CHAPTER 10

1.9K 75 0
                                        

Uno's POV

"It's because of that thing you took from me and drank while we were on the rooftop."

Sa totoo lamang ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang pauli-ulit na bumabalik sa aking isipan ang ipinagtapat ni Bullet sa akin.

Dahil nga ba sa gayuma kaya nararamdaman ko ito? Kaya ba ganito na lamang katindi ang pag-aalaala ko sa kanya? Pero bakit parang hindi naman?

The scene on the rooftop flashed on my mind. Noong inagaw ko sa kanya ang botelya at ininom ang laman niyon.

Akala ko talaga ay lason iyon. Akala ko expired na energy drink. Akala ko ay nagbabalak magpatiwakal siya.

Puro akala.

At dahil ba sa mga akala kong iyon kaya nalagay ako sa kasalukuyan kong posisyon?

Nasapo ko ang aking dibdib para pakiramdaman ang pagtibok ng aking puso. Pabagsak akong nahiga sa aking kama.

Nang tingnan ko ang orasan ay halos madaling araw na subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok hanggang sa mga sandaling iyon.
Naghahanap ako ng sagot.

Bakit ko nga ba nararamdaman ito? The last time I checked, 100% akong sigurado na attracted ako sa opposite sex. At playboy ako.

Dahil nga ba sa gayuma kaya kakaiba ang nararamdaman ko para kay Bullet?

Subalit kanina... Yung mga nangyari, papaano ba iyon ipapaliwanag. Noong kinukulit ko siya. It's bringing me a special joy when he noticed me everytime I played prank on him.

I could feel that my heart almost riped my chest to get out as it fluttered when my face was inches away from him.

Halos mabali ang leeg ko kapag hinahanap ko siya sa maraming tao sa paligid. Kulang na lamang ay lumutang ako kapag sinusundan siya huwag lamang niya marinig ang yabag ng mga paa ko para hindi niya ako mahuli.

And I felt sad when I was seeing him having sadness in his eyes. There's a part of me wanted to comfort him.

Tila ba napakalaking achievement para sa akin noong binantayan ko siya at inalagaan habang tulog siya sa infirmary pagkatapos ng aksidente.

Excited ako na magluto ng mga pagkain na iniiwan ko sa labas ng kuwarto niya noong hindi pa ito nakakalabas dahil sa pilay niya sa paa.

Nagugulahan ako sa nararamdaman ko at halos mabaliw ako habang nagpapanggap na wala akong pakielam sa kanya nitong mga nakaraang linggo.

Tiniis ko na huwag siyang pansinin. Sinikap kong huwag siyang asarin. Ginawa ko ang lahat para huwag magpapansin sa kanya.

Kahit gustung-gusto ko siyang i-prank. Kahit na gusto ko muli siyang sundan ng palihim. Sinikap kong abalahin ang sarili ko sa ibang bagay.

Pati ang mga manga at DVD ni Fei na may boys love genre ay nabasa at pinanood ko na. And while doing it I wished those happy endings would also be like us despite of the restrictions.

Pero ang pagtitiis ay may hangganan.

And I reached my limit when I saw Bullet smiling to Choi.

Nagtungo ako sa cafeteria para mag-lunch nang makita ko roon si Bullet kasama sina Rei, Calix, Felix at Choi.

Although they were altogether and conversing, Bullet seemed like on his own world while reading.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon