CHAPTER 3

3.5K 119 7
                                        

Bullet's POV

Simula ng mangyari ang insidenteng iyon sa rooftop ay tila nagbago ang ihip ng hangin. May naging malaking pagbabago hindi ko lamang mawari kung ano iyon.

Basta may nagbago.

Everytime I closed my eyes, I could see Uno's eyes looking intently to me. May pag-aalala sa mga mata nito. Naaalala ko ang titig na iyon niya sa akin noong iligtas niya ako mula sa bingit ng kapahamakan.

Walang salitang lumabas sa mga bibig namin. Tila kapwa kami naputulan ng dila ng mga sandaling iyon. All I knew was I immediately stood up after realizing our position. But our eyes stayed locked into each other until I stormed off.

At simula nang mangyari iyon ay hindi man lamang ako nakakapagpasalamat sa kanya. Naging malaki kasi ang pagbabago sa kanya.

Ang dating tahimik na si Uno naging makulit. Ang dating poker face niya ay napalitan ng mga ngiti. Ang dating malamig niyang pakikitungo sa bawat estudyante lalo na sa homeroom class namin ay naging mainit. From being the "Ice Prince" he became a warmhearted man that everybody admired.

But not to me.

Taliwas ng mga pinapakita niya sa iba, hindi ganoon ang pakikitungo niya sa akin. It seemed like he saw me as a prey.

Walang araw na hindi niya ako binu-bully.

Pambu-bully ang tawag doon kahit sabihin pa ng iba ay hindi. Madalas ay ginugulo niya ang nananahimik kong buhay.

Alam ng mga kaklase ko na kapag nasa isang sulok ako at nagbabasa o kaya ay nagsusulat ibig sabihin niyon ay ayaw kong magpa-istorbo. Ngunit kahit ilang beses iyong sabihin ng mga kaklase namin ay sige pa din si Uno ng pang-iistorbo sa akin.

Uupo siya sa malapit sa akin at magpapansin. May pagkakataong lalamukusin nito ang mga papel ng maliliit hanggang sa maging bilog na hugis tapos ay babatuhin ako.

Kapag tinitingnan ko siya ng masama ay nagkukunwari siyang inosente at walang ginagawa. Minsan naman ay kakawayan niya ako kalakip ang malaking ngiti.

May pagkakataon naman na tatayo ito sa may likuran ko at kukuhitin ako sa ulo o sa likod ko.

May pagkakataon pang bigla na lamang lilitaw ang ulo niya sa harap ng desk ko. Mainsan ay may nakalagay sa noo niya na papel na may nakasulat na "hello."

Ang gagawin ko naman ay itutulak ko ang noo niya palayo. He would just laugh and would do it again.

Noong una ay sinasaway si Uno ng mga kaklase namin. Subalit nang tumagal ay tatawa na lamang sila kapag kinukulit na ako ng pobre. Nakasanayan na yata nila iyon. Buti pa sila samantalang ako ay napu-perwisyo.

Kung dati ay maaga akong pumapasok sa homeroom class at sa ibang subjects ko, simula ng kulitin niya ako ay hindi ako agad pumapasok. Minsan ay sinasabayan ko na lamang ang mga professor namin pagpasok sa silid ng sa gayon ay hindi na ako kinukilit niya.

Sinisigurado ko din na malayo ang pagitan ng upo namin para hindi niya ako inaabala sa kalagitnaan ng klase. Mukhang nagsawa na siya sa pagtulog habang may klase dahil mas nagpapakaabala siyang buwisitin ako.

May pagkakataon na kapag napadako ang tingin ko sa direksyon niya ay kakaway siya sa akin.

Hindi ko lamang magawang magalit ng todo kay Uno lalo na sa homeroom class namin. Pinipigilan ko. Ayaw kong makita ako ni Choi na pikon. Siya ang class president sa homeroom namin.

He told me that I was one of the most disciplined student he met me. At masaya ako sa compliment niya para sa akin. I looked up to him kaya ayaw kong masira ang tingin niya sa akin nang minsan kong sabihin sa kanya na siya ang role model ko.

At masaya ako sa tuwing nginingitian niya ako.

However, without a warning, Uno's face flashed on my mind. His smiling face.

Ipinilig ko ang aking ulo para iwaksi sa utak ko ang imahe ni Uno na patuloy sa pambubulabog sa buhay ko.

Kasalukuyan akong nasa kalagitnaan ng pagbabasa ng libro habang walang humpay sa pambabato ng maliliit na binilog na papel si Uno mula sa likuran ko. Huminga ako ng malalim. Mukhang sasabog na yata talaga ako sa pagkapikon. Hindi ko na nakontrol ang kamay ko nang hampasin ko ang desk ko.

Biglang tumahimik sa buong silid. Ang mga naguusap ay huminto sa pagdadaldalan. Tila ba tumigil ang oras ng mga sandaling iyon at lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Maging si Uno ay natigilan din.

Matalim ang aking mga mata habang papalapit sa kanya. Hinwakan ko siya sa collar at inambahan ng suntok.

I was about to punch him when our professor came together with Choi.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa labas ng building at kaharap si Choi.

He was talking to me politely and asking me to be more patient. Siya ang inatasan ng professor namin na kumausap sa akin habang si Uno naman daw ay pinapunta sa dean's office.

Nahihiya ako sa inasta ko. Lalo na at nakita iyon ni Choi. Nahihiya din ako dahil tila na-disappoint siya sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi tumango at humingi ng tawad sa kanya.

Siya ang presidente ng homeroom class. Isa sa mga tinitingala kong tao dahil mabait ito. Tahimik siya kagaya ko. Ang kaibhan nga lamang hindi siya nagsisimula ng gulo kagaya ko.

Pagkatapos niya akong kausapin ay iniwanan niya ako doon at kalmahin ko daw ang aking sarili bago ako magbalik sa silid. Nang makapasok siya sa loob ng building ay napabuntong hininga ako ng malalim. I felt sad and hurt inside because I knew he was disappointed with me.

Ni hindi nga niya ginulo-gulo ang buhok ko at ngumiti kagaya ng lagi niyang ginagawa sa akin kapag magkausap kami. Hindi rin siya ngumiti kagaya ng dati.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon. It's the same unregistered number calling again. Walang pagdadalwang isip na ni-reject ko ang tawag.

Napatingin na lamang ako sa may paanan ko at sinipa-sipa ng bahagya ang bato sa lupa.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng makita ko ang isang pares ng sapatos sa harap ko. Nangtumingala ako para alamin kung sino ang may-ari niyon ay nahigit ko ang aking hininga.

Si Uno.

Mataman siyang nakatingin sa akin at ang lapit ng mukha niya sa akin. And then a smile curved on his lips. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay parang huminto sa pagtibok ang puso ko bago mabilis iyon tumambol sa dibdib ko.

Sinubukan kong lumunok para makabawi ang aking sarili ngunit nanuyo ang lalamunan ko. Ang lapit kasi ng distansya ng mga mukha namin sa isa't-isa.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon