[Chapter Epilogue]
Rei's POV
Freshmen Year...
"Welcome to all the Freshmen of Nam College! Tonight ang first duty nyo bilang parte ng kolehiyo natin ay ang magpakasaya at magpakalasing tayo ngayong gabi!"
Isa ako sa mga pumalakpak nang matapos ang speech ng president ng Student Supreme Council ng paaralan. It was a welcome party night. Bukod sa mga Freshmen ay naroroon din ang mga senior students.
Isa ako sa mga bagong pasok sa Nam College. Wala pa akong ka-close. It's understandable since it's only been three weeks since the school year started.
Kuntento na ako sa pag-oobserba habang ang karamihan ay nag-sisimula ng mag-enjoy.
Sa gymnasium ng eskuwelahan ang venue ng welcome party para sa amin.
The party vibe was starting to spread in the atmosphere.
Nakaupo lamang ako sa isang sulok. Pinapanood ko ang makulit na kambal na nangunguna sa kasiyahan. Makulit ang kambal na nakikiusyoso sa pagdi-disc jock.
Tila ba wala silang kapaguran at hindi nauubos ang energy dahil ilang oras na silang bumibida. Lahat na yata ay nakausap nila bukod sa akin. Hindi kasi ako gaanong mapapansin dahil medyo madilim sa puwesto ko.
"Excuse me..."
Napapitlag ako nang makita kong nakatayo ang isang lalaki sa likuran ng inuupuan ko. Akala ko ay multo.
"Hey, dude... Akala ko multo ka eh bigla ka na lang sumusulpot. Yes?"
"Puwedeng makiupo?" magalang niyang tanong.
Tumango naman ako. "Sure. Upo ka lang. Rei nga pala, dude."
"Bullet. Ako si Bullet," matipid niyang sagot. Tahimik siyang naupo sa table ko. Inayos niya ang suot niyang salamin.
Nahihiya siyang ngumiti nang mapansin niyang nakatingin ako.
"Hindi ka nag-e-enjoy?"
Umiling si Bullet. "Hindi naman. Hindi lang ako sanay sa party scene. Ikaw? Bakit hindi ka sumama dun sa maraming grupo."
Umiling ako. "Parehas tayo. Hindi din ako mahilig sa ganitong party. Mukhang pamilyar ka."
"Magka-homeroom tayo."
"Ah... I see. Dude, magaan ang loob ko sa'yo. I hope we can be friends. Iisa pa lang ang kaibigan ko dito eh. Si Choi."
"Ah, yung sabi nila valedictorian nung high school?"
Tumango ako. "Siya nga. Nakilala ko siya noong maglipat ako sa dorm. School mate ko din siya noong high school kami... So friends?"
Marahan siyang tumango.
"Nice! Fist bump tayo." Itinaas ko ang kamao ko. "Fist bump."
He was puzzled.
"Ganito lang... Yang kamay mo isara mo. Yan. Tapos... Ipagtama natin yung mga kamao natin. Fist bump."
"Ok."
Nagkikipag kuwentuhan ako sa mahiyaing si Bullet ng biglang dumalo sa lamesa namin ang makulit na kambal na bangka ng party.
"Wazzup, guys!" Magkasabay na bati nila. "Kami nga pala ang amazing twins!"
"Ako nga pala si Calix."
"Ako naman ang guwapong si Felix."
"Nice to meet you guys!" magkasabay nilang wika sa masayang boses with hand gesture pa.
"Ako nga pala si Rei, amazing twins... 'Eto naman si..."
"Bullet."
"Nice to meet you, guys. Tandaan nyo ako yung guwapo sa amin. Ako si Felix."
Tumangu-tango kami ni Bullet.
"Felix," si Calix naman ang nagsalita. "Para rin silang kambal o. Magkpareho sila ng damit. Si Bullet naka-salamin. Si Rei, meron din hindi lang suot."
Tumango si Felix saka nakipag-apir sa kakambal.
"Ah walang grado itong salamin ko," sabi ko naman saka isinuot ang fake eye glasses.
Nasa ganoon kaming pag-uusap ng dumating si Choi. Namumula na ang mukha niya. At mukhang may tama na ng alak.
"Choi, lasing ka na."
Umiling siya. "No, hindi ako lashing. Mashaya—hik—lang ako. Nagkabalikan kami ng girlfriend ko. Hik!"
"Aish!" Batid kong lasing na ang aking kaibigan. "Guys pasensya na. Siya pala si Choi."
"Hi guysh!" Namumungay ang mga mata ni Choi. Tumawa siya saka kumaway. "Ako shi Choi."
"Hello! Ako si Felix."
"Ako si Calix."
"Bullet."
Dumako ang atensyon niya kay Bullet. "Naysh name. Bullet." Nag-thumbs up siya. "Hi Bullet!"
Nabuwal siya pero mabuti na lamang at nasalo ni Bullet.
Kakamot-kamot naman ako sa ulo nang nilapitan ko si Choi. Kinuha ko siya mula sa pagkakabuwal ka Bullet. Inalalayan ko ang aking kaibigan.
Nagpaalam na kami kina Bullet at sa kambal para maihatid ko na sa kuwarto si Choi para mkapagpahinga siya.
"Choi, ihahatid na kita sa kuwarto mo ha. Konting lakad na lang. Malapit na tayo..." naka-angkla ang braso niya sa balikat ko. May kabigatan siya lalo na at wala na siyang kontrol dahil sa pagka-lasing. "Choi, konting lakad pa. Wag ka matutulog dito sa daan."
"Owkeyyy..." Tumigil siya sa paglalakad at kumapit sa akin para makaharap. "Ang cute mo..."
"Aish... Lasing ka na. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Tara na—"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil walang pasintabing hinalikan niya ako sa labi.
[Present Day...]
Napabuntong hininga ako matapos magbalik sa aking isip ang nakaraan. Hindi ko kasi napigilang isipin iyon nang makita ko sina Bullet at Uno.
Nang gumawi sa may building ng dormitory ang aking paningin ay namataan ko ang kuwarto ni Choi kung saan nakadungaw siya roon.
"Ang cute mo..."
"Aish... Lasing ka na. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Tara na—"
"Bullet... Ang cute mo..."
May kumirot sa aking dibdib nang magbalik ang eksenang iyon muli sa aking isip.
"Rei..."
"Ay multo!" nagulat ako nang makita si Felix sa harap ko. "Aish! Bakit bigla ka na lang sumusulpot na parang kabute."
Hindi ko natuloy siyang bulyawan nang mapagmasdan ko ang malungkot niyang hitsura.
"Rei..."
"O bakit, Felix? May problema?"
Walang paalam na yumakap siya sa akin. He suddenly started sobbing.
I hugged him back and started patting his back lightly. "Ano'ng nangyari, dude?"
Hindi siya tumugon basta umiyak lamang siya ng umiyak.
Nang muli ako tumingin sa building ay wala na si Choi doon. Napabuntong hininga na lamang ako.
It's not my time yet to deal with my problem.
Mukhang mas kailangan ako ng kaibigan kong si Felix.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...