Bullet's POV
Tok-tok-tok...
Napahinto ako at si Uno dahil may kumatok sa pintuan.
"Bullet...?" si Rei iyon. "Ready ka na? Nagtext kami sa'yo pero hindi ka nasagot."
"Ah, Rei... Oo saglit lang."
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Uno. Naaasar pero pabulong na sinabi ko sa kanya, "Andyan na sila. Kasalanan mo 'to wala akong susuotin."
"Huwag ka na lang kasing sumama— Aray! Aray!" napahiyaw siya ng pingutin ko ang kanyang tainga. "Masakit, Bullet. Masakit!"
"Eh kasi naman. Bakit mo binasa ang damit ko? Wala tuloy akong pampalit. Paano 'yan?"
Hinabol ko siya sa loob ng kuwarto. Nagmamadali naman siya pag-iwas. Wala siyang pakielam kahit malaglag at magkagulo ang mga gamit niya.
"Sorry na. Sorry na— Aray!" Pinapalis niya ang kamay ko para maalis ang pagpingot ko sa kanya.
Naawa naman ako kaya binitawan ko na.
"Kumuha ka na lang ng damit sa closet ko. Sige na, sumama ka na sa kanila. Okay lang akong mag-isa kaysa mabugbog mo ako."
Natawa naman ako sa reaksyon niya na parang bata na ayaw ng ulitin ang ginawa.
And then suddenly I thought, bakit nga ba naging bayolente ang reaksyon ko? Hindi naman malaking issue na binuhusan ni Uno ng tubig ang bag ko kaya nabasa rin ang damit ko sa loob niyon.
Eh kasi umasa sa halik, tudyo ng isang bahagi ng aking isip.
Ipinilig ko ang aking ulo saka binuksan ang closet ni Uno. Doon namili ako damit na susuotin ko.
Marami siyang damit. Hindi ako makapili. Puro branded at alam kong hindi biro ang presyo niyon.
Before I knew it, Uno was already standing behind me. May kinuha siya sa mga nakahanger na damit.
"Ito ang suotin mo."
Pinagmasdan ko iyon. "Maliit yan sa akin."
"Fit lang tabas nito. Believe me magkakasya sayo yan." Nag-thumbs up pa siya. "Sige na."
Tumango ako at tinanggap ang damit.
"Hoy, Uno, ano ba? Ano'ng ginagawa mo?" Tinakpan ko ng mga kamay ko ang aking katawan para pigilan siya. "Bakit mo ako hinuhubaran?! Huwag!"
"Para maisuot mo itong damit," simple niyang paliwanag. And then he smiled naughtily. "Are you having dirty thoughts?"
I could feel my face was getting warm. Binatukan ko na lang siya para ikubli iyon.
Tumawa naman siya. "Share mo naman..."
Nag-taas-baba ang kanyang kilay habang nakangisi.
"Buwisit!" Tinalikuran ko siya. "Mag-shower muna ako. Pagamit ha? Para maginhawa uli pakiramdam ko. Pawisan na ako. Ikaw kasi nagpapahabol ka pa."
"Eh, masakit kaya ginagawa mo sa akin." Bigla siyang ngumisi. "Gusto mo samahan kitang mag-shower?"
"Ewan ko sa iyo!"
Nagmadali ako papasok ng banyo. I made sure it was locked.
I took a quick shower. Nang maisuot ko na muli ang underwear ko at pantalon ay saka ko lamang naalala na hindi ko nadala sa loob ang damit na ipapahiram niya sa akin.
Kaya wala akong nagawa kundi lumabas ng banyo na walang t-shirt. Ang tuwalya ang ipinantakip ko sa katawan ko.
Hindi ako makatingin kay Uno ng diretso dahil nakangisi lamang siya.
Nakaupo siya sa kama at katabi ang damit na ipinahiram niya sa akin.
Hindi ko pinansin ang pag-tataas at baba ng kilay niya. "Wow! I guess this is the day. Magle-level up na pala tayo. From PG to R-18 na tayo kasi makikita ko na ang katawan mo."
"Aish!"
"Bakit? Nakita mo na din naman ang katawan ko. Dapat makita ko din sa'yo para fair. Why? Are you afraid kasi marami kang bilbil? Okay lang yun... Kagaya nga ng sabi ko sa'yo, ikaw pa rin ang pipiliin ko no matter what. Kaya sige na ipakita mo na ang bilbil mo."
Napantig ang tainga ko sa sinabi niya. Kaya naman proud kong tinanggal ang tuwalya sa katawan ko.
I proudly showed my well-defined mascular body.
Nakita ko namang natameme siya. Nahiya ang six-pack niya sa eight-pack abs ko.
"Anika... Stella... Margaux..." he murmured. He shook his head. "Aish... Magbihis ka na, Bullet."
Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"Why? Dirty thoughts?" tudyo ko.
"Aish! Magbihis ka na!"
Isinuot niya sa akin ang fitted na damit.
"Sandali, Uno! Wait! Masikip! Hindi ako makahinga... Masikip! Uno, masakit! Huwag mong pilitin."
"Hindi 'yan. Sa simula lang yan! Kapag nasuot na hindi na yan. Believe me."
Kumawala ako sa kanya para hindi niya ipilit ang pagsusuot sa akin ng damit. Nagkaroon ng butas sa may kilikili ang damit.
"Hindi nga kasya," ang nasabi na lang niya saka tumawa.
"Hugutin mo na. Hindi ko kayang mag-isa." Na-stuck kasi sa may leeg ko ang kuwelyo at hindi ko mahubad ang damit.
Wala tuloy akong makita dahil nakatakip iyon sa mukha ko.
"O sige... Huhugutin ko na. Pagbilang ko ng tatalo. Isa. Dalawa. Tatlo."
Paghugot niya sa damit ay napabuwal ako. Napaupo tuloy ako sa sahig. Nasaktan tuloy ang balakang ko.
Umaaray akong pagbangon habang tinutulungan ako ni Uno. Nang makatayo ako ay hinalikan niya ako sa noo.
"Sorry. Sorry ipinilit ko." May iniabot siyang ibang damit na mas malaki ang sukat sa nauna niyang ibinigay. "Eto try mo."
"Bakit hinalikan mo ako sa noo?"
"Para mawala ang sakit sa balakang mo."
"Eh bakit—" napahinto ako. I caught myself. Hindi ko puwedeng sabihin ang naiisip ko. It would sound weird.
"Bakit ano?" Sumilay na naman ang nanunudyo niyang ngiti. "Gusto mo sa balakang kita halikan? Dirty thoughts, Bullet?"
"Aish! Wala akong sinabi." Kinuha ko sa kanya ang damit at isinuot iyon. Mas komportable ang damit na iyon kaysa sa una niyang ipinasuot sa akin. "Sige na, aalis na ako. Naghihintay na sina Rei."
Naglakad ako patungo sa pintuan palabas ng kuwarto niya. Bago ko mapihit ang doorknob ay tinawag ulibako ni Uno.
"Bullet, nakalimutan mo."
"Alin?" Lumingo ako sa kanya.
"Huwag mong kalimutan 'tong puso ko." Nag-heart shape siya gamit ang mga daliri.
I stormed off the room before he could see my smile. Pagkasara ko ng pintuan ng kuwarto ni Uno ay napasandal ako.
Lub-dub lub-dub lub-dub...
Napahawak ako sa aking dibdib. Kung sana lang ay makakatulong iyon para humupa ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Ang lakas kasi ng epekto ng ginawa ni Uno.
I was moved.
Makailang beses akong humigit ng hininga para kalmahin ang aking sarili. Nang sa palagay ko ay ayos na ako ay inayos ko ang aking sarili bago ako naglakad sa hallway.
Pagliko ko para bumaba sa hagdanan papunta sa lobby ng dormitory nang makita ko sina Rei, Calix, Felix at Choi na nakaupo sa mga baitang.
"Ready ka na, Bullet?" nakangiting tanong ni Choi habang ang tatlo naman ay tila tinakasan ng bait habang nakatingin sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
