Bullet's POV
It took a great determination for me to resist temptation right before my eyes. Iyon ang unang pagkakataon na humarap ako sa ganoong bagay at ginawa ko ang lahat para malampasan iyon.
Mas pinili kong pairalin ang respeto ko hindi lamang sa aking sarili kundi ang respeto ko kay Uno. Batid kong dulot lamang ng epekto ng alkohol ang pagiging mapusok niya. At ayokong magpadala doon.
Mas nanaig ang respeto ko sa kanya dahil ayaw kong gunawa ng isang bagay na maaari kong pagsisihan pagkatapos. At sa paglaban ko sa tukso ay hindi ako nagsisisi.
Wala akong balak na samantalahin ang pagkakataon. Hindi iyon tama.
Kaya bago pa maglapat ang aming mga labi ay pinigilan ko ang aking sarili. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat at saka marahan siyang isinandal sa pader.
I caressed his face. "Lasing ka lang, Uno..."
He smiled weakly.
Sa palagay ko ay nag-si-sink in na sa kanya ang mga nangyayari at tila nalilinawan na siya.
I helped him undressed. Tinaggal ko na rin ang suot ko. Tanging boxers na lamang ang saplot namin.
Itinaboy ko anumang malisya na maaaring mamuo sa aking isipan. Inisip ko ang bagay na mas makakabuti sa kanya.
Pagkatapos ko siyang paliguan ay pinatuyo ko ang katawan niya. I just wrapped a towel on my waist son I could attend to him first. Binihisan ko siya ng komportableng damit.
Pagkatapos ay inalalayan ko siya hanggang sa makahiga siya sa kama.
When he was tucked in, I went back in the bathroom and dealt with myself. Habang nagsa-shower ako ay umaasa ako na sana maanod din ng tubig ang anumang bumabagabag sa aking damdamin.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako. Subalit taliwas sa una kong plano na maghanda sa pagtulog ay nagbihis ako ng aking jogging attire.
Nang luminaw ang aking isipan ay naging malinaw din sa akin na katabi ko si Uno na matutulog.
Bago ako lumabas ng silid ay sinulyapan ko muna siya na payapang natutulog.
Sa malaking oval running track ako dinala ng aking mga paa. Naglakad ako doon para kalmahin ang aking sarili. Hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog sa aking dibdib.
Just thinking Uno laying down on my bed made my heart flutter. Hindi naman sa hindi ko gusto iyon. Ayaw ko lamang sumugal dahil hindi ko ganap na mapagtiwalaan ang aking sarili.
Walang babalang sumagi sa aking isipan noong huli kong makausap si Madam Cola.
"So kailangan ko siyang mahalin?" tanong ko kay Madam Cola.
Makahulugan siyang ngumiti. "Your words not mine. Ask yourself... Feel your heart. Ikaw ang makakasagot niyan."
"Pero, madam..."
Bumuntong hininga siya.
"If you want him to be okay again... Kung gusto mong mawalan ng bisa ang gayuma then sleep with him... Sleep with him during the full moon and stay with him until dawn. Sa ganoong paraan ay mawawalan ng bisa ang gayuma. You'll be free sa responsibilidad mo sa kanya."
Napatingin ako sa kalangitan. Maliwanag ang bilog na buwan.
Have I missed my chance to set him free? tanong ko sa aking sarili. Tama ba na minamahal ko na siya sa kabila ng katotohanang kaya laang niya ako gusto ay dahil sa gayumang iyon?
"Lastly, Bullet, if you want the potion to have a permanent effect, let him kiss you. But if you want to let him go... sleep with him." Pahabol na bilin ng shaman sa akin.
Nang mapagod ako sa paglalakad ay nakaramdam ako ng antok sa wakas.
Bumalik ako sa aking silid at naabutan kong mahimbiing pa rin natutulog si Uno.
Nagpalit ako ng komportableng damit bago matulog.
Muli ko siyang sinulyapan at pinagmasdan ang kanyang mukha. Ngayon ay nalilito ako kung alin ba ang dapat kong gawin sa dalawa.
Palalayain ko ba siya o hahayaan kong mahalin niya ako dahil nahuhulog na ang loob ko sa kanya?
Hinawakan ko ang kamay niya. Iyon ang katanungang bumabagabag sa akin bago magsara ang talukap ng aking mga mata.
***
Uno's POV
Nagmulat ako ng aking mga mata nang maramdaman kong humiga na sa aking tabi si Bullet. Palihim kong ginawa iyon dahil ayaw kong ipaalam na gising ako. Baka kasi hindi ko mapigilang umiyak sa harapan niya.
Mabilis kong isinara ang mga mata ko ng sumulyap siya sa akin. He caressed my face.
I tried my best to hold my emotions.
Lumipas pa ang ilang sandali ay ganap na siyang hinila ng antok. Samantalang ako naman ay gising na gising na ang diwa.
Kusang bumalik ang aking isip sa mga nangyari kanina.
[FEW HOURS AGO...]
I wanted to stop Bullet when he followed Choi to talk with. Gusto ko siyang pigilan at ako na lamang ang kumausap dito.
Subalit ayaw kong pairalin ang kakitidan ng aking utak. I wanted to trush Bullet.
And I should trust him.
Walang rason para mag-selos sa sa isang bagay na alam ko namang hindi totoo.
Ngunit wala nga ba akong pangamba na dapat maramdaman?
Sa paglipas ng mga araw ay mas naiintindihan at nagiging pamilyar ako sa aking nararamdaman para sa kanya. He's the most precious person I wanted to keep in my life and in my heart.
I was brave enough and confident to shout out to the world that I fell in love with this guy. And I would continue to feel the same way as long as the moon would chase the sun.
Subalit hindi ko lamang maipahayag ang nararamdaman ko dahil hindi ako sigurado kung ganoon din ba ang nararamdaman niya sa akin.
Nagbalik sa aking isip noong naghintay ako sa kanya sa kabila ng malakas na ulan. I was at my happiest when he came running to where I was.
Hindi niya ni-reject ang nararamdaman ko. Subalit ngayon ay mas naiintindihan ko nang hindi rin malinaw kung tinanggap nga ba niya ang nararamdaman ko.
Right before my eyes, I saw Bullet and Choi standing face to face closer than the usual. Choi was moving forward his face to Bullet's and the latter didn't stop him.
Bago pa ako takasan ng katinuan ko ay pinili kong tumalikod upang hindi makita ang nangyayari.
Naglakad ako pabalik nang salubungin ako ni Rei.
"Nasa balcony pa ba sila?"
Tumango ako.
May bumakas na takot sa kanyang mga mata. Nilampasan niya ako at naglakad patungo sa balkonahe.
Kaagad ko naman siyang sinundan. "Rei, tawag ko sa kanya.
Naabutan ko siya na huminto sa may pintuan.
"Rei," tawag ko muli sa kanya. "We should—"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang tila ba nahipnotismo din ako para tumingin sa tinitingnan niya. Magkatabi na sina Choi at Bullet.
"Choi, you know I like you..."
Pakiramdam ko ay milyung-milyong karayom ang tumusok sa aking dibdib pagkarinig ko sa mga sinabi ni Bullet.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...