CHAPTER 21

1.3K 56 3
                                    

Bullet's POV

Kumpleto kaming nakaupo sa iisang lamesa—ako kasama sina Rei, Choi, Calix at Felix. Si Uno ay kasama na din namin.

It was the first time in a while na nakumpleto kami. At may dagdag pa.

So dapat masaya.

However, it wasn't the case. Instead a long awkward silence was occupying the atmosphere.

Ang makulit na kambal ay nakatingin sa magkaibang direksyon. Kapwa sila tahimik at nagpapakiramdaman. Hindi naman lingid sa akin kung ano ang nangyari dahil ikinuwento ni Calix sa akin ng samahan ko siya para dalawin ang kapatid nilang si Lex.

Si Felix naman ay si Rei ang nakausap ayon na rin sa huli.

The twin's misunderstanding was about a girl. About Kisha.

And then there was Rei and Choi. Both seemed to feel awkward also with each other.

Rei tried to start a conversation with Choi but the latter shut him down. Kung ano ang hindi nila pagkakaunawaan ay hindi ko pa alam.

I looked at Rei and tried to communicate using our eyes. Tinanong ko kung ano ang problema. Hindi daw niya alam. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagtapik sa likuran ni Felix at may ibinubulong.

Tumatangu-tango naman si Felix.

Nagkatinginan tuloy kami ni Uno. Nakaramdama ako ng kaunting pagkapahiya dahil sa sitwasyon. Iyon kasi ang unang pagkakataon na makakasama namin siya bilang isa sa grupo subalit hindi ko inasahan na ganito ang magiging sitwasyon.

Lumipas pa ang ilang sandali at nananatili silang tahimik.

"Aish... Bakit ba ang tahimik ninyo? Akala ko ba gusto ninyong mag-hang out? Let's start drinking," pilit kong pinasigla ang sitwasyon.

Wala kasing pasok kinabukasan dahil holiday tapos eksaktong ang kasunod ay weekend at saka isa pang holiday kaya idineklarang long weekend. Marami ang mga estudyante mula sa dorm ang nagsiuwian sa kanilang mga bahay. Halos walang natira sa building 1 ng dormitory maliban sa mga seniors na abala sa pagtatapos ng research paper at ang iba ay thesis.

Tapos na naman kami sa research paper namin kaya nag-aya ako na mag-hang out. Napansin ko kasi ang hindi nila pagpapansinan kahit sa campus.

Tumikhim si Choi. "Okay," pagsang-ayon niya sa akin. "Uminom na tayo, Bullet, Uno, Calix."

Natigilan kami dahil batid naman namin kung sino ang hindi niya binanggit.

"Ah... Kayo rin pala Rei at Felix," sabi niya sa malamig na tinig. "Nandiyan pala kayo. Baka kasi ayaw ninyong magpa-istorbo. You seemed busy in your own world."

Inisang lagok ni Choi ang basong puno ng alak. Nagsalin muli siya at pinuno iyon.

Ganoon din ang ginawa ni Calix. Pagkainom niya ay saka siya nag-salita. "Pasensya na, guys. Hindi lang sa mauubusan ako ng alak. Gusto ko kasi ito kaya iniinom ko na baka maagaw pa sa akin eh."

Inilayo naman ni Felix ang bote ng alak sa harap niya. "Kayo na lang ang uminom, guys. Baka sabihin pa eh nang-aagaw ako."

"Aish... Ano ba? Tumigil na kayo. Kung hindi ninyo sasabihin ang problema walang mangyayari." Sabi naman ni Rei. Sinulyapan niya si Choi bago inisang lahok ang baso ng alak. "Ang hirap kasi ng nanghuhula. Ang hirap din na umasa."

"May mga bagay talagang kapag wala na sa iyo saka mo malalaman ang halaga," sabi naman ni Felix. "Kaya dapat ingatan." Kinuha na niya ang kaninang tinanggihan na alak at saka ininom iyon mula sa bote. "Dapat ingatan."

Kinuha ni Calix ang ibang mga bote sa lamesa. "Ito. Ito. Ito... Saka yung iba pa... Sa akin."

Nagkatinginan kami ni Uno. Nang makahanap kami ng pagkakataon ay inaya ko siya sa isang sulok para kausapin.

"Uno, sorry. I didn't know what happened. Hindi dapat ganito ang nangyayari dahil unang beses mong sumama sa amin. It's just that..."

He smiled. "Hey, no need to explain. Mukha naman talagang may problema sila. Nabanggit mo na din naman na sina Calix at Felix may hindi pagkakaunawaan kaya kahit sa klase hindi sila nagpapansinan. As for Choi and Rei, hindi ko alam kung ano ang meron. Perhaps, lover's quarrel...?"

Tinampal ko ang noo niya. "Loko. Mamaya marinig ka nung dalawa. Sabi nga ni Rei..."

"...may girlfriend si Choi," pagtatapos ni Uno sa aking sasabihin. "Kahit yata buong school alam na iyan dahil sa pagiging spokesperson niya para kay Choi."

Parehas kaming tumawa.

"Well, here's what I'm thinking." Tumikhim siya. "Hindi tayo makakatulong sa kanila kung hindi natin sila papakinggan. So I was thinking... na kausapin natin sila. Isa-isa if needed."

Nauunawaan ko ang nais niyang sabihin sa akin. Kaya iyon ang gagawin namin ni Uno. We wanted to help resolve the issue before it becomes worse. Hindi lang naman ang naaalektuhan. Pati kami. At pati samahan namin sa eskuwela ay naapektuhan.

Subalit pagbalik namin ay wala na sa lamesa si Calix. Nasa isang sulok ito at doon umiinom. Baka daw kasi agawin sa kanya ang iniinom niya.

With his words, I knew he wasn't talking just about the damn alcohol. At hindi lingid sa akin na ang mga salitang binibitiwan niya ay para sa kanyang kakambal. It was about their misunderstanding. It was about Kisha.

Wala na din si Choi. Nasa may balkonahe daw ito ayon kay Felix. Ito naman ay nakikipag-one on one inuman kay Rei. At pagkatapos naman itong si Rei ay pasulyap-sulyap sa kinaroroonan ni Choi.

Sinulyapan ko si Uno na nagkibit balikat. What he said was right. We'd have to deal with these drama kings.

Sinenyasan ko si Uno kung saan ako tutungo. He nodded. Pinuntahan ko si Choi sa balkonahe.

Uno seemed to understand what I was trying to do. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na bukod kay Rei ay sa akin lang nag-o-open up ito.

Choi was drinking alone. And he looked hurt and sad everytime he glanced at Rei.

"A penny for your thought..." panimula ko nang lapitan ko siya para ipaalam ang aking presensya. "Ano'ng problema, Choi? May tampuhan ba kayo ni Rei?"

"Tampuhan?" he shook his head sarcastically. "Wala. We just fell apart. Wala eh... mukhang pinagpalit na niya ako sa iba."

I oatted his shoulder. "I can listen if you want to share."

He sighed, frustated. "Hindi ko alam, Bullet. Hindi ko alam kung kailan nagsimula at dahil wala akong ideya,  I think I took him for granted. I should have known."

"Hey, calm down, Choi..."

Humigit siya ng malalim na hininga. "Bullet, as your friend, do you trust me?"

"Oo naman... pero ano ba ang gusto mong sabihin—"

Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at inilapit niya ang mukha niya papalapit sa mukha ko. Close enough like he was about to kiss me.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

I froze and was caught off guard.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon