Calix's POV
Hapon na at tapos na ang mga klase ko para sa araw na iyon.
Nasa lobby kami ng dormitory.
Kumakalam na ang aking sikmura dahil sa gutom subalit tinatamad akong kumain. Hindi dahil sa wala akong gana. Ang magaling ko kasing kakambal na si Felix pinaulanan ako ng mag-asawang suntok tapos isang upper cut. Nahihirapan tuloy ako sa sakit ng aking panga.
Wala naman akong magawa. Kasalanan ko din kasi. Ayon sa kanya ay ibinigay lang ng kakambal ko kung ano ang natanggap niya mula kay Kisha.
Nag-date kami ni Kisha for a couple of months. Pero naghiwalay na kami. Kaya lamang may nakalimutan akong detalye na hindi ko naitama noong huli kaming magkita. Nag-panggap kasi ako bilang si Felix habang ka-date ko siya dahil may ibang babae din akong inilalabas noon.
Ang siste eh natuklasan ni Kisha na may iba akong inilalabas na babae habang kami pa kaya nag-hurumentado siya. Dahil nga hindi ko naitama ang impormasyon tungkol sa katauhan ko sa kanya, ang kakambal ko ang nasampolan nito. Eh magaling pa naman sa self-defense ito.
Ngayon para maging patas ipinasa sa akin ni Felix ang sakit na pisikal na naranasan niya sa kamay ng babae.
"Aray! Aray ko, kambal! Masakit, Felix!"
Binatukan ako ng aking kakambal. "O etong batok ko sayo ang masakit. Baliw ka, hindi pa nga lumalapat itong yelo sa pasa mo umaaray ka na agad."
"Eh sakit kasi ng suntok mo," reklamo ko. "Aray!"
Idinuldol niya sa pasa ko sa panga ang yelo. "Ngayon ko pa lang ididikit. Ngayon ka umaray hindi yung malapit pa lang itong yelo nagrereklamo ka na."
"Aish!"
"At saka huwag ka ng magreklamo. Mas masakit ang ginawang suntok sa akin ni Kisha," sumaltik si Felix. "Aish! Pati ego ko bilang lalaki natapakan niya. Babae ba talaga yun, kambal? Tingnan mo o"—itinuro niya ang sariling oasa sa mukha—"mas malala pa kaysa suntok ko sa iyo."
Napakamot naman ako sa ulo. "Ah... Eh, black belter kasi yun."
"Isa pa! Bakit pangalan ko ang ginamit mo?" Idinuldol niya uli ang yelo. "You used my identity to date that girl. And I suffered the consequences because of that!"
"Sorry, kambal," paghingi ko ng paumanhin.
"Ay naku! One of these days makakabawi din ako sa iyo."
"Pero, Felix, paano mo nalaman na nasa library ako? Akala ko kasi hindi mo ako mahahanap doon," tanong ko sabay napakamot sa ulo.
"Ah," nag-isip siya. "Nakita ka daw kasi doon ni Bullet. I helped him with something pagkatapos sinabi niya sa akin kung nasaan ka."
Natampal ko ang aking noo.
"Eh ano namang tulong ang ibinigay mo?"
"Ah," umayos siya ng upo bago excited na nagkuwento. "May hinahanap siyang tao. May ipapagawa daw siya. Mukha ngang exciting ang gagawin niya eh."
"Ha? Ano ang exciting d'on at saka ano ba ang gagawin niya?"
"May papatayin daw siya. Sarili niya. Maglalaklak," pahayag ni Felix saka tumawa na parang kontrabida.
"Gago!" binatukan ko ang aking kakambal. "Puro ka kalokohan."
"Basta sabi niya kailangan daw niyang inumin iyon para wakasan ang kanyang paghihirap... Hey, Uno!" May kinawayan siya sa may likuran ko.
Pagtalikod ko ay nakita kong nakasandal sa oader si Uno hababg nagbabasa ng libro. Binati ko rin siya. Subalit dahil kilala siya bilang Ice Prince kaya deadma lang kami dito.
Maya-maya pa ay umalis na ito.
Nagkibit-balikat na lamang kami. Muli kong tinanong ang aking kakambal. "Seryoso ka? Iinom ng lason si Bullet?"
Nakangising umiling si Felix. "Hindi ah. Joke lang iyon. Shaman talaga ang hinahanap niya. Gusto lang daw niyang patayin yung feelings a nararamdaman niya."
Nakahinga ako ng maluwag. "Akala ko seryosong lason eh... Papataying feelings? Para kanino?"
"I don't know... Pero malay natin ito na ang hinihintay natin, kambal," nag-taas-baba ang kilay niya.
"Do you think what I think?"
Tumango si Felix. Nag-apir kami.
Ito na marahil ang hinihintay namin na maganap dito sa Nam College.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomansPumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
