CHAPTER 4.5

2.7K 101 1
                                        

[Chapter Epilogue]

Felix's POV

Lakad-takbo ang ginawa ko sa buong campus para lamang mahanap ang kakambal kong si Calix.

Kailangan kong makita ang malokong iyon. I would love to let him taste my vengeance. Nakahanada na ang kamao ko para sa kanya.

Hindi ko kasi nagustuhan ang kalokohan niya. Nagpanggap na naman kasi siya bilang ako para mai-date ang type niyang babae. Pagkatapos ngayong nagsawa na siya ay ako ang hinahabol ng babae.

Mag-asawang sampal at isang upper cut ang ibinigay sa akin ng babae dahil niloko ko daw siya.

"Hay naku, Felix," bulong ko habang pinag-uumpog ang aking mga kamao. "Mag-anak na sapak at kambal na flying kick ang ibibigay ko sa'yo."

Ngunit naikot ko na ang buong campus ay hindi ko pa rin siya natatagpuan kahit anino niya.

Kaya pala ilang araw niya aking nililibre ng lunch at meryenda—paunang konsolasyon pala iyon sa mapapala ng guwapo kong mukha.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ko ng makarating ako sa isang classroom kung saan ko nakita si Bullet. Hindi niya ako napansin na pumasok dahil mukhang tutok na tutok ito sa ginagawa.

He was using his laptop and seemed like watching something.

Napangisi ako ng may pumasok na ideya sa aking isip. I was walking in tip-toe as I walked toward him.

Balak ko siyang gulatin.

Subalit bago ko pa naman magawa iyon ay bigla niya akong hinarap kaya ako ang nabigla. Napabuwal tuloy ako sa sahig.

"Aray!" daing ko habang tumatayo. "Grabe ka namang manggulat, Bullet. Ang sakit! Tahimik kang umatake kaya parang aatakihin ako sa puso sa gulat."

"Hindi ba gugulatin mo din dapat ako," nakangising tugon niya.

Napakamot naman ako sa ulo saka itinaas ang aking mga kamay na parang sumusuko. Guilty as charged.

"Ano ba yang pinapanood mo, Bullet? Porn yan ano," tanong ko saka lumapit para tingnan ang screen.

But I was wrong. Wala kasing mga adult content akong nakita sa ginagawa niya.

"Loko ka," he said. "Nagse-search ako."

"Ano naman ang sine-search mo? Chicks ba?"

"Nagpunta na lang sana ako sa poultry farm kung sisiw ang hinahanap ko, Felix."

Kumunot ang noo ko.

He seriously said, "that was a joke. Joke lang iyon. Alam ko ang gusto mong sabihin sa salitang chicks."

Napatango na lamang ako. Hindi ko talaga nasasakyan ang logic nitong si Bullet. Ang hirap ding tantiyahin kasi hindi ko alam kung kailan ba ito game makipag-usap o hindi. Palagi rin kasi siyang tahimik.

"Anyway, I was looking for a shaman."

"Shaman?!" taka kong tanong. "Ano namang kailangan mo sa isang shaman?"

"May ikokunsulta lang ako. Nagbabakasakali lang ako kung may alam ka since mahilig kang mag-browse sa internet," paliwanag ni Bullet. "Wait... Ikaw nga ba o si Calix iyon?"

Kahit nagtataka ako ay tinulungan ko na lamang siya sa aking makakaya. And I was glas I did. Itinuro kasi niya sa akin kung saan niya huling nakita ang kakambal ko.

Natutulog pala sa ilalim ng lamesa sa sulok ng library si Calix.

Now, my dear twin brother, I'll give what you deserve.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon