Uno's POV
Palihim kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata bago ako kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.
" Bullet..." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "My Bullet..."
"Ano nga yun, Uno? May gusto ka bang sabihin?"
Umiling ako. "Always remember that I'll always want to make you happy, okay? Gusto ko masaya ka. I want you to smile... Hik!"
I know my voice was starting to sound frail so I pretended having a hiccup.
"Okay."
"Kapag nahihirapan ka na sabihin mo ha? Handa naman akong makinig..." Kung hindi talaga ako ang gusto mo. Makikinig ako kung sa iba ka sasaya.
Niyakap ko uli siya saka ako umikot pagkabitaw ko sa kanya. Subalit hindi ko natantya ang aking galaw kaya nabuwal ako. Maagap naman niya akong sinalo. "Whoops... Hik!"
Dapat hindi mo na lang sinalo, Bullet, aasa lang akong lalo eh, naisaloob-loob ko.
"Uno, lasing ka na..."
"Owkey...!" nag-hand sign ako ng okay. "Bullet, ngiti ka. Gusto ko mag-smile ka... Hik!" Yung ngiting para talaga sa akin.
"Bullet, kahit ano ang mangyari tandaan mo na gusto ko ay sumaya ka." Muli ko siyang niyakap.
I could feel my tears were about to burst once again. I had to show him I wasn't weak. I had to.
Subalit ayaw paawat ng mga luha sa aking mga mata kaya nagpanggap ako na nasusuka.
Bullet helped me to get into the bathroom. Doon ako nagpanggap na sumuka. Umaayon naman ang kondisyon ko dahil sa kalasingan.
I vomited. And it helped because it didn't show that I was actually crying. Iisipin lang niy dahil iyon sa kondisyon ko kay my luha sa aking mga mata.
Naramdaman ko ang mainit niyang palad na humahagod sa aking likuran.
Hindi ko na yata kaya pang tumayo dahil nanghihina na ako. Kaya inalalayan niya ako.
I didn't know I looked like a mess until he guided me to the shower area.
Hindi ganitong hitsura ang gusto kong matandaan niya tungkol sa akin. Ayaw kong magmukhang mahina.
Subalit wala akong magawa. Nagrerebelde na sa akin ang katawan ko kaya wala na akong kontrol at lakas.
Napasandal na lamang ako sa pader habang hinahayaan kong mabasa ang aking katawan ng tubig mula sa shower.
I tried to take off my shirt but I wasn't able to. "Aish!"
I could see Bullet was hesitating if he would help me or not.
Dala man ito ng kalasingan ko o hindi, maybe I could change his heart to choose me instead.
Gamit ang naipon kong lakas ay kinabig ko siya palapit sa akin. Now we're inches away. Our body was almost against each other. At kakaunting disyansya na lamang ang pagitan ng aming mga mukha.
We were both soaking wet as the water ran down to our bodies.
Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya.
"Bullet, allow me to kiss you... please..." bulong ko. "I love you..."
He closed his eyes. Ang akala ko ay iyon na ang pagkakataon ko.
Ngunit nagkamali ako.
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay wala na ang kaunting pag-asang akala ko ay mayroon para makumbinsi ko siya na ako na lang.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomantikPumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
