Bullet's POV
"Bakit ka nagpakabasa sa ulan? Paano kung hindi ako dumating? Hindi ka ba nag-iisip?... Bakit ka nagpakabasa sa ulan? Paano kung hindi ako dumating? Hindi ka ba nag-iisip?... Bakit ka nagpakabasa sa ulan? Paano kung hindi ako dumating? Hindi ka ba nag-iisip?"
Napatakbo ako patungo sa kinauupuan ni Uno nang marinig ko ang aking tinig ng paulit-ulit. Inilapag ko kaagad ang binili kong sandwich at juice sa bench.
He kept on replaying the video on his phone.
"Buwisit ka, Uno! Bakit may kopya ka pa n'yang video na 'yan?!" Sinubukan kong agawin sa kanya ang cellphone kung saan nagmumula ang record ng tinig kong iyon. "Uno!"
Ngunit maliksi siya at mabilis na nakaiwas sa akin. Lumayo siya agad at inilayo ang kanyang cellphone na naglalaman ng video.
"Madapa sana yung nag-record ng video na 'yan." I tried to catch him. "Uno, burahin mo 'yan!"
"Never!" Naka-ngisi niyang wika. Nagtatas-baba pa ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.
Muli ko siyang hinabol. Takbo dito. Takbo doon. Para kaming mga bata. Nagtatawanan.
At sa wakas ay nahuli ko siya na naging dahilan ng pagkabuwal namin sa damuhan. Pareho kaming tumatawa.
Mula sa pagkakahiga namin ay napatingin ako sa maaliwalas na kalangitan na puno ng mga bituin at kusang nagbalik sa aking isipan ang araw na iyon.
***
[Flashback]
Kakababa ko lamang ng taxi ng tumunog ang aking cellphone. May dumating kasing text message. Kaagad ko iyong binuksan.
Isang text message iyon mula kay Uno.
I hope we can talk. Meet me at tge eco-park dito sa campus. Mghihintay ako.
Magre-reply sana ako sa kanya nang may tumawag sa aking pangalan.
"Bullet..."
Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa aking harapan ang taong dahilan s pagtakas ko sa nakaraan.
"Sue..."
I was caught off guard. There she was standing right before my eyes. Tila muli akong bumalik sa nakaraan nang makita ko siya.
It's been almost three years.
Siya ang dahilan ng aking pilit na paglimot sa nakaraan. The girl who taught me how to love. Ngunit siya rin ang dumurog sa aking puso.
Napako ako mula sa aking kinatatayuan. Gusto ko sanang tumalikod at maglakad papalayo subalit hindi ko malabanan ang aking katawan na nagrerebelde.
All I was able to do was to stare at her.
"Bullet, puwede ba tayong mag-usap?" pagkakuwan ay tanong niya. Her voice was almost begging.
Hindi ko awari kung tumugon ba ako o hindi. Hindi ko maalala kung nagawa ko bang magsalita para sumang-ayon o kahit tumango man lamang.
I just realized that we were already sitting across each other on the table at a restaurant. I was firmly staring at her. But she seemed collecting herself and just let her eyes wander to avoid my eyes.
Batid kong medyo maingay ang paligid. May ibang mga customer sa coffee shop na nagkukuwentuhan. May awit na kasalukuyang tumutugtog bilang background music sa lugar na iyon. Ang bell sa may pintuan ng shop ay paulit-ulit na tumutunog dahil sa paglabas at pagpasok ng mga customer sa lugar.
But all those sound didn't make me distracted. Na kay Sue kasi ang atensyon ko habang magkaharap kami.
Pagkalipas ng mahabang sandali ng katahimikan sa pagitan namin, sa wakas ay tumikhim siya. She sighed heavily, collecting her thoughts.
"Bullet..." panimula niya. "Alam kong masyado ng huli ang lahat pero hayaan mo sana na humingi ako ng tawad. I'm sorry for everything I did—for hurting you..."
I let her continue with her words. Hinayaan ko siya at pinakinggan ko ang kanyang mga sinabi.
But at the same time, I never let go of my eyes off her. Pinag-aaralan at tinitimbang ko kasi ang mga bagay-bagay patungkol sa sarili ko at sa kanya.
I was asking myself if it was worth it. Sa loob ng mahabang mga taon, worth it ba ang ginawa kong pagkukulong sa sarili ko sa kalungkutan? Tama ba na kinimkim ko ang lungkot at galit?
Is she the woman I fell inlove with? tanong ko sa aking sarili.
Yes, she is, tugon naman ng isang bahagi ng aking isip.
Oo, siya nga. Si Sue. Ngunit taliwas sa inaasahan kong mararamdaman, wala na akong makapang sama ng loob sa kanya. Hindi ko masabi kong kailan pa nawala iyon.
Basta ang alam ko wala na iyon. Na-realize ko na ang pagsabi ng personal para humingi ng tawad mula sa kanyang mga labi ang tangi ko lamang palang hinihintay para ganap kong mabatid sa aking sarili na napatawad ko na siya.
Three years ago, I found her cheating on me. And I was deeply hurt because I was ready during that time to create a future with her.
Ngunit nalaman ko na hindi pala ako nag-iisa sa puso niya. Panakip butas lamang pala ako. Isang cover para hindi malaman ng mga tao kung sino ang totoo niyang gusto para hindi siya mahusgahan.
Hindi lalaki ang tipo ni Sue. She's into women. Pero sabi nga niya hindi din daw niya maipaliwanag noon na babae ang mamahalin niya.
Nahuli ko sila noon at narinig ang pag-uusap. I was deeply hurt. Subalit kahit galit ang umiiral sa akin, hindi ko nagawang sabihin sa iba kahit sa aking pamilya ang totoong dahilan kaya nakipaghiwalay ako kay Sue.
Up to the last moment, before I left town, I respected her as a human being and her privacy. Kaya wala akong pinagsabihan.
Ngayong kaharap ko si Sue, pagkalipas ng maraming taon, gusto kong tumawa sa katangahan ko. Gusto kong batukan ang aking sarili dahil matagal na pala akong nakapagpatawad. Hindi ko lamang pinansin ang bagay na iyon.
Nang matapos magpaliwanag si Sue ay kaagad ko ding ibinigay ang aking kapatawaran sa kanya. Wala ng saysay kung ipagkakait ko pa iyon.
Ang tahimik at awkward na atmosphere sa pagitan namin ay napalitan na ng tuwa. I was able to smile at her again. Masaya kaming nagkuwentuhan sa mga bagay-bagay. Just like the old times.
I should have answered her calls when she was trying to reach me even before, naisaloob-loob ko. Baka sakaling kung ginawa ko iyon noon pa ay hindi na sana ako nag-aalinlangan pa.
Walang babalang sumagi sa aking isipan si Uno. Subalit muling nakuha ni Sue ang atensyon ko ng tawagin niya ako.
"Bullet," aniya. "Did you know why I chose you? Alam mo ba kaya pati si Magie ni minsan ay hindi nagselos sa iyo kahit grabe ang effort mo to please me?"
"Because she trusts you?"
Tumango siya. "But aside from that, Magie also trusted you. She still do kaya nga nandito ako. Pero ang pinakamainam na dahilan kaya komportable ako na kasama ka noon ay dahil iginagalang mo ako bilang babae. Magie also knew that kaya kahit gusto niyang magselos ay hindi niya magawa. You're a gentleman, Bullet. Hindi ka nag-take advantage sa akin. And..."
There was something in her eyes. A familiar expression she had when she wanted to tell something.
My heart almost stopped from beating.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
