[Chapter Epilogue]
Choi's POV
Gusto ko pa sanang magpaiwan sa infirmary para bantayan si Bullet. Gusto kong samahan sana siya dahil pina-confine muna siya doon ng doktor dahil sa na-sprain na paa at braso.
But he said he's fine though. At hindi ko siya makontra dahil ayaw kong mahalata din niya ang pagnanais ko na alagaan siya.
Damn you, Choi, pagmura ko sa aking sarili dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Don't cross the line. Do not!
This is just loyalty, paalala naman ng isang bahagi ng aking utak. Loyalty for a friend.
But I must admit I truly care for Bullet. Mahirap itanggi iyon.
Kita naman sa kilos ko. Kagaya na lamang sa nangyari sa kanya nang mabatid kong hindi talaga siya pumasok.
I felt that something was bothering him. At sa unang pagkakataon ay hindi niya iyon maibahagi sa akin. Medyo nasaktan ako. We were close... or at least I thought.
Noong tinanong ko sana siya ay sinabi lamang niya na ayos lamang siya.
All I could do was nod and said, "basta kapag may problema ka, you can always talk to me."
But he didn't.
At mukhang nahuhulaan ko na kung bakit hindi niya masabi. Si Uno sa palagay ko ang bumabagabag sa kanya.
Speaking of the devil, that guy started to break the wall that Bullet created to protect himself. An imaginary wall that I felt proud only I could pass through it to get to know more about him.
Napabuntong hininga ako. Papaano kaya kung iba ang naging desisyon ko noon? Kung naging matapang ako?
But what happened already happened. And no one could turn back time.
Labis akong nag-alaala ng hindi pumasok si Bullet kaninang umaga. It's the first time he skipped class without a word. Kahit sa homeroom class ay wala siya.
Kaya naman hinanap ko siya. Mabuti na lamang at sinamahan ako nina Rei, Calix at Felix. Inikot namin ang buong school sa paghahanap kay Bullet.
Hanggang sa may nakapagsabi sa amin na nakita nilang sinusundan ito ni Uno. Sinabi sa amin ng napagtanungan namin na paakyat ng building ang dalawa. And then it occured to me Bullet's hangout place, the rooftop.
Doon ay naabutan namin na natumba si Uno sa ibabaw ni Bullet. Walang malay ang una. Si Bullet naman ay hindi makatayo.
Dinala namin sila sa infirmary.
I wanted to stay there. I had to.
Ngunit hindi kami pinayagan at pinabalik kami sa aming mga klase. Kaya wala akong nagawa. Halos hilahin ko na lamang ang oras para lamang matapos ang mga klase ko.
Kabuntot ko uli sina Rei, Felix at Calix na nag-aalaala din kay Bullet. But knowing them, they also wanted to gather juicy intel on what happened. Akala mo kasi ay reporter ang tatlo na nagdala pa ng notebook, ballpen, recorder at naka-eyeglasses pa.
"Calix, ikaw ang mag-re-record ha." Pagtotoka ni Rei. "Felix, ikaw naman ang magsulat. Tapos ako ang sa pagkuha ng video."
Iiling-iling na lamang ako. Iniwan na nga nila ako halos dahil excited ang mga gunggong na mag-interview.
They were ahead of me and I was trying to catch up when a woman approach me.
"Excuse me," anang magandang babae. "Puwedeng magtanong?"
Napatango ako. Hindi ko alam kung batid ba niya ang pagtataka ko dahil hindi ka araw-araw makakakita ng babae—maliban sa mga professors—na nasa campus ng Nam College.
"Kilala mo si First Vladimir Han?"
Umiling ako. Wala akong kilalang may ganoong pangalan na estudyante. Pero tunog pamilyar. Hindi ko lamang mawari kung narinig ko na nga ba ang pangalang iyon dati. Minabuti ko na lamang na ituro sa babae ang opisina ng paaralan para doon siya magtanong.
I didn't know why the name got stuck on my head. Hinihintay ako nina Rei, Calix at Felix sa entrance ng infirmary par daw sabay-sabay kaming pumasok.
"Ang tagal mong maglakad," sabi ni Rei. "Tapos nakipag-usap ka pa d'on sa chikababe."
Sinaway ko siya. "Aish... Nagtanong lang iyon sa akin."
"Nagtanong lang pala eh," may panunudyo ang tinig ni Calix
Sinegundahan naman iyon ni Felix. "Defensive si Choi. Baka kasi magalit sa kanya si Bullet pag nalaman."
Tumawa at nag-apir ang kambal.
Binatukan naman sila ni Rei. "Aalaskahin nyo na naman si Choi eh may girlfriend nga iyan."
"Ewan ko sa inyo," sabi ko naman. "Pumasok na nga tayo."
First Vladimir Han! Animo ay parang bumbilya na kusa na lamang umilaw nang maalala ko ang pangalan na iyon at kung sino ang taong iyon.
Kasabay niyon ay ang pagbukas ni Rei sa kurtina na nagsisilbing harang sa hinihigaan ni Bullet sa infirmary.
Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang makita namin si Uno sa ibabaw ni Bullet. Mabilis naman siyang tumayo at inayos ang kanyang sarili.
Itinaas niya ang isang kamay na may hawak na charger. "For the record, kinuha ko lang yung charger d'on sa hanging cabinet tapos na-out of balance ako kasabay ng pagdating ninyo."
Wala sa sariling tumango sina Rei, Calix at Felix habang nakanganga sa pagkabigla. Ako naman ay tumikhim.
I felt my first hardened. Hindi ko inaasahan na makikita ang eksenang iyon katulad nang makita namin sila sa rooftoop.
"Ah... Eh... Uhm..." Tumikhim si Uno. Lumapit siya sa akin at iniabot ang charger. "Lowbatt pala ang cellphone ni Bullet. Ikaw na lang ang mag-charge. I'll go ahead."
Napatingin na lamang ako sa charger na nasa kamay ko nang umalis siya. And then my eyes went to see Bullet who was sleeping on the infirmary bed.
I tried to brush away whatever thought started to build on my mind. Bumalik sa kasalukuyan ang aking isipan. Wala akong dapat ipag-alaala.
Tama, sabi ko sa aking sarili. Wala akong dapat ipag-alaala.
Mula sa malayo ay natanaw ko si Uno kasama ang magandang babae na nagtanong sa akin kanina.
They were hugging.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
