CHAPTER 17

1.5K 66 0
                                        

Bullet's POV

Kanina pa gustong hawakan ni Uno ang kamay ko. Sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko ay mabilis ko naman iyong ilalayo. Kapag nahawakan niya ay aalisin ko.

Ganoon kami kanina pa. Kapag aakbayan niya ako ay iiwas kaagad ako.

Gusto niya ay magkasabay kaming maglalakad at magkatabi. Pero ang gagawin ko uunahan ko siya sa paglakad o kaya naman ay magpapahuli ako.

Kaya sa mga sandaling iyon ay sambakol na ang mukha niya.

Nagtatampo na ang mokong.

Hindi naman sa ayaw ko ang mga ginagawa niya. Kaya lamang... marami kasing tao. Baka may makakita sa amin.

Nasa mall kasi kami. Nagpasama siya pagbili ng mga comic books para ipalit sa mga nawala sa pangangalaga niya. Kasalanan ko iyon.

Noon kasing nasa kuwarto niya ako sa dormitory ay nakita ko ang koleksyon ng mga comic books na yaoi ang tema.

Sabi niya hindi daw iyon sa kanya. Hindi naman kaagad ako naniwala. Kaya may pumasok na kalokohan sa akin at isinilid ko ang ilan sa mga comic books sa bag niya.

Sabi ko sa sarili ko ay ganti ko na lamang iyon sa kanya kapag pinag-ti-tripan niya ako.

Hindi niya alam iyon.

Kaya naman nagulat na lamang siya ng tanungin siya ng isa sa mga kaeskuwela namin na nagbukas ng bag ni Uno nang humiram ng libro.

Uno was caught off guard. Everyone's looking at him waiting for his answer.

But he was witty and found a way out. Dahil bago pa ang mga libro sinabi niya na ipangreregalo niya iyon bilang token of appreciation sa isa naming ka-eskuwela na tumulong sa paggawa ng research paper.

Bumaling tuloy ang atensyon nila sa akin. I swallowed. Hindi ko inaasahan iyon.

Nakita ko na pinagmamasdan ng ka-eskuwela namin ang yaoi book na hawak niya.

The other students were like asking questions through the way they look at me. Meanwhile, I saw from the corner of my eyes, Uno was giggling.

Naikuyom ko tuloy ang mga kamao ko.

There were already rumors about me and Uno. But I stayed mum about it. Hindi naman sa itinatanggi ko kung ano ang mayroon sa amin. But it wasn't my reponsibility to explain thing, right?

Sa huli, si Uno din ang bumawi sa mga sinabi niya. He said it wasn't his property. He reasoned that maybe someone was just playing prank.

Hindi ko alam kung naniwala ba ang mga ka-eskuwela namin o hindi.

But to shut down their doubts, he trashed the comics in the bin.

Kaya heto kami ngayon sa mall para bumili ng kapalit sa comic books na iyon.

"Bakit kasi inilagay mo sa bag ko iyon? I already said I was just taking care of it on behalf of the owner," mahinahon niyang saad habang nasa bookstore kami. "Wala tuloy tayong makitang kaparehas na kopya."

"Hindi mo na lang kasi sana tinapon yung comic books."

"If I didn't do that, it would've mean that there's something going on between us. Di ba ayaw mong may makaalam?" makahulugan ang mga sinabi niya. "Ayaw mo ngang magpahawak ng kamay o magpa-akbay. It's like you're embarrassed when you're with me."

Umiling ako. "Hindi naman sa ganoon... Uno, saglit."

Iniwan lang niya ako. Mabilis siyang naglakad papalabas ng bookstore.

Nakonsensiya ako dahil doon. Mas naging malinaw ang pinaghuhugutan niya ng pagtatampo.

Everytime he tried to hold my hand or put his arm on my shoulder, I distanced myself away. I was having fear that someone might see us.

Hindi ako handa na makarinig ng mga hindi magagandang salita.

"Uno, hintayin mo ako." Sinubukan kong sabayan siya sa paglalakad.

Tila nakakarma ako. Kapag sinasabayan ko siya sa paglalakad ay kung hindi niya bibilisan ang paghakbang ay babagalan niya.

Sinubukan kong hawakan ang braso niya subalit mabilis siyang umiwas. I tried to hold his shoulder but he pushed me away.

He was mad.

And I was hurt.

But I was realizing how he felt before. And masakit nga pala talaga ang ginawa ko.

Napabuntong hininga ako. Ngayon ay nauunawaan ko na siya.

Sa halip na sabayan siya sa paglalakad ay mahinahon akong sumunod na lamang sa kanya. I was one to two steps behind as I followed him.

Hindi ko alintana kahit sinasadya niya na pasunurin lamang ako. Kahit naikot na namin ang buong mall ay ayos lamang sa akin.

Tumigil siya sa paglakad nang nasa labas na kami.

Huminto din ako.

Humarap siya sa akin. "Susundan mo na lang ba ako? Aren't you gonna try to make up with me?"

"Pinahuhupa ko lang ang galit mo. Alam kong galit ka pa eh," mahinahon kong sabi. And I felt guilty that's why I couldn't look at him straight in the eye. "I'm sorry."

"Sorry for what?"

"That I'm a jerk."

Tumango siya saka humakbang ng isa palapit sa akin.

"I'm selfish kasi sarili ko lang ang iniisip ko. I didn't consider how you'd feel."

He took another step forward. He's now only one step closer to me. Hinawakan niya ang baba ko para iangat at magtama ang aming mga mata.

"I'm sorry din." He sighed. "Mismong ako ay selfish din. Hindi ko din naisip na hindi ka pa handa. We're both new about what we have. Hindi rin ako nag-iisip na may mga taong hindi makakaunawa kapag nakita nilang magkahawak kamay o magka-akbay tayo. Parehong lalaki. May takot din akong nararamdaman sa kritisimong puwede nilang ibato sa atin... But you know what? When I'm with you, nawawala ang mga pag-aalinlangan ko."

There's no point of hiding the fact that I was moved. Hindi ko inaasahan na ganoon ang sasabihin niya sa akin. At hindi ko maitatanggi na ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya.

And his genuine look on his eyes was a solid proof to that.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" pagkakuwan ay sabi niya. Inilapit niya ang mukga niya sa akin.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa pagririgodon ng dibdib ko sa tuwa. Tinakpan ko tuloy ang mukha ko ng aking mga kamay para itago ang aking pamumula.

Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...

Tumawa si Uno. Ini-akbay niya ang braso niya sa aking balikat habang ang isa naman niyang kamay ay ginulo-gulo ang buhok ko.

"Tara na nga at maghanap ng comic books na yon at baka mangisay ka na dyan sa kilig."

"Sino ba ang kinikilig?"

"Sino nga ba?"

Lalo niyang ginulo ang buhok ko habang naglalakad kami papasok muli ng mall. Wala na akomg pakielam kung may nakatingin ba sa amin at kung ano ba ang iniisp nila.

What was more important to me was Uno and I was able to make up.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon