CHAPTER 30.5

1K 50 0
                                        

[Chapter Epilogue]

Fei's POV

"Anak," tawag sa akin ni mama habang naghuhugas kami ng pinggan. It was our bonding moment. "Sa palagay mo, nag-uusap na ang papa mo at si Uno?"

"Sana po nag-uusap na sila."

"Sana nga. Mag-iisang linggo na ang kapatid mo dito pero parang ang layo-layo pa rin niya." She sighed. "Ano ba kasi ang problema ng kapatid mo?"

"Hindi ko kasi puwedeng sabihin, mama," pagtanggi ko. "Wala ako sa posisyon para sabihin ang bagay na dapat si Uno mismo ang magsasabi."

Tumangu-tango naman siya.

Kahit noong hindi pa ako nagtatrabaho bilang travel blogger ay pabirito naming bonding moment ang mga gawain sa kusina ni Mama. Nagluluto kami, nagbe-bake, at hinuhugasan ang mga ginamit naming kitchen utensils.

I felt like I was really her own daughter. Hindi niya ako tinuring na iba. At ramdam ko ang pagmamahal niya bilang isang ina sa akin.

Noong una akong tumuntong sa bahay na ito akala ko ay magiging mala-Cinderella ang buhay ko dito. Akala ko ay maghihirao ako. But life had many surprises. At sobrang saya ko na kabaligtaran ang nangyari sa akin dahil gumanda ang buhay ko kasama sila.

Kaya naman ngayong may pinagdadaanan ang aking kapatid ay gusto kong makatulong. Makabawi man lamang sa pagmamahal na ibinibigay nila sa akin bilang parte ng pamilyang iyon.

And I wanted to help my brother, Uno. Mag-iisang linggo na nga siya magmula ng umuwi subalit para lamang siyang multo sa bahay na nararamdaman ang presensya pero hindi nakakausap.

I guessed he couldn't find the right timing to open up. Hindi naman maganda kung papangunahan ko siya at ako ang magsasalita on his behalf. That's why the best help I could offer as of the moment was to indirectly nudged our father to speak with him. Baka sakaling iyon ang maging daan para mag-open up ang kapagid ko.

Nahihirapan din kasi ako na nakikita siyang malungkot.

"O, mama, huwag ka ng malungkot. Sasabihin din naman ni Uno ang problema niya eh."

"Alam ko naman iyon... Ang ikinalulungkot ko lang kasi ay naalala ko na naman yung pinanood kong pelikula kanina," paliwanag ni mama sa akin. "Ang ganda kasi eh. Kaso tragic yung ending. Hindi sila nagkatuluyan."

Napangiti ako. Naalala ko na mahilig nga pala na mag-movie marathon si mama.

"Ano naman yung pinanood mo, mama?"

"Brokeback Mountain."

Napahinto ako sa pagpupunas ng pinggan. Tumingin ako sa kanya.

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "What? Ang ganda kaya nung movie at saka love is love. It has no gender and no boundaries."

Nagliwanag ang mukha ko. "I'm just glad you have a positive view about LGBT."

"Oo naman, anak. I do. Period. They deserve happiness too as they are also human beings."

Na-excite akong bigla. Inilapag ko ang pinupunasan kong pinggan. "Mama, halika. Dali..."

Hinila ko siya sa may pintuan sa lanai kung saan kasalukuyang nag-uusap si Uno at si Papa.

"Teka, Fei, nag-uusap ang papa mo saka kapatid mo."

"Shhh... Huwag kang maingay, mama. Basta makinig ka lang."

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon