[Chapter Epilogue]
Calix's POV
Disi-oras na ng gabi ng magising ako. Ang sakit ng puson ko. Naiihi ako.
I was half-asleep went out of bed.
Para akong lasing dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ni hindi ko nga maimulat ng maayos ang mga mata ko. Inaantok talaga ako.
Paglakad ko pa-deretso naupog ako sa pader. Lumiko ako sa kanan sublit bago pa man ako makahakbang ay napatama na ang tuhod ko sa side table.
"Aray!" hiyaw ko dahil tuhod ko ang nadali.
Subalit kahit masakit mas nangingibabaw pa din ang pangtatalo ng antok at pagsakit ng puson ko dahil naiihi ako.
Pumihit ako pakaliwa. Pader iyon. Pumihit uli ako ng isa pa pakaliwa. Napangiti ako nang hindi na ako nabunggo.
Tamad na tamad akong imulat ang aking mga mata kaya nangapa na lang ako. Sa wakas ay nakapa ko din ang door knob.
Napangitibako ng hindi nagmumulat ang mga mata. Ang galing ko talaga, sabi ko sa sarili ko. The best!
Pero bakit parang lumaki ang banyo ko? Hindi ko makapa ang lavatory.
Lakad. Lakad. Lakad.
Nananaginip pa yata ako. Hindi ko marating ang puwesto ng toilet para makaihi na ako.
Hindi ba maliit lang ang banyo sa kuwarto ko?
Tinampal-tampal ko noo ko.
"Gising, Calix. Gising!" sabi ko sa sarili ko.
Itinukod ko ang noo ko sa pader. Gamit ang daliri ko ay pilit kong ibiubukas ang talukap ng aking mga mata.
"Gising!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa aking pisngi. "Aray!"
Letse! Ang lakas ng sampal ko kaya nagising ako. Paglingon ko sa paligid ay noon ko lamang namasdan kung nasaan ako. Nasa labas na pala ako ng kuwarto ko at naglalakad sa hallway ng dormitory.
"Teka," pagkakuwan ay sabi ko sa sarili ko. "Nasaang floor na ba ako nakarating?"
Kaya pala lakad ako ng lakad. Akala ko ay ang laki ng banyo ko. Tapos may paakyat at baba pa ako sa hagdan.
Nyemas! Nasa second floor na pala ako eh nasa first floor ang kuwarto ko.
Kakamot-kamot ako sa ulong naglakad sa hallway patungo sa hagdan.
Baba na sana ako ng makita ko si Bullet. May dala itong maliit na package habang iika-ika sa paglalakad at mukhang aakyat sa hagdan.
Pero papaano siya aakyat eh may pilay ang paa niya tapos may pilay din ang braso niya?
Nangangalahati na siya ng ma-out of balance. Nabigla din ako sa bilis ng pangyayari.
I was shocked. Hindi lang dahil sa nangyari kundi sa sumunod na eksena. Sa halip na tuluyang mahulog sa semento siya bumagsak ay may maagap na sumalo dito.
Napanganga ako. Para akong nanonood ng pelikula habang nasa bisig si Bullet ni Uno.
Kulang na lang ay backgroud music.
May dialogue pa sila pero hindi ko maintindihan dahil medyo malayo ang pinagkublihan ko.
I really couldn't hide my surprise to what happened next. Muling binuhat ni Uno si Bullet at umakyat sa hagdanan.
Napasandal ako sa pader sa madilim na bahagi para hindi nila ako makita. Sinasabi ko na nga ba eh.
"Hindi totoo ang sinasabi ni Choi," bulong ko saka humagikgik. "Nagseselos lang ang mokong kaya sabi niya may girlfriend si Uno. Shit! Bullet-Uno love team is real."
Nakalimutan ko na tuloy ang pag-ihi ko. Kaagad akong nagtungo sa tapat ng kuwarto ng aking kakambal na si Felix para ihatid ang balita.
"Sino ka ba? Gabing-gabi na nang-iistorbo ka pa," iyon ang bungad ni Felix sa akin pagkabukas ng pintuan ng kuwarto niya habang humihikab.
"Ako 'to, bro."
"Aish! Naligaw ka na naman ano? Magsi-cr ka siguro pero dahil ang tamad mong magmulat ng mata sa labas na naman ng kuwarto mo ikaw napadpad."
"Aish," saway ko. "Hindi na iyon mahalaga. May fresh scoop akong nakita."
"Lintik ka! Baka tungkol na naman sa bagong porn site yang sinasabi mo. Hindi ako interesado." Isasara na sana nito ang pinto.
Maagap ko naman siyang pinigilan. "Gago. Hindi yon. Mas importante pa d'on."
"Ano naman 'yun?"
"Bullet-Uno is real!"
Biglang nagmulat ng mata si Felix.
"Totoo nakita ko sila kanina."
"Kuwento mo na."
"Wait, gisingin din natin si Rei para masaya ang kuwentuhan."
"Eh si Choi?"
"Eh di na-heartbroken yun pag nalaman nun."
Tumango ang kakambal ko. "Okay, gisingin na natin si Rei. Saka magkasama pa ba sina Bullet at Uno?"
Ngumisi ako ng malaki saka tumango. Nag-apir kami ng aking kakambal.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
