sa mga Korean Drama. Pati ako ay nadadala sa eksena nila. Napapasipa tuloy ako sa pinagkukublihan kong puno. Kinikilig ako.

Oo na, aminado ako. Nanonood ako ng Korean drama dahil sa kapatid namin ni Felix. At nadadala ako sa kuwento ng mga iyon. At isa pa fan din kami ni kambal ng Yaoi dahil naniniwala kami na lahat ay pantay-pantay pagdating sa pagmamahal.

Kaya naman hindi na ako nagtataka na nadadala ako sa eksena nina Bullet at Uno. The feels!

"Uno, don't leave. Stay... Stay with me."

Hanggang sa pag-alis ng dalawa ng magkahawak kamay ay kinuhanan ko ng video. Tinatahak nila ang daan patungo sa dormitory.

Unti-unti na ding huminto ang ulan. Nagliwanag ang kalangitan. The stars stared to show from the evening sky.

"Whoa!" was all I could say when I stopped filming.

Ginamit ko ang video na iyon para makipag-deal kay Uno. Ang video kapalit ng pagpapahiram niya sa aking ng kanyang sasakyan.

And I was so glad he agreed.

Kaya okay lang kahit sumasakit pa rin ang tuhod ko. Magagamit ko naman ang sasakyan ni Uno bukas pagpunta ko sa mall pagkatapos ng mga klase ko.

Humikab ako. Dinadalaw na uli ako ng antok. Tumayo na ako at nagpasyang bumalik sa aking kuwarto.

Ngunit bago ako mkrating sa aking higaan ay nadapa na naman ako.

"Shit naman! Bakit ba palagi na lang akong nadadapa?"

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon