[Flashback Continuation]
Bullet's POV
"And...?" tumingin ako sa kanya. "And what, Sue?"
Umiling siya. "I don't want to be nosy on about your life," she smiled. "Basta kung tama man ang naiisip ko at naguguluhan ka pa hanggang sa mga oras na iyon, be brave. Walang ibang magpapalakas ng todo ng loob mo kundi sarili mo mismo. Sana din huwag mong gayahin ang kaduwagan ko dati because it won't make you happy. If you love someone, be proud of it, kahit sino pa ang mamahalin mo."
Medyo naguluhan ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ko mawari sa isip ko ang gusto niyang i-point out sa mga sinabi niya.
Hanggang sa makapagpaalam kami sa isa't-isa ay napapaisip pa rin ako sa mga sinabi niya. We separated ways but my heart felt good like there's a wound healed.
But then, speaking of my heart, it seemed like it knew what Sue's words meant earlier.
Nauna na siyang umalis ng coffee shop habang ako naman ay nagpaiwan muna. Inorganisa ko muna ang aking isip dahil sa mga nangyari.
Pagkakuwan ay saka ako tumayo para umalis.
Itinulak ko ang pintuan papalabas ng mall at noon ko lamang na-realize na umuulan pala ng malakas. Naisip kong magpa-book ng masasakyan gamit ang app para sa mga car services.
Mukha kasing hindi hihinto ang ulan dahil sa lakas ng buhos nito at dilim ng kalangitan.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng i-open ko ang screen ng aking cellphone. Bumungad sa akin ang text ni Uno sa inbox.
I hope we can talk. Meet me at the eco-park dito sa campus. Maghihintay ako.
Tila may kumirot sa aking dibdib ng muling mabasa ko ang text message. Nakalimutan ko iyon.
Naghihintay pa kay siya? tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa basang-basang kalsada dahil sa ulan.
My phone vibrated and Choi's name registered as the caller. Kaagad ko namang sinagot iyon.
"Hello, Choi..."
"Bullet, nasaan ka?"
"Sa mall malapit sa Nam College. Bakit?"
"Si Uno. He's still waiting for you. Kanina ka siya basang-basa sa ulan pagkatapos mabilad sa araw. May usapan daw kayo na magkikita—"
Hindi ko na tinapos ang sasabihin pa ni Choi. Mabilis kong tinapos ang tawag. Before I knew it, I was already running fast under the heavy rain. Wala akong pakielam kahit mabasa ako basta ang alam ko kailangan kong makarating sa meeting place namin ni Uno.
Mabuti na lamang at malapit sa campus ang mall. Well, the distance didn't matter at that very moment. Subalit malayo ang entrance niyon sa eco-park. But I didn't care. Patuloy lang ako sa pagtakbo ng makapasok sa campus. Ang mahalaga makarating ako sa lugar kung saan kami magkikita.
May narinig akong busina. Hindi ako nagpatinag sa pagtakbo sa kalsada. Tumabi lamang ako para hindi ako masagasaan ng sasakyan. But then the car blocked my way when it took over.
Bumukas ang bintana ng passenger seat. Si Choi iyon.
"Sakay ka na, Bullet."
"C'mon," segunda naman ni Rei, ang may hawak ng manibela.
Walang pag-aalinlangan na sumakay kaagad ako. All I could think of was to get to Uno the fastest way I could.
Tahimik kami sa sasakyan. Rei was driving fast. Si Choi naman ay patingin-tingin sa akin mula sa rearview mirror. Ako naman ay nakatingin sa labas.
Nang makarating kami malapit sa eco-park ay kaagad akong bumaba at tumakbo papalapit sa kintatayuan ni Uno.
He was soaking wet. Basang-basa siya subalit hindi siya natitinag. Nakatayo lamang siya doon at nkatingin sa lupa.
Hindi ko mapigilang maramdaman ang guilt dahil sa pag-iignora ko sa text niya. I wasn't expecting him to wait this long.
Hindi ko rin alintana ang ulan kahit basang-basa maging ako. Habang papalapit ako ay tumingin siya sa direksyon ko.
A smile curved on his lips.
"Dumating ka," mahina niyang sabi nang makatayo ako sa harap niya. "Dumating ka."
"Uno, siraulo ka ba? Hinintay mo ba talaga ako? Hindi mo ba alam na magkakasakit ka sa ginagawa mo?"
He just nodded. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa kanyang labi. "I'm glad you came."
"Bakit ka nagpakabasa sa ulan? Paano kung hindi ako dumating? Hindi ka ba nag-iisip?" sunod-sunod kong tanong. "You're crazy, Uno."
"I know. I am. Gusto lang naman kitang makausap. I just wanted to say that even though it's impossible that you'll like me back, I understand. Hindi naman kasi madali iyon. At marami rin ang huhusga sa sitwsyon natin kapag nagkataon. All I want to say is kahit hilingin mo na layuan kita ay okay lang. Ayos lang sa akin kahit mula sa malayo na lang kita subaybayan. But please don't hate me, Bullet.
"I hope you would not hate me for liking you. Hindi ko din alam kung papaano at kailan nagsimula itong nararamdaman ko. I just wanted to make you smile and make you happy. Now, if keeping my distance away from you as possible would make you happy, then I'd be glad to do it even it would hurt inside."
Hindi ako nakapagsalita. Pina-process ko pa rin sa utak ko ang mga sinabi niya. He was smiling but it was ws weak. Nakangiti siya pero bakas sa mga mata niya ang sakit.
Nagbalik sa aking balintataw ang sinabi ni Madam Cola.
"Before he met you, he's broken inside... He's starting to mend himself because he's happy you came into his life... Kapag tuluyan mong ni-reject ang nararamdaman niya, he'll be permanently broken inside..."
"Iyan lang ang gusto kong sabihin sa iyo, Bullet. Salamat at pinuntahan mo pa rin ako. And now that I told you my purpose of talking to you, I'll leave."
After one last weak smile, tumalikod na si Uno para umalis.
"If you love, be proud of it, kahit sino pa ang mamahalin mo."
Mula sa aking utak ay narinig ko ang sinabi sa akin ni Sue noong magkausap kami.
At sinundan pa iyon ng mga alaala ko kung saan palaging nagpapansin sa akin si Uno. Kinukulit ako. Sinusundan sa mga pinupuntahan ko. Ang mga pagkakataong gusto niyang makipag-usap pero hindi ko pinapansin. And those time when he saved my life many times.
And then a realization occured to me.
Kaya bago pa makahakbang papalayo si Uno ay hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
"Uno, don't leave. Stay..." sabi ko sa kanya. I pulled him closer to me. "Stay with me."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
