CHAPTER 1.5

4K 129 3
                                        

[Chapter Epilogue]

Library (30 minutes before the first rooftop incident occured)

Rei's POV

"Ang guwapo niya, girl!"

"As in!"

"Kung siya ang Ice Prince, ako naman ang Ice Princess."

Sa makabagong panahon ngayon, marami na ang mga out and proud. Lalo n ang mga girly type o mga lady boy na mga gay. At kagaya sa ibang lugar present din sila sa Nam College.

Nakapangalumbaba ako habang minamasdan at pinapankinggan ang usapan nila sa kabilang lamesa.

Ako ng pala si Rei. Kasama ko doon sa library ang mga kaibigan kong sina Calix, Felix at Choi. Naroon kami para gumawa ng aing research paper n malapit na ang due date.

Ngunit wala ang focus ko sa paggawa niyon.

Napapitlag ako ng hawakan ni Choi ang aking noo at minasahe iyon. "Bakit ba sambakol ang mukha mo dyan?"

Tinampal ko naman ang mga kamay niya para suwayin.

"Eh paanong hindi 'yan magkakaganyan," ani Calix. "Tingnan mo 'yun o."

Batid ko ang direksyong itinuro niya na kasalukuyan kong tinitingnan.

"Ah, 'yung dating fans ni Rei lumipat na sa mas guwapo," tatawa-tawang komento ni Felix. Nakipag-apir pa ito sa kakambal nitong si Felix. "Nabuwag na pala ang fans club mo, Rei. Sabi na walang forever kasi yung Rei Forever Fans Club mo naging Uno Forever Fans Club na."

Natatawang umiling si Choi kaya sinuntok ko ng mahina ang braso niya.

"Hayaan mo na. Fan mo pa rin naman ako, papa Rei," umarteng bading si Choi. "Rei Forever! Char!"

Humagalpak ng tawa ang kambal. Ako naman ay napangiwi.

"Shit! Hindi bagay, Choi," sabi ni Calix.

Tumangu-tango naman ako. "Sa laki ng boses mo para kang kinakatay sa pagkulot-kulot mo sa boses mo. Walang maniniwala na bading ka."

"Same here," sabad ni Felix. "But on the contrary, papasa ding bading si Choi basta si Bullet ang magiging boyfriend." Nagtaas-baba ang kilay nito habang nakangising-aso. "Di ba?"

Nag-iwas naman ng tingin si Choi.

Binatukan ko si Felix pati si Calix na sumakay sa panunudyo ng kakambal nito. "Kayo talaga. Pati si Choi pinag-iisipan nyo."

"Joke lang naman eh," depensa ng kambal. "Pero malay din natin totoo."

"May girlfriend yan. Di ba, Choi?" Bahagya akong bumaling sa kanya pero hindi na hinintay ang sagot niya dahil sigurado namn ako. "Kaya huwag ninyong niloloko yan."

Umiling naman ang kambal.

"Bakit hindi gumagawa ng research paper si Bullet, Choi?" tanong ni Felix. "Malapit na ang due date nito, ah."

"Tapos na yon," sagot ni Choi nang hindi inaalis ang mga mata sa binubuklat na libro. "Last week pa niya nagawa ang reserch paper."

Nag-fist bump ang kambal sabay sabing, "confirmed!"

Ako naman ay napanganga sa narinig ko. Hindi ko alam iyon. At hindi ko alam na updated siya sa mailap na si Bullet.

"Eh nasaan si Bullet ngayon?" Pahabol na tanong ni Calix.

"Nasa rooftop."

"Whoa!" was the only word I could murmur right at that very moment. "Bakit alam mo lahat tungkol kay Bullet?"

Hindi naman tumugon si Choi. Sa halip sinabi niya sa akin na, "tapusin mo na yang research paper mo para magkaroon ka uli ng fans dahil talo ka na pagdating sa kaguwapuhan. Idaan mo na lang sa talino."

Iiling-iling na lamang akong ibinalik ang aking atensyon sa mga dati kong tagahanga. They were now feeling down.

"Umalis na si Uno..."

"Saan kaya pupunta 'yon at biglang tumakbo?"

Awtomatiko akong napatingin sa pintuan ng library kung saan papalabas habang tumatakbo ang pinag-uusapan ng mga dati kong tagahanga.

Patakbo din ito paakyat ng second floor.

Saan kaya pupunta 'yun? tanong ko sa aking sarili. But then I shook my head to clear my mind. Ibabalik ko na lang ang atensyon ko sa paggawa ng research paper.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon