CHAPTER 23

1.2K 58 0
                                        

Bullet's POV

"Bullet, I'm gonna sleep here...with you."

Déjà vu.

Iyon ang tawag sa nangyayari. Kagaya ng dati ay hindi pumapayag si Uno na hindi niya ako ihahatid sa aking kuwarto basta may pagkakataon. But it was only the second time he said once again those words.

Napalunok ako.

Nakahawak siya sa pintuan para hindi ko iyon maisara. I was hoping that just like before he was just kidding.

Mabilis na sumagi sa aking isip ang eksena noong unang beses niyang ginawa iyon.

I was about to close the door of my room when it was stopped by a strong force.

Si Uno hinwakan ang pintuan bago ko pa maisara iyon. Pagkatapos ay pumasok siya sa loob. Wala naman akong nagawa.

"I'm gonna sleep here... with you."

I swallowed.

His face was serious.

At nagsisimula na akong makaramdam ng pagkabog sa aking dibdib. Siya? Dito matutulog?

And I was about to believe that it was for real when his face broke a smile.

"Joke!" Tumawa siya.

Niloloko lang niya ako!

"Damn it, Uno!"

"You should have seen your face," pahayag niya habang tumatawa. "Kabadong-kabado ka."

"Kasalanan mo kaya ako kinakabahan."

"On the contrary, you're about to give in kung hindi lang ako tumawa, right?"

"Tsk! Asa ka." Itinago ko sa pagsimangot na totoo ang kanyang sinasabi.

Nagkibit-balikat siya. "Now who's having dirty thoughts? Hay, Bullet, nakakatuwa kang asarin. But no worries, I won't sleep here... unless you want me to— Aray! Ang sakit! Ang sadista mo."

Ang tinutukoy niya ay ang pagsuntok ko sa braso niya.

"You deserve it."

"Why?" nakangisi siya habang nagtataas-baba ang kilay. "Dahil inasar kita o dahil hindi ako dito tutulog?

However, unlike before, his seriousness didn't break down into a smile. Hindi siya nagbitaw ng nakakatuwang linya. He wasn't teasing.

Dumiretso lang siya sa loob ng kuwarto ko at umupo sa gilid ng kama. He was intently looking at me.

"I'm gonna sleep here with you," pag-uulit niya sa kanyang sinabi.

"Sigurado ka ba?"

He nodded. "Wala akong susi ng kuwarto ko. Nalaglag yata."

Doon ko napansin ang namumungay na niyang mga mata.

Marahan na lamang akong tumango.

He was already drunk. And the alcohol already consumed him.

Tumingin ako sa orasan. Lagpas hatinggabi na. At kung sasabihan ko pa siya na bumalik na lang sa kanyang kuwarto sa building 4 dormitory ay baka hindi na siya makarating doon dahil sa kalasingan.

And his decision to sleep in my room seemed to be final based on his seriousness.

Hindi na din praktikal na paalisin ko pa siya sa ganoong estado at baka makatulog lamang siya sa daan.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon