CHAPTER 38

1.4K 49 6
                                        

Bullet's POV

"Wala ng epekto," nakangiti niyang pahayag. "As I see Uno now, wala nang epekto sa kanya ang gayumang ininom niya."

I was happy and shocked at the same time. Hindi ko na napigilang ngumiti at makahinga ng maluwag. So does that mean, what he feel is genuine?

"Pero papaano po nangyari iyon?" tanong ko.

"Ah..." tumango-tango siya. "Wala kang ideya na nawalan na ng bisa ang gayuma kaya nandito kayo ngayon... Now, I understand. Hindi ba sabi ko sa iyo na dalawa lang ang pedeng mangyari? Kapag hinalikan ninyo ang isa't-isa, magiging permanente ang epekto ng gayuma... But if you sleep with him, mawawalan naman ng bisa iyon. Tama?"

I nodded, waiting for her next words.

"Nawalan ng epekto ang sumpa because you slept with him..." pahayag niya.

Nanlaki ang mga mata ko. I slept with him? With Uno? Kailan? Hindi ko matandaan.

Napasulyap ako kay Uno na nagtataka din.

Umiling siya aka tinakpan ang katawan. "We slept together? Pinagsamantalahan mo ako? Panagutan mo ako."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi ah!"

"Anong 'hindi'?" Balik tanong niya sa akin. "Hindi mo ginawa o hindi mo matandaan?"

"W-wala akong maalaala," sagot ko.

"Was it when I was drunk?" pabulong na tanong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap. "Wala man lang akong kaalam-alam na pinahsamantalahan mo ang macho kong katawan."

"Gago, hindi ah!" mariin kong pag-tanggi. "Mas mukhang ikaw pa nga ang mananamantala sa akin."

Iiling-iling naman si Uno na tumingin sa kawalan. "Paano na ang kinabukasan ko?"

Binatukan ko siya. "Magtigil ka, Uno." Bumaling ang atensyon ko sa shaman. "Madam Cola, linawin po ninyo bago maniwala itong mokong na ito. Hindi ko siya pinagsamantalahan."

Humalakhak si Madam Cola. "Oh, boys! You and your dirty thoughts," umiling siya saka muling tumawa. "masyadong literal ang utak ninyo tungkol sa sinabi ko."

Sumagi tuloy sa isip ko noong sinabi sa aking ni Madam Cola ang solusyon para mawalan ng bisa ang gayuma.

"Lastly, Bullet, if you want to have a permanent effect,let him kiss you... But if you want to let him go... sleep with him."

"Sleep with him?"

"Yes, with physical contact."

Malinaw naman ang sinabi niya sa akin noon. And I didn't sleep with Uno.

I swear! naisaloob-loob ko.

Bumira naman ang mapanuksong tinig sa aking utak. Yes, you haven't... Not yet, at least.

Pagkalipas ng ilang sandali ay tumikhim ang shaman bago muling nagsalita. "Let me answer your questions... Kagaya ng sabi ko to break the potion's effect, you have to sleep with him... with physical contact. At ginawa ninyo iyon. You slept with him, Bullet..."

Muli akong tiningnan ni Uno at para bang sinasabi ng mukha niya na, "o kita mo na? Ginawa mo nga."

Ginulatan ko naman siya oara magtigil.

"...bago ka pa man halikan ni Uno." Bumaling ang shaman sa tinutukoy. "Yes, hijo, I can read your mind. At kanina pa paulit-ulit ang eksenang iyon sa isip mo. You can't stop thinking the kiss you shared with Bullet."

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon