Bullet's POV
I froze and shifted my eyes to Felix.
"N-nakita mo siya na papaalis?"
Tumango siya.
"What the fuck, kambal?! @%#/$/#!!!" bulyaw ni Calix. "Nakita mo siyang umalis pero wala kang sinabi?!"
"Bakit hindi mo agad sinabi?" kastigo naman ni Rei.
Ako naman ay naghihintay ng sagot. Kasabay niyon ay ang muli kong paghihimay sa aking utak ng mga detalye na maaaring sagot sa katanungan kung may problema nga ba kami ni Uno.
"We made a pinky swear!" depensa ni Felix. "At saka ibibigay daw niya sa akin yung sportscar niya once he confirmed na wala akong sinabi. Damn it! Goodbye sportscar."
"B-bakit daw siya aalis noong nakita mo siya?" nag-aalala kong tanong.
Nagkibit-balikat si Felix. "He said that he would set you free. Ang gusto daw kasi niya ay sumaya ka. Ayaw daw niyang malungkot ka."
Sinunggaban ni Calix ang kakambal. "Baliw ka talaga, Felix! Don't you know how important that information is?! Pero bakit wala kang sinabi?!" Nilapirot niya ang pisngi nito. "Hindi ko talaga ma-gets minsan kung kanino ka nagmana. Kambal nga tayo pero minsan iniisip ko kung kapatid ba kita dahil sa takbo ng utak mo."
"Aray! Aray, Calix!"
"Kita mo naman na mabaliw-baliw na sa pag-aalala ang kaibigan nating si Bullet dahil biglang nawala si Uno. Pagkatapos wala kang sinabi?" ginamitan ni Calix ng anaconda vice technique ang kakambal na animo ay isang MMA fighter.
Pumapalo naman sa sahig si Felix bilang tanda ng pagsuko.
Hinawakan ni Rei ang balikat ko. "Ayos ka lang, Bullet?"
Umiling ako bilang pag-amin. Hindi ako okay. At hindi ko alam kung magiging okay ba ako.
"May ideya ka ba kung bakit sinabi ni Uno ang mga iyon kay Felix?"
"Hindi ko rin alam... Akala ko wala kaming problema eh." Yumuko ako.
"Wala nga ba?" sabad naman ni Felix na pilit pa ding kumakawala sa pangre-wrestling dito ng kakambal nito. "Aray! Aray ko, Calix! May pinaghuhugutan ka talaga ng galit, ah— Aray! Akala ko ba okay na tayo? Aray! Guys help!!!"
Inawat ko si Calix.
"May iba pa ba siyang sinabi sa iyo, Felix?"
Umiling siya. "Wala na... But he looked deeply hurt. Kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya..." Tinitigan ako ni Felix ng diretso. "May pinag-awayan ba kayo, Bullet? Hindi mo ba siya gusto?"
"Yung eksena nyo pa lang sa ulanan dati eh kitang-kita na gusto ninyo ang isa't-isa." Komento ni Calix.
"May rain scene sila?" nasorpresang sabad ni Felix. "Yung tipong mala-Korean drama ang dating?"
Tumango si Calix.
"Bakit hindi ko alam iyon? Alam mo ba iyon, Rei?" sunod-sunod na tanong niya na tinanguan naman ni Rei. "What the—? Bakit hindi ko alam? Sayang hindi ko nakita. That would've been an epic moment. Haayy sayang."
"You're busy having date with Kisha when it happened!" sagot ni Calix. "Ngayon gets mo na?!"
Bumagsak ang panga ni Felix.
There was an awkward silence occupied the atmosphere between us there.
Abala ako sa pag-iisip sa maaaring dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman ni Bullet.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
Любовные романыPumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...