CHAPTER 11

1.7K 68 1
                                        

Bullet's POV

Nang ininom ni Uno ang gayuma nagdulot ito ng komplikasyon. However, I never thought that the potion itself would make things more complicated than I could imagine.

Pinuntahan ko uli kasi ang shaman na gumawa ng gayuma para idulog ang ang nangyari.

"Madam Cola, hindi ba wala namang ibang epekto kapag iba ang uminom ng gayuma sa halip na ako?"

Nag-isip ito saglit. "Wala naman... Parehas pa rin ng epekto iyon kagaya ng sinabi ko."

Nakahinga ako.

"Maliban na lang kung ang uminom niyon ay ang taong gusto mong kalimutan."

"Ano po?"

Madam Cola smiled like she already knew what happened even though I didn't tell the details. "Kahit hindi mo sabihin, I can tell what's on your mind. Hindi ikaw ang nakainom ng gayuma, hindi ba?"

Tumango ako.

"Iba ang nakainom niyon. Tama?"

Tumango uli ako. Naisaloob-loob ko na mukhang nanghuhula lamang siya at inuulit lamang ang mga sinabi ko. Totoo kaya yung gayuma, in the first place?

"Hmmm..." Tumaas ang kilay niya. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala, Bullet. Nasa sa iyo iyon. Basta ang alam ko ang nakainom ng gayuma sa halip na ikaw ay ang taong gumugulo sa iyo dito,"—tinuro niya ang sintido ko—"at saka dito."

Napalunok ako ng ituro niya ang aking dibdib sa may parteng puso. Totoo nga ang sinasabi ng shaman na ito.

"Kahit hindi mo ikuwento sa akin, batid kong komplikado ang sitwasyon para sa iyo. Ang pangalan niya ay—"

"Naniniwala na ako, Madam Cola," putol ko sa sasabihin niya. "Naniniwala na po ako."

I sighed.

Mukhang wala yata akong maitatagong sikreto sa kanya. Totoo nga ang pagiging shaman niya.

"Hindi mo na kailangang itanong. Sasabihin ko na sa iyo ang komplikasyon ng nangyari," iginiya niya ako paupo bago siya pumwesto sa kanyang sariling upuan. "Yung gayumang ipinagawa mo sa akin. It's made to settle your emotion. Para yung isang tao mula sa nakaraan mo na minahal mo ang patuloy mo paring mamahalin... para iwaksi ang damdaming umuusbong para sa taong gusto mong kalimutan. At para mabalewala ang kakaibang nararamdaman mo sa isang taong bagong dating sa buhay mo. Tama?"

Napatango ako.

"But the thing is siya ang uminom ng gayuma sa pag-aakalang lason iyon." She laughed a bit. "Sweet. Knight-in-shining-armor lang ang peg."

"Madam Cola."

"Anyway," she composed herself. "Hindi lang naman kasi basta ganoon ang gayuma na ginawa ko, Bullet. It's also made to mold your true desire. Ngayon, dahil si Uno ang nakainom niyon kailangan mo siyang tulungan. That potion became a love potion when he drank it. It has the opposite effect on what it was supposed to. And you need to help Uno."

"Ha? Paano ninyo nalaman ang pangalan niya?"

"Sabi ko naman sa iyo, alam ko. Kaya nga shaman ako di ba?

Napakamot na lang ako sa ulo.

May hinawakan itong stick na may maliliit na bakal sa dulo na kumakalansing. Itinaas niya iyon saka pumikit bago kumalansing.

May kakaibang lenguwahe siyang sinabi at pagkatapos ay muli akong tiningnan.

"The best thing you can do is to help him."

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon