CHAPTER 28

1.1K 49 0
                                        

Uno's POV

"Aren't you happy with the idea that papa would like Bullet as your boyfriend?" tanong ni Fei na nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Bullet, what's the matter?"

"Ha? W-wala."

"Stuttering words mean there is something wrong. C'mon spill the bean."

Napailing na lamang ako dahil hindi maikakailang magkapatid nga kami ni Fei. Just like me, she was sharp.

At dahil doon ay ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari noong nagdaang gabi. Sa aking nakita na kaganapan sa pagitan nina Choi at Bullet—when they were about to kiss. At ang aking narinig noong sinabi ni Bullet na gusto niya si Choi.

Hindi ko maiwasang mag-init ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang mga luhang unti-unting namumuo doon.

Habang nagkukuwentobako ay kusang bumalik sa aking alaala noong magkasama kami ni Bullet.

It was the night when I was dropping him off to his room at the dormitory. Naglalakad kami noon...

Hinawakan ko ang kamay niya para magkaharap kami. We were facing each other. Inches away from each other's faces. And I was about to kiss him.

Papasara na ang mga mata ko habang papalapit ng papalapit ang labi ko sa kanyang labi.

Ngunit nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya nang tumingin siya sa paligid. There was a flash of uncertainty in his eyes. Subalit humarap siya sa akin at isinara ang mga mata.

I knew he was uncomfortable. Kaya ang plano ko ay nabago. Sa halip na sa labi ko siya halikan ay pinili kong sa noo na lamang.

I must admit that I was hurt.

"I told him that I love him..." Tumikhim ako dahil parang mababasag na ang aking tinig. "But he didn't reply."

Marahan naman tumango si Fei. "So it's a trouble in paradise..."

Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa ibabaw ng lamesa.

"Look at me, Uno. What if you're over thinking things? Maybe you put too much uncertain meanings on every actions... Tinanong mo ba siya tungkol sa nakita mo? Sa narinig mo?"

Umiling ako.

"Kinausap mo na ba siya o binalak man lang kausapin?"

"Baka masaktan lang ako sa maririnig ko."

"So mas okay na ikaw ang mananakit sa sarili mo?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Paano kung lahat pala ng ikinakatakot mo eh gawa-gawa lang ng isip mo? Talk to him, Uno, before you decide to let yourself drown in loneliness."

Tumango ako. "I will. Kailangan ko lang ng panahon. At uunahin ko muna ang isyu ko kay papa."

***

Tama si Fei. Handa na ang lahat at wala na akong aasikasuhin dahil gusto ni papa na magbalik ako sa States.

Kagaya ng sabi ng aking kapatid ay nagpadala nga ng mga tauhan si papa para kung sakaling hindi ako pumayag ay hindi ako makakatakas.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon