CHAPTER 16.5

1.5K 75 8
                                        

[Chapter Epilogue]

Choi's POV

Hindi talaga ako mapalagay kanina pa. Ayaw ko lamang magpahalata. Gustuhin ko mang takbuhin para makarating sa building 4 ng dormitory ay hindi ko magawa.

Kaya pala ayaw sabihin sa akin ni Rei kung nasaan si Bullet ay hindi ko magugustuhan ang maririnig ko. At hindi talaga.

Kung hindi pa umiral ang katabilan ng mga dila nina Calix at Felix ay hindi ko malalamang nasa kuwarto daw ni Uno si Bullet.

"Magpa-practice daw sila," sabi ni Felix.

"Ano ba ang ipa-practice nila?" tanong naman ni Calix.

"How to make a baby— Oops... Choi, kanina ka pa ba d'yan?"

Pinigilan lamang ni Rei ang kambal sa pagbibigay ng detalye.

And I couldn't do anything but to pretend I didn't care.

Magkakasama kami ngayon patungo sa dormitory ni Uno para sunduin si Bullet.

I was trying my best to clear my head. Ayaw kong i-entertain ang kung anumang bagay na maaaring pumasok sa utak ko.

***

Rei's POV

Gusto kong pag-untugin sina Calix at Felix. Napakatatabil kasi ng mga dila. Kung anu-ano ang sinasabi.

Sinulyapan ko si Choi. Tahimik lang siya sa paglalakad pero halata ko na gusto niyang magmadaling makarating sa dormitory ni Uno kung nasaan si Bullet.

Alam kong tinuturuan ni Bullet ng sayaw si Uno para sa dance presentation para sa isang subject. Kaklase ko kasi sa subject na iyon si Uno.

I knew that Uno was just making excuses to spend time with Bullet. Wala naman kasing problema doon eh.

Si Choi lang ang namomroblema.

Inambahan ko ng kamao ang makukulit na kambal sa likod ko. Para kasing mga nakawala sa mental. Nagbubulungan pa tungkol kina Uno at Bullet.

Yaoi fans kasi ang magkapatid.

Nang makarating kami sa lobby ng dormitory ng building 4 ay ako na ang nagpresenta na tutungo sa kuwarto ni Uno. Inunahan ko na si Choi.

Nagdahilan na lamang ako na kailangan ako ang pupunta. Sabi ko nagreply sa akin si Bullet kahit hindi naman.

Gusto kong hadlangan ang nararamdaman niya. Alam kong masasaktan lamang siya.

He was just confused.

Nang nasa tapat na ako ng kuwarto ni Uno ay may narinig akong kalabog. Hindi ko naman pinansin iyon kaya kumatok ako.

"Bullet...? Ready ka na ba? Magtext kami sa'yo pero hindi ka nag-reply."

"Ah, Rei... Oo, saglit lang."

May naririnig akong mga tunog mula sa loob ng kuwarto. Nag-uusap yata sila pero hindi ko maintindihan.

Nagpasya ako na babalik na lamang sa lobby para doon siya hintayin.

Subalit ang mga sumunod na malakas na salita mula sa loob ng kwarto ang hindi ko inaasahan.

"Aray! Aray!" tinig iyon ni Uno. Kumalabog. May narinig akong mga bumagsakbat nabasag. "Masakit, Bullet! Masakit!"

I shook my head. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang may nabubuong scenario sa aking utak.

***

Felix's POV

Naiinip na ako kaya sinundan ko si Rei. Atat na ata na din ako na pumunta ng mall. Madami kasing chikababes sigurado.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon